“THE VOICE OF THE PHILIPPINES” HOSTS AND COACHES OPEN UP IN SPECIAL PRIMER

Before hearing the voices of the country’s best singers in ABS-CBN’s highly anticipated singing-reality show “The Voice of the Philippines,” get to hear the voices of its hosts and coaches first and get up close and personal with them this Sunday (June 9), 8:15 PM, in “Mic Test: The Voice of the Philippines Primer.”

For the very first time, “The Voice of the Philippines” coaches Apl de Ap, Sarah Geronimo, Bamboo, and Ms. Lea Salonga; host Toni Gonzaga; and V Reporters Robi Domingo and Alex Gonzaga open up their personal and professional lives in one exclusive tell-all that will feature their humble beginnings, struggles as aspiring artists, and road to becoming the local or international superstars they are now. They also share never-before-scene photos and footage of various milestones in their lives.

Also, get a sneak peek on what goes on during the “Blind Auditions,” a unique component of the worldwide hit television format that captured the attention of international viewers, and get to hear  straight from the coaches what kinds of artists they are looking for to be part of their respective teams.

Meanwhile, “The Voice UK” coach and The Script lead vocalist Danny O’Donaghue also shares some coaching tips and talks about his experience of coaching some of the best voices in the United Kingdom.

Find out everything you need to know about “The Voice of the Philippines” this Sunday (June 9) in “Mic Test: The Voice of the Philippines Primer,” 8:15 PM on ABS-CBN. Tweet your thoughts this Sunday using the hashtag #TheVoiceMicTest

Watch out as “The Voice of the Philippines” finally premieres this coming June 15. For more updates, log on to www.thevoice.abs-cbn.com, like our Facebook page at www.facebook.com/thevoiceabscbn , or follow @thevoiceabscbn on Twitter.

-30-

HOSTS AT COACHES NG “THE VOICE OF THE PHILIPPINES,” KILALANIN SA ESPESYAL NA PRIMER

Bago marinig ang pinakamahuhusay na boses sa bansa sa pinakainaabangang singing-reality show na “The Voice of the Philippines,” pakinggan muna ang boses ng hosts at coaches at kilalanin sila ngayong Linggo (June 9) sa “Mic Test: The Voice of the Philippines Primer.”

Sa unang pagkakataon, bubuksan ng coaches na sina Apl de Ap, Sarah Geronimo, Bamboo, at Ms. Lea Salonga; host na si Toni Gonzaga; at V Reporters na sina Robi Domingo at Alex Gonzaga ang kanilang personal at propesyunal na buhay sa isang ekslusibong interview na tatalakay sa kanilang pinagmulan, mga pagsubok sa buhay, at daan tungo sa tinatamasang kasikatan bilang local o international personalities. Ibabahagi rin nila ang mga hindi pa nakikitang larawan at video sa mahahalagang kaganapan sa buhay nila.

Sumilip rin sa mga eksenang dapat abangan sa “Blind Auditions,” isang naiibang proseso ng audition ng kumpetisyon na nakakuha ng atensyon ng international viewers, at alamin mismo sa mga coach kung ano ang mga katangiang hinahanap nila sa mga artist na gusto nilang maging bahagi ng kanilang team.

Samantala, magbibigay rin ang “The Voice UK” coach at lead vocalist ng bandang The Script na si Danny O’Donaghue ng tips sa pagiging isang coach sa patok na singing competition at ikukuwento ang kanyang mga karanasan sa pagsasanay sa ilan sa pinakamahuhusay na boses sa United Kingdom.

Alamin ang lahat ng dapat mong malaman sa pinakainaabangang singing-reality show na “The Voice of the Philippines” ngayong Linggo (June 9) sa “Mic Test: The Voice of the Philippines Primer,” 8:15 PM sa ABS-CBN. I-tweet ang inyong mga opinyon gamit ngayong Linggo gamit ang hashtag na #TheVoiceMicTest

Abangan ang nalalapit na pagsisimula ng “The Voice of the Philippines” sa June 15. Para sa updates, maglog-on lang sa www.thevoice.abs-cbn.com, i-like ang www.facebook.com/thevoiceabscbn sa Facebook o kaya i-follow ang @thevoiceabscbn the Twitter.

-30-

TAGS: , ,

Comments are closed.