“PATROL NG PILIPINO” TACKLES RISING MALNUTRITION AMONG FILIPINO CHILDREN

“PATROL NG PILIPINO” TACKLES RISING MALNUTRITION AMONG FILIPINO CHILDREN

While poverty is still a leading cause of malnutrition in the country, experts note that even young, economically able Filipinos are suffering from the health problem mainly due to their unhealthy eating habits.

Tomorrow (July 10) in “Patrol ng Pilipino,” ABS-CBN news reporter Francis Faulve will report on the rising malnutrition rates among children aged eleven to 19 years old for the current affairs program’s special Nutrition Month episode.

Research indicates that malnutrition, a condition in which a person does not get adequate calories and proper nutrients for maintenance and growth, has a negative impact on the learning process and cognitive performance of a child.

How tough is it for children to maintain a healthy diet? How can they be influenced to eat nutritious food and adopt a healthy lifestyle?

Meanwhile, Dominic Almelor will expose areas in Metro Manila where residents live in potentially unsafe places that are at risk especially this rainy season. Last week, heavy rains triggered the collapse of an adobe wall on shanties in Valenzuela City and killed two.

Know the stories behind the news in “Patrol ng Pilipino” tomorrow (July 10) after “Bandila” on ABS-CBN or watch it earlier on DZMM TeleRadyo (SkyCable Channel 26), 9:15 p.m.

-30-

LUMALALANG MALNUTRISYON NG KABATAANG PINOY, TATALAKAYIN SA “PATROL NG PILIPINO”

 

Kung dati ay kahirapan ang pangkaraniwang sanhi ng malnutrisyon, ngayon daw ay naaapektuhan na rin nito kahit ang mga may kayang kabataan dahil sa hindi nila wastong pagkain.

Bukas (July 10) sa “Patrol ng Pilipino,” bubusisiin ni Francis Faulve ang nakakaalarmang paglobo ng bilang ng mga kabataang edad labing-isa hanggang 19 na ‘malnourished’ o hindi nakukuha ang karampatang nutrisyon sa pagkain para sa espesyal nitong Nutrition Month episode.

Ayon nga sa pagsusuri ay higit na nakakaapekto ang kinakain ng kabataan sa kanilang pagkilos at pag-aaral kaya naman ang malnutrisyon ay tiyak daw na may negatibong epekto sa kapasidad ng batang matuto.

Ano nga ba ang kinakain ng mga kabataan ngayon bukod sa junk food? Paano sila mahihikayat na kumain ng masusustansiyang pagkain at magkaroon ng malusog na pamumuhay?

Samantala, lilibutin ni Dominic ang mga lugar at kabahayan sa Maynila na nasa bingit ng alanganin at peligro ngayong panahon ng ulan at bagyo. Dahil nga sa naibalitang pagguho ng malaking tipak ng adobe sa dalawang bahay sa ilalim ng tulay sa Valenzuela City noong nakaraang linggo ay naging mainit na paksa na naman ang kaligtasan at suliranin sa mga pabahay sa lungsod.

Alamin ang kwento sa likod ng mga maiinit na balita sa “Patrol ng Pilipino” bukas (July 10) pagakatapos ng “Bandila” sa ABS-CBN o sa mas maagang pag-ere nito sa DZMM TeleRadyo (SKyCable Channel 26), 9:15 p.m.

-30-

Comments are closed.