MTRCB CHAIRMAN TOTO VILLAREAL ANSWERS CRITICS IN “BOTTOMLINE”

BOTTOMLINE_Boy Abunda and MTRCB Chairman Toto VillarealAfter the controversial summons of Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) to some of the programs on different TV networks, MTRCB Chairman Toto Villareal will bravely take the spotlight in “The Bottomline With Boy Abunda” this Saturday (April 6) to clarify different issues facing MTRCB. What are the basis and standards of MTRCB in suspending a program? Do they have the power to expel celebrities and close down TV shows? With the emergence of modern technology and social media, how can the MTRCB prevent sensitive programs and movies that can affect the moral character of Filipinos from spreading in the internet? Don’t miss the 2012 Golden Screen TV Awards Outstanding Celebrity Talk Program “The Bottomline With Boy Abunda” this Saturday, 11:30 pm, after “Banana Split.” For more updates, just log on at www.abs-cbn.com or follow @abscbndotcom on Twitter.

PAMBABATIKOS SA MTRCB, SASAGUTIN NI CHAIRMAN TOTO VILLAREAL SA “BOTTOMLINE.” Matapos ang sunod-sunod na kontrobersyal na pamumuna sa ilang programa sa telebisyon, matapang na haharap sa “The Bottomline With Boy Abunda” ngayong Sabado (Abril 6) ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairman na si Toto Villareal upang sagutin ang mga pambabatikos na ibinabato sa kanilang ahensya. Ano nga ba ang kanilang pinagbabasehan sa pagsuspinde ng isang programa? May karapatan nga ba ang MTRCB na makapagpatalsik ng artista o magpasara ng isang palabas? Sa panahon ng makabagong teknolohiya at ng social media, paano nga ba mapipigilan ng MTRCB ang paglaganap ng mga sensitibong palabas na makaaapekto sa moralidad ng mga Pilipino? Makialam sa mga isyung panlipunan at huwag palampasin ang 2012 Golden Screen TV Awards Outstanding Celebrity Talk Program na “The Bottomline With Boy Abunda” ngayong Sabado, 11:30 ng gabi, pagkatapos ng “Banana Split.” Para sa karagdagang updates, mag-log on lamang sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.

Comments are closed.