TED PROBES CYBERBULLYING OF ‘AMALAYER’ AND CHRISTOPHER LAO

Ted Failon 2

Broadcast journalist Ted Failon looks into bullying and its various forms this Saturday (June 8) as he examines the two sensational cyberbullying cases of Paula Jamie ‘Amalayer’ Salvosa and Atty. Cristopher Lao in the award-winning investigative program “Failon Ngayon.”

Salvosa and Lao made a buzz on social media and became subjects of news coverages after their respective videos became viral on the web. Salvosa received negative comments after her video at an LRT station arguing with a lady guard was uploaded on the Internet, while Lao was lampooned and ridiculed by netizens who was caught on video by a news team driving his car into a flooded street.

Salvosa and Lao, who both endured criticisms on cyberspace are just few of the victims of ‘cyberbullying.’ Has the government implemented a law to lessen the growing cases of bullying?

Don’t miss this full report in “Failon Ngayon” this Saturday (June 8), 4:45 PM, after SOCO on ABS-CBN with a replay on ANC every Sunday, 2PM. Visit its Facebook page at www.facebook.com/failon.ngayon and follow it on Twitter via @Failon_Ngayon. Tweet your thoughts and reaction this weekend using the hashtag #FailonNgayon and #FNbully.

-30-

PAMBUBULLY KAY ‘AMALAYER’ AT CHRISTOPHER LAO, BUBUSISIIN NI TED

Sino ba naman ang hindi makakalimot sa kontrobersyal na sina Paula Jamie ‘Amalayer’ Salvosa at Atty. Cristopher Lao na parehong sumikat at binatikos dahil sa kani-kanilang video na kumalat sa Internet?

Tatalakayin ni Ted Failon ngayong Sabado (Hunyo 8) ang ‘bullying’ at iba’t-ibang uri nito kasabay ng pagbusisi sa pinagusapang isyu tungkol kina Salvosa at Lao sa award-winning investigative program na “Failon Ngayon.”

Matatandaang lumikha ng ugong sina Salvosa at Lao sa social media at telebisyon. Iba’t-ibang negatibong komento ang ibinato kay Salavosa nang may mag-upload ng video niya sa LRT habang tinatalakan ang isang lady guard. Samu’t-saring insulto naman ang dinanas ni Atty. Lao nang mahagip ito sa isang TV news program habang pilit na itinatawid ang kotse sa binahang bahagi ng Quezon City. Dahil dito ay binansagan pa si Lao na ‘Pambansang Bobo ng Pilipinas.’

Ilan lamang sina Salvosa at Lao sa mga biktima ng cyberbullying na binaha ng pangungutya sa social media.

Dahil sa hindi mabilang na kaso ng bullying, naipasa na sa Senado at Kongreso ang Anti-Bullying Act. Aprubahan kaya ito ng pangulo para ganap na maging batas?

Sa isyu ng ‘bullying,’ lahat tayo may pakialam. Kaya panoorin ang “Failon Ngayon” ngayong Sabado (Hunyo 8), 4:45 PM, pagkatapos ng SOCO sa ABS-CBN. May replay din ito sa ANC tuwing Linggo, 2 PM. Mag-kumento at ipahayag ang inyong saloobin sa official page ng programa sahttp://www.facebook.com/failon.ngayon at i-follow ang @Failon_Ngayon sa Twitter. I-tweet ang inyong mga opinion gamit ang hashtag na #FailonNgayon at #FNbully.

Comments are closed.