“DUGONG BUHAY” PREMIERES ON APRIL 8

Dugong Buhay CastABS-CBN’s newest Kapamilya Gold action-drama series “Dugong Buhay” will spark afternoon TV viewing when it premieres on Monday (April 8) with a talented ensemble comprised of some of the country’s finest actors such as Nonie Buencamino, Sunshine Cruz, Christian Vasquez, Arjo Atayde, and Ejay Falcon.

The most-awaited Kapamilya Gold teleserye will surely keep TV viewers glued on their TV screens every afternoon with its grand preparation from its concept, to its film-like execution, up to the breath-taking scenes that will make a mark in hearts of Filipinos.

According to Carlo J. Caparas, the TV remake of “Dugong Buhay” is a special project for him because it is his tribute for workers who were mistreated by their landlords. “The TV remake of ‘Dugong Buhay’ is a beautiful creation that resulted from preparation, hardwork and remarkable creative talent of the people behind it.”

For director Toto Natividad, having the opportunity to direct Caparas’ masterpiece is a huge honor for him. “This is a big challenge for me because this is not only about battles and action. ‘Dugong Buhay’ is a tension-filled drama series with a lot of heart,” he said.

Meanwhile, the whole cast of ABS-CBN’s newest teleserye are all excited to be a part of “Dugong Buhay.” “TV viewers will be able to relate with this series because it is about everyone’s capacity to forgive,” said Nonie, who will portray the role of Simon.

For young actor Ejay, “Dugong Buhay” is a dream come true project. “I have always wanted to do an action drama series that is why I’m very grateful that my wish has been granted.”

Kapamilya actress Sunshine is very excited to be back on TV as her character Isabel de Lara. “I am very thankful to ABS-CBN for the trust that they have given me for this kind of project. I am very thrilled and at the same time very nervous about the outcome of my performance.”

“Dugong Buhay” will feature the lifetime search for vengeance of a hacienda worker named Simon against the cruelty of the De Lara family. Because of his burning hatred since he was young, Simon is going to use his own son Victor (Ejay) to destroy the people who maltreated his family.

The newest Kapamilya Gold action-drama series boasts of a powerhouse cast like Pen Medina, Ana Capri, Lito Pimentel, Ketchup Eusebio, Yam Concepcion, Jed Montero, and Ronnie Quizon; with the special participation of Carlo Aquino, Ahron Villena, and Yen Santos.

“Dugong Buhay” is under the direction of Toto Natividad and Mikey del Rosario. From the team behind the hit daytime drama series “Be Careful With My Heart,” “Dugong Buhay” is another well-crafted material that will surely fire-up the afternoon habit of TV viewers.

Don’t miss the premiere of “Dugong Buhay” on Monday in ABS-CBN’s Kapamilya Gold. For more updates, log on to www.abs-cbn.com or follow @abscbndotcom in Twitter.

-30-

Obra maestra ni Carlo J. Caparas, bubuhayin sa Kapamilya Gold…
“DUGONG BUHAY” MAGSISIMULA NA SA ABRIL 8

Magsisimula na ang pinakabagong Kapamilya Gold action-drama series ng ABS-CBN na tiyak na bubuhay sa hapon ng buong sambayanan, ang “Dugong Buhay” na pagbibidahan ng ilan sa pinakamahuhusay na aktor sa bansa na sina Nonie Buencamino, Sunshine Cruz, Christian Vasquez, Arjo Atayde, at Ejay Falcon simula Lunes (Abril 8).

Tiyak na mapapakapit ang TV viewers sa inaabangang pagbubukas ng “Dugong Buhay” dahil sa engrandeng paghahanda ng teleserye mula sa paggawa ng konsepto, sa mala-pelikulang direksyon, hanggang sa pagbubuo ng mga makapigil-hiningang tagpo sa kwento na tatatak sa puso ng bawat pamilyang Pilipino.

Ayon kay Carlo J. Caparas, espesyal na proyekto para sa kanya ang pagsasagawa ng TV remake ng nobela niyang “Dugong Buhay” dahil ito ay inaalay niya para sa mga kapos-palad na manggagawa. Aniya, “Ang TV remake ng ‘Dugong Buhay’ ay isang magandang panoorin na pinaghandaan, pinaghirapan, at ginamitan ng iba’t ibang talento.”

Para sa direktor na si Toto Natividad, isang malaking karangalan para sa kanya na maidirek ang obra maestra ng tanyag na manunulat. “Ibang klaseng hamon ito para sa akin dahil hindi lang ito tungkol sa bakbakan at aksyon. Isa itong action-drama series na punong-puno ng tensyon pero may puso.”

Samantala, maging ang cast ng “Dugong Buhay” ay masayang-masaya na mapabilang sa bagong teleserye ng Kapamilya network. “Tiyak na makaka-relate ang mga manonood dito dahil ang tatamaan ng palabas na ito sa puso ng lahat ay ang pagkakaroon ng kapasidad ng bawat tao na makapagpatawad,” ani ni Nonie na gaganap bilang Simon sa serye.

Isang dream come true para sa young actor na si Ejay ang magbida sa pinakabagong teleserye ng Kapamilya Gold. “Pangarap ko talaga na makagawa ng isang action drama series kaya sobrang nagpapasalamat ako na nabigyan ako ng pagkakataon na matupad ito.”

Maligaya rin si Sunshine sa kanyang pagbabalik-telebisyon bilang si Isabel de Lara sa “Dugong Buhay.” “Sobrang nagpapasalamat ako sa ABS-CBN para sa tiwala na ibinigay nila sa akin para sa ganitong klase ng proyekto. Nakaka-excite and at the same time, nakakakaba din ‘yung magiging kalalabasan nito,” pahayag niya.

Ang “Dugong Buhay” ay iikot sa kwento ng buong buhay na paghihiganti ng sakadang si Simon laban sa kalupitan ng pamilya ng mga De Lara. Dahil sa masidhing galit na kanyang bitbit mula noong kanyang pagkabata, gagamitin ni Simon ang sariling anak na si Victor (Ejay) upang mapagtagumpayan ang balak na pabagsakin ang mga tao na umalipusta sa kanyang pamilya.

Tampok rin sa “Dugong Buhay” sina Pen Medina, Ana Capri, Lito Pimentel, Ketchup Eusebio, Yam Concepcion, Jed Montero, at Ronnie Quizon. Kasama rin para espesyal na pagganap sina Carlo Aquino, Ahron Villena, at Yen Santos.

Ang pinakabagong action-drama series sa Kapamilya Gold ay sa ilalim ng direksyon nina Toto Natividad at Mikey del Rosario. Mula sa mga tao na bumubuo ng hit daytime drama series na “Be Careful With My Heart,” ang “Dugong Buhay” ay isa na namang obra na magpapainit ng hapon ng mga manunuod.

Huwag palampasin ang engrandeng pagbubukas ng kwento ng “Dugong Buhay” ngayong Lunes sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sawww.abs-cbn.com o i-follow ang @abscbndotcom sa Twitter.

-30-

TAGS: , , , , , , , , , , , , , , , , , , ,

Comments are closed.