5 NAKAKATAWANG PINOY MOVIES NA MASAYANG PANOORIN KASAMA SI TATAY

5 NAKAKATAWANG PINOY MOVIES NA MASAYANG PANOORIN KASAMA SI TATAY

 

Limang nakakatawang pelikula ang handog ng CineMo! ngayong buwan na masayang panoorin ng pamilya kasama ang hari ng tahanan, si itay.

Panoorin Ang Erpat Kong Astig sa CineMo sa Hunyo 16, 7PM

  1. Erpat Kong Astig (June 16, 7PM Cinebakbakan Block)

Isang biyudo si Sen. Jinggoy Estrada sa pelikulang ito na hindi lang maaksyon, kundi nakakatawa rin. Pinaghihirapan niyang mapag-aral sa isang pribadong paaralan ang kaniyang anak para tuluyan nang tumira ito sa kaniya kaya pinagsisikapan nyang bigyan ang anak ng magandang buhay. Abangan ang nakakatawang pagtampok sa Star for All Seasons, Vilma Santos, bilang isang hurado na namamagitan sa dalawang abogado na ginampanan nina Edu Manzano at Edgar Mortiz.

  1. Tataynic (June 18, 6PM Dolphy: Hari ng Comedy Block)

Hindi lang kilala si Dolphy bilang Hari ng Komedya. Higit na kilala siya bilang isang mapagmahal na ama sa kaniyang mga anak at mga anak-anakan. Kasama niya ang isa sa mga ito sa kakaibang bersyon ng 1997 blockbuster movie na “Titanic.” Panoorin kung paano matatakasan ng kwelang mag-ama ang ilang goons na humahabol sa kanila at kung paano nila paiibigin ang mga natitipuhang babae.

  1. Di Pa Tapos Ang Labada, Darling (June 24, 9PM Cinetawanan Presents)

Mag-asawa si Vic Sotto at Dina Bonnevie sa pelikulang ito tungkol sa pamilyang sinusubok ng tadhana. Hindi man sila parehas ng estado sa buhay at nagkaka-selosan man minsan ay mahal nila ang isa’t-isa at naaayos nila ang kanilang mga problema ng may ngiti at song and dance number pa.

  1. Hindi Ako Ander, Itanong Mo Pa Kay Kumander (June 28, 9PM Cinesaya Block)

Si Janno Gibbs ay si Tomas, mapagmahal na asawa ni Cindy, na ginampanan ng kaniyang tunay na asawang si Bing Loyzaga. Handa si Tomas na pagdaanan lahat mula paglilihi, pakikisama sa kaniyang matapobreng biyenan, pakikipaghiwalayan, at kahit pa hostage-taking dahil mahal na mahal niya ang kaniyang pamilya. Nalalagpasan nila ang mga suliranin sa pagpapatawa at napapasaya kahit pa ang pinakamabigat na araw.

  1. Home Along Da Riles (June 30, 5AM Cinekomedya Block)

Hindi kumpleto ang listahan tungkol sa mga natatanging ama kung wala ang ultimate na Pinoy TV at movie tatay, si Kevin Kosme. Biyudo man ay naitaguyod niya ang kaniyang apat na anak sa kabila ng kahirapan at samu’t saring pagsubok. Higit doon ay hindi lang siya tatay sa kaniyang mga anak, tumayo rin siyang ama maging sa mga tambay sa kanila at tinuturuan sila kung paano maging mas mabubuting mga tao.

 

Panoorin ang lahat ng mga ito sa CineMo!, channel 3, ng ABS-CBN TVplus ngayong buwan. Mayroon ding mga action movies para kay tatay gaya ng “Manila Boy” ni Robin Padilla at ang “Manedyer… Si Kumander” ni FPJ. Maaari ring panooring ni itay ang marathon ng  ng mga pang-linggong episode “FPJ’s Ang Probinsyano” tuwing Linggo mula 3 hanggang 5 ng hapon.

