NOLI DE CASTRO BRINGS “KABABALAGHAN” TO JEEPNEY TV

noli-de-castro

Viewers are in for a great ride this month of November as Jeepney TV presents the documentaries of ABS-CBN News and Current Affairs, including the most awaited return of Noli De Castro’s horror stories in “Kabayan Special Report: Kababalaghan.”

Due to popular demand, viewers will once again witness Kabayan as he narrates some of the most spine-chilling paranormal stories in the rerun of the highly anticipated Halloween special on November 13.

Meanwhile, more surprises are coming viewers’ way as Kapamilya teleserye “Muling Buksan ang Puso,” starring Julia Montes, Enrique Gil, and Enchong Dee returns to television on November 14. Viewers are also set to experience a grand musical treat with “Para sa Bayan: Ryan Ryan Musikahan” airing this November 26.

On Novemer 20, Jeepney TV will bring back memories as “Biyaheng Retro: Action Heroes” talks about the biggest action icons such as Fernandor Poe, Jr., Rudy Fernandez, Robin Padilla, Coco Martin, and other remarkable Pinoy action icons.

Aside from drama and action, viewers are also set to witness the story of hope and perseverance in the award-winning documentary “Mukha,” which showcases the life of a sand diver from Davao that is slated to air on November 20. On November 27, meanwhile, join Atom Araullo in his journey from Malabon to Norway as he tackles the ill effects of global warming in the 38th Catholic Mass Media Awards’ Best TV Special, “Warmer.”

Reminisce the good times and watch the most-loved programs in Jeepney TV on SkyCable channel 9, Destiny Cable Analog 41 and Digital 9. For more information, like Jeepney TV on Facebook (facebook.com/JeepneyTV).

Dekalibreng dokyumentaryo ng ABS-CBN News and Current Affairs, bibida…
“KABABALAGHAN” NI NOLI DE CASTRO, MULING MAPAPANOOD SA JEEPNEY TV

Mangunguna sa biyahe ngayong buwan ng Nobyembre ang mga natatanging documentaries ng ABS-CBN News and Current Affairs sa Jeepney TV kabilang na ang pinag-usapang pagbabalik ng mga kuwento ng katatakutan ni Noli De Castro sa “Kabayan Special Report: Kababalaghan.”

Muling tunghayan si Kabayan ngayong November 13 sa rerun ng inabangang dokyumentaryong nagdala ng takot at kilabot noong Halloween na siguradong magpapatindig muli sa balahibo ng bawat manonood.

Maliban naman sa kuwento ng kababalaghan, mapapanood din ngayong buwan ang “Muling Buksan ang Puso,” na pinagbibidahan nina Julia Montes, Enrique Gil, at Enchong Dee simula November 14. Samantala, isang espesyal na tugtugan naman ang hatid ng “Para sa Bayan: Ryan Ryan Musikahan” na magpapaindak sa mga manonood ngayong November 26.

Hindi rin naman pahuhuli ang mga aksyon sa “Biyaheng Retro: Action Heroes” kung saan mas makikilala ng lahat ang Pinoy action icons gaya nina Fernando Poe, Jr., Rudy Fernandez, Robin Padilla, Coco Martin, at iba pang magagaling na action stars na ipapalabas ngayong November 20.

Bukod sa drama at aksyon, dapat ding abangan sa Jeepney TV ang ilan sa mga dokyumentaryo ng ABS-CBN News and Current Affairs. Isa na nga rito ang ang award-winning documentary na “Mukha,” ang kuwento ng pagsisikap at pag-asa ng isang sand diver mula Davao na ipapalabas ngayong November 20.  At ngayon namang November 27, samahan si Atom Araullo sa kanyang paglalakbay mula Malabon hanggang Norway upang talakayin ang lumalalang issue ng global warming sa Best TV Special ng 38th Catholic Mass Media Awards na “Warmer.”

Balikan ang mga masasayang tagpo ng mga pinkapaboritong palabas sa Jeepney TV na mapapanood sa SkyCable channel 9, Destiny Cable Analog 41 at Digital 9. Para sa karagdagang updates, i-like ang Jeepney TV sa Facebook (facebook.com/Jeepney TV).

Comments are closed.