4,000 LUZON KAPAMILYAS RUN IN ABS-CBN REGIONAL’S SEVEN CITY-SIMULTANEOUS RUN

One Kapamilya Run

More than four thousand running enthusiasts from across Luzon united in support of various advocacies last May 16 for ABS-CBN Regional’s project One Kapamilya Run (OKR), which was held simultaneously in seven different cities.

Now on its second year, OKR attracted runners in the cities of Dagupan (Pangasinan), Baguio (Benguet), San Fernando (Pampanga), Santiago (Isabela), Laoag (Ilocos Norte), Lipa (Batangas) and Puerto Princesa (Palawan) to address pressing concerns in the communities such as environment, health and education.

ABS-CBN stations in Pampanga, Laoag, Isabela and Dagupan are one in their thrust to support the environmental projects of DENR. ABS-CBN Dagupan in particular is committed to continue its series of efforts to help rehabilitate Pangasinan’s Sinocalan River.

ABS-CBN Batangas and Palawan, on the other hand, plan to help deserving public elementary schools acquire e-learning materials, while ABS-CBN Baguio intends for the proceeds to help the patients of the Helping Hands Healing Hearts recovery unit.

ABS-CBN Regional, under the leadership of head Atty. Abigail Querubin-Aquino and Luzon Cluster OIC Gemma Q. Cacas, affirms the commitment for the regional stations to serve as propellers of relevant community initiatives that have direct and long-term impact.

One Kapamilya Run is an annual project that does not only promote health and wellness among the runners but also pushes for social responsibility, sportsmanship, and camaraderie among all stakeholders.

-30-

4,000 KAPAMILYA SA LUZON, TUMAKBO PARA SA KALIKASAN, KALUSUGAN, AT EDUKASYON

Higit sa 4,000 na Kapamilya mula sa iba’t-ibang dako ng Luzon ang nagkaisa para sa benefit-run ng ABS-CBN Regional na One Kapamilya Run (OKR), na sabay-sabay na idinaos sa pitong lungsod noong Mayo 16.

Sa ikalawang taon nito, tinipon ng OKR ang libo-libong mananakbo mula sa mga lungsod ng Dagupan (Pangasinan), Baguio (Benguet), San Fernando (Pampanga), Santiago (Isabela), Laoag (Ilocos Norte), Lipa (Batangas) at Puerto Princesa (Palawan) para isulong ang mga adbokasiya ng ABS-CBN Regional para sa kalusugan, edukasyon, at kalikasan.

Layunin ng ABS-CBN Pampanga, Laoag, Isabela at Dagupan na suportahan ang environmental projects ng DENR. Nais namang ipagpatuloy ng ABS-CBN Dagupan ang nasimulan nitong pagtulong para sa rehabilitation ng Sinocalan River sa Pangasinan.

Samantala, nagkakaisa naman ang ABS-CBN Batangas at Palawan na bigyan ang ilang public elementary schools ng e-learning materials, habang ang nakalap namang pondo ng ABS-CBN Baguio ay mapupunta para sa mga pasyente ng Helping Hands Healing Hearts recovery unit.

Sa pamumuno ng ABS-CBN Regional head na si Atty. Abigail Querubin-Aquino at Luzon Cluster OIC Gemma Q. Cacas, patuloy na isinusulong ng ABS-CBN Regional ang layunin nitong magbigay ng serbisyo publiko sa mga komunidad.

Ang One Kapamilya Run ay isang taunang proyekto na hindi lang itinataguyod ang kalusugan ng mga mananakbo kundi pati na rin ang social responsibility, sportsmanship, at pagkakaisa ng mga kalahok.

-30-

Comments are closed.