Alyssa Valdez and Robi Domingo headline “UAAP Greats” special to kick-off UAAP Season 80 on S+A

 

Volleyball phenom Alyssa Valdez, Kapamilya host Robi Domingo, and former UAAP courtside report Ganiel Krishnan will join forces to show some of the greatest athletes and moments in the country’s premier collegiate league to jumpstart UAAP’s milestone 80th season.

The trio will feature the likes of Ian Lariba, Danny Florencio, Lydia De Vega, and Robert Jaworski in the “UAAP Greats” TV special, which will air this Saturday (September 9) at 1pm on S+A and S+A HD, right after the grand opening ceremony of UAAP Season 80 at 12pm, courtesy of this year’s host the Far Eastern University.

Alyssa, Robi, and Ganiel will take us through a time travel of sorts to the greatest winning streaks, individual performances, championship runs, and tandems that have dotted the 80 years of UAAP, while the ceremony promises to bring back the legends from each school to welcome the new season, which has the theme “Go for Great.”

Moreover, S+A will also introduce new features in its UAAP coverage, starting with a new batch of courtside reporters, which include Miguel Dypiangco (NU), Tonie Moreno (UST), Eileen Shi (DLSU), Martie Bautista (ADMU), Nicole Sumagui (AdU), Agatha Uvero (UP), Migs Gomez (UE), and Sydney Crespo (FEU). Former courtside reporters Krishnan, Pauline Versoza, Angelique Manto, and Ira Pablo will also return to serve as “UAAP Insiders” that will offer viewers and netizens with exclusive bits and features on UAAP teams and its players.

This year also marks the reinvention of the magazine show “Upfront at the UAAP,” with original host Janeena Chan being joined by new hosts Martin Javier, Turs Daza, and Manto in presenting in-depth and fun features on the lives of the athletes on and off the playing courts. ABS-CBN Sports will also launch a UAAP microsite, www.uaap80.com, which will house all updates, stories, and videos for the season. A special edition UAAP Magazine will also be coming out within the season.

Meanwhile, kicking off the explosive opening day lineup will be the National University Bulldogs going up against the University of the East Red Warriors at 2pm, followed by an aerial showdown between the Adamson Falcons and the Ateneo de Manila Blue Eagles. Sunday (September 10) gameday features a doubleheader with the University of Santo Tomas Growling Tigers making their debut against the University of the Philippines Fighting Maroons starting things off at 2pm. The defending champions De La Salle Green Archers and the hosts Far Eastern U Tamaraws then face off in an early-season preview of the Final Four at 4pm.

Don’t miss the opening day special “UAAP Greats” hosted by Alyssa Valdez, Ganiel Krishnan, and Robi Domingo and the opening ceremonies of the 80th Season of the UAAP, airing LIVE on S+A and S+A HD this Saturday (September 9) starting at 12pm followed by the games between NU and UE at 2pm and ADMU versus AdU in the main event. Sunday brings the explosive action between UST and UP at 2pm followed by the Final Four preview as hosts FEU face the defending champs DLSU at 4pm. For more information and stories, visit ABS-CBN’s sports hub sports.abs-cbn.com or the UAAP microsite www.uaap80.com, and follow @ABSCBNSports on Facebook and Twitter.

Mga alamat ng UAAP, bubuksan ang UAAP Season 80!

ALYSSA VALDEZ AT ROBI DOMINGO, MAGKASAMA SA “UAAP GREATS” DOKYU SA S+A

Magkakasama sina volleyball phenom Alyssa Valdez, Kapamilya host Robi Domingo, at dating UAAP courtside report Ganiel Krishnan sa pagpapakita ng pinakamagagaling na atleta at pinakamalalaking pangyayari sa primerong collegiate league ng bansa sa pagbubukas ng ika-80 season ng UAAP.

Ang tatlo ang magsisilbing host sa “UAAP Greats” TV special na magtatampok sa ilang mga alamat sa UAAP kabilang sina Ian Lariba, Danny Florencio, Lydia De Vega, at Robert Jaworski ngayong Sabado (Setyembre 9) ng 1pm sa S+A at S+A HD, pagkatapos ng opening ceremony ng UAAP Season 80 ng 12nn, hatid ng host ngayon taon na Far Eastern University (FEU).

Dadalhin tayo nina Alyssa, Robi, at Ganiel sa iba’t ibang panahon sa walong dekada ng UAAP, na may temang “Go for Great” ngayong season.

Bukod sa dokyu, hatid rin ng S+A ang bagong grupo ng courtside reporters na sina Miguel Dypiangco (NU), Tonie Moreno (UST), Eileen Shi (DLSU), Martie Bautista (ADMU), Nicole Sumangui (AdU), Agatha Uvero (UP), Migs Gomez (UE), at Sydney Crespo (FEU). Magbabalik naman ang mga dating courtside reporter na sina Krishnan, Pauline Versoza, Angelique Manto, at Ira Pablo bilang mga “UAAP Insiders,” na magbabahagi ng a iba pang kaalaman at balita sa kanilang mga paboritong player at koponan sa UAAP.

May mga bagong mukha rin ang makikita sa “Upfront at the UAAP,” sa pagdating nina Martin Javier, Turs Daza, at Manto upang samahan ang orihinal na host na si Janeena Chan sa pagpapakita ng iba’t ibang kwento sa UAAP. Ilulunsad din ng ABS-CBN Sports ang UAAP microsite, www.uaap80.com, kung saan mapapanood at mababasa ng fans ang lahat ng balita at video para sa buong season. Bukod pa riyan, maglalabas din ang ABS-CBN Publishing ng UAAP Magazine.

Samantala, magpapasiklab naman sa opening day ang National University Bulldogs na haharapin ang University of the East Red Warriors ng 2pm na susundan naman ng sagupaan sa himpapawid ng Ateneo De Manila Blue Eagles at Adamson Soaring Falcons ng 4pm. Sa Linggo (Setyembre 10) naman, magbabanggaan ang University of Santo Tomas Growling Tigers at Unviersity of the Philippines Fighting Maroons ng 2pm habang 4pm naman ang bakbakan sa pagitan ng defending champions na De La Salle Green Archers at host na FEU Tamaraws.

Huwag palampasin ang opening day special na “UAAP Greats” kasama sina Alyssa Valdez, Ganiel Krishnan, at Robi Domingo at ang pagbubukas ng ika-80 na season ng UAAP ng LIVE sa S+A at S+A HD ngayong Sabado (Setyembre 9) simula 12nn at susundan naman ng mga laro ng NU at UE ng 2pm at Ateneo at Adamson ng 4pm. Mainit na aksyon naman ang ihahatid sa Linggo (Setyembre 10) ng 2pm sa sagupaan ng UST at UP at FEU kontra DLSU ng 4pm. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang sports hub ng ABS-CBN na sports.abs-cbn.com o kaya ang UAAP microsite www.uaap80.com, at sundan ang @ABSCBNSports sa Facebook at Twitter.

 

Comments are closed.