Isa ang CineMo! sa mga libre at eksklusibong channel ng ABS-CBN TVplus. Sa halagang P1499 mapapanood na ng buong pamilya ang mga channels na ito, ang CineMo!, Yey, DZMM Teleradyo, at ang Knowledge Channel. May signal ang ABS-CBN TVplus sa Metro Cebu, Cagayan De Oro, Iloilo, Bacolod, Davao, Metro Manila, Bulacan, Nueva Ecija, Pangasinan, Rizal, Laguna, Pampanga, Tarlac, Benguet, at Cavite.

-30-

 

5 FUNNY PINOY MOVIES TO LAUGH OUT LOUD TO WITH DAD THIS MONTH

Dads reign as kings this June and CineMo! has prepared for a month-long celebration with five rib-tickling Pinoy movies dad and the whole family can laugh out loud to.

  1. Erpat Kong Astig (June 16, 7PM Cinebakbakan Block)

Sen. Jinggoy Estrada stars in this action comedy flick about a widower dad who works hard to send his daughter to a private school to be able to get custody of her. He uses his desire to be with his daughter, to provide a good life for her, and to protect her as a motivation to work hard and do better in life. As an added quirk, the movie begins with a cameo from the Star for All Seasons, Vilma Santos, as a judge presiding over lawyers, played by Edu Manzano and Edgar Mortiz.  Watch Erpat Kong Astig

 

  1. Tataynic (June 18, 6PM Dolphy: Hari ng Comedy Block)

Dolphy is not just known as the King of Comedy. More than that he is known as a loving dad to his children, both onscreen and off. He teams up with real life son, Vandolph, in this parody of 1997’s hit “Titanic.” Get ready to laugh at the misadventures of this father-son tandem, including running away from a bunch of goons, and trying to woo the women they like.

 

  1. ‘Di Pa Tapos ang Labada, Darling (June 24, 9PM Cinetawanan Presents)

Vic Sotto and Dina Bonnevie play a couple tested by jealousy and differences in social class. They overcome their struggles with smiles, laughter, and a song and dance number to come together and become a stronger family.

 

  1. Hindi Ako Ander, Itanong Mo Kay Kumander (June 28, 9PM Cinesaya Block)

Janno Gibbs is Tomas, a loving father and husband to Cindy, played by Janno’s real life wife, Bing Loyzaga. Tomas endured everything from morning sickness, an overbearing mother-in-law, estrangement, and even a hostage-taking situation just to prove his love and dedication to his family. This family knows how to be serious but also how to inject a lot of comedy to make even the most difficult of days feel like the best day ever.

 

  1. Home Along Da Riles (June 30, 5AM Cinekomedya Block)

A list about hard working, loving, and funny dads would not be complete without the ultimate Pinoy TV and movie tatay, Kevin Kosme. A widower and father of four, Kevin Kosme lived for his children. He would always find ways to make ends meet to give his kids a good life and smile despite of their hardships. He was a father not just to his children but also to the tambays around the neighborhood, teaching them how to become better persons.

 

Tune into CineMo! on channel 3 of ABS-CBN TVplus this month to be able to watch these movies. There are also action movies for dads who want to relax on their special day, like Robin Padilla’s “Manila Boy” and FPJ’s “Manedyer… Si Kumander.” Dad can also catch up on “FPJ’s Ang Probinsyano” with a marathon of the week’s episodes every Sunday from 3-5PM.

CineMo! is one of the free and exclusive channels of ABS-CBN TVplus.  For a one time payment of 1499, the whole family can enjoy ABS-CBN TVplus free and exclusive channels Cinemo, Yey, DZMM Teleradyo, and Knowledge Channel.  ABS-CBN TVplus signal coverage is available in Metro Cebu, Cagayan De Oro, Iloilo, Bacolod, Davao, Metro Manila, Bulacan, Nueva Ecija, Pangasinan, Rizal, Laguna, Pampanga, Tarlac, Benguet, and Cavite

-30-

Comments are closed.