ABS-CBN journo Chiara Zambrano named TOYM awardee for 2017

ABS-CBN News broadcast journalist Chiara Zambrano brings honor to the Kapamilya network after being named by the Junior Chamber International (JCI) Philippines as one of the The Outstanding Young Men (TOYM) in the Philippines for 2017.

Chiara, who is currently in the United Kingdom pursuing her studies as a British Chevening scholar, is the TOYM awardee in the field of Journalism and Mass Communication. She was cited for her work including the “Di Ka Pasisiil” documentary on the Marawi siege, which she covered from the war zone last year, and “Spratlys, Mga Isla ng Kalayaan,” another ABS-CBN News documentary.

In an interview with TJ Manotoc on ANC’s “Early Edition,” the journalist revealed her passion for storytelling, which has kept her coming back to doing documentaries, her first love.

“There’s really something about documentaries that makes me happy while I’m doing it. Of course, news reporting is a different beast in itself. It has its own sense of fulfillment. But you know it’s just a matter of preference, and that’s why I decided this year to kind of take a break from all the chaos that we involved ourselves in and to revert to my first love. So, I’m out here now studying to do better documentaries and it’s been a great experience so far,” she shared.

Before becoming an ABS-CBN News reporter covering the defense beat, Chiara was working behind the scenes as part of the network’s iconic investigative program “The Correspondents.” She said shifting to news was a big leap for her but she is grateful now that she is able to do both news reporting and documentaries.

“Our bosses are kind enough and they trust me enough to give me the chance to do both. So, most of the time I do news I still give the space to do documentaries like “‘Di Ka Pasisiil” about Marawi, the one I did with Jeff Canoy and the Spratlys documentary,” she said.

Chiara earned praises last year for her courageous coverage from the battle lines in Marawi. She shared her insights from her experience there. “Reporting about wars isn’t so much about the weapons and the war. The clash and the bang. It’s really I think one of the most human beats that you can tell, because you are literally talking about lives lost. And lives saved. And lies shattered by war. That’s why it works for me.”

Chiara follows ABS-CBN broadcast journalist and news anchor Karen Davila as TOYM awardee from ABS-CBN News. Karen won in 2009.

Joining Chiara in the TOYM for 2017 are P/Supt. Byron F. Allatog for Government Service and Law Enforcement, Cirilo Joseph Javier for Arts and Music, Eugenio P. Mende for Veterinary Medicine, Ronaldo C. Reyes for Education, Jason Roy T. Sibug for Community Development, Mark Anthony J. Torres for Government Service Education, and Hidilyn F. Diaz for Sports.

The TOYM award is conferred by the Junior Chamber International (JCI) Philippines on individuals who have demonstrated “outstanding leadership and excellence” and contributed to “the cause of humanity” in his or her field.

 

ABS-CBN JOURNO CHIARA ZAMBRANO, ISA SA MGA TOYM AWARDEE PARA SA 2017

Muling nagdala ng karangalan si ABS-CBN News broadcast journalist Chiara Zambrano sa Kapamilya network, pagkatapos parangalan ng Junior Chamber International (JCI) Philippines bilang isa sa The Outstanding Young Men (TOYM) sa Pilipinas noong 2017.

Si Chiara, na kasalukuyang nag-aaral ngayon sa United Kingdom bilang iskolar ng British Chevening, ay ginawaran para sa kaniyang mga nagawa sa larangan ng pamamahayag at komunikasyon. Kabilang dito ang dokumentaryong “Di Ka Pasisiil” tungkol sa labanan sa Marawi kung saan siya ipinadala noong nakaraang taon, at ang “Spratlys, Mga Isla ng Kalayaan,” isa pang dokumentaryo ng ABS-CBN News.

Sa panayam sa kaniya ni TJ Manotoc sa “Early Edition” sa ANC,  inihayag ng mamamahayag ang pagmamahal sa paggawa ng dokumentaryo.

“Mayroong bagay sa mga dokumentaryo na talagang napapasaya ako kapag gumagawa ako nito. Iba rin naman ang nakukuhang fulfillment sa pagbabalita. Nasa kagustuhan mo talaga iyon. Kaya nag-desisyon akong magpahinga sa mga kaguluhan at bumalik sa aking first love. Narito ako ngayon at nag-aaral kung paano gumawa ng mas mahusay na dokumentaryo,” pagbabahagi niya.

Tumanggap ng mga papuri si Chiara noong nakaraang taon sa kaniyang matapang na pagbabalita mula sa giyera sa Marawi. Ngunit bago pa maging ABS-CBN News reporter, naging parte si Chiara ng investigative program “The Correspondents” sa ABS-CBN na kilala sa matatapang at magaganda nitong dokumentaryo.

Nagpapasalamat naman siya at naipagsasabay niya ang pagbabalita at paggawa ng dokumentaryo. “Mabubuti ang ating mga boss at nagtitiwala sila sa akin. Binigyan nila ako ng pagkakataong gawin pareho. Madalas nagbabalita ako pero nakakahanap ako ng panahon gumawa ng mga dokumentaryo tulad ng “‘Di Ka Pasisiil” tungkol sa Marawi kasama si Jeff Canoy at iyung tungkol sa Spratlys documentary,” sabi niya.

Bago si Chiara, tumanggap din ng TOYM award si ABS-CBN broadcast journalist at news anchor Karen Davila noong 2009. Kasama niyang ginawaran para sa 2017 sina P/Supt. Byron F. Allatog para sa Government Service at Law Enforcement, Cirilo Joseph Javier para sa Arts at Music, Eugenio P. Mende para sa Veterinary Medicine, Ronaldo C. Reyes para sa Education, Jason Roy T. Sibug para sa Community Development, Mark Anthony J. Torres para sa Government Service Education, at Hidilyn F. Diaz para sa Sports.

Ibinibigay ang TOYM award ng Junior Chamber International (JCI) Philippines sa mga indibidwal na nagpakita ng namumukod tanging pamumuno o kahusayan  at gumawa ng kontribusyon sa sangkatauhan sa kanilang larangan.

Comments are closed.