GAWAD GENY LOPEZ JR. BAYANING PILIPINO AWARDS HONORS MODERN DAY FILIPINO HEROES


A barrio doctor who gave his life to medical service, a teacher who worked beyond her call of duty and a simple family of volunteers who offered themselves to nation-building were honored with the prestigious Gawad Geny Lopez Jr. Bayaning Filipino Awards, a recognition given by ABS-CBN and Ugat Foundation to give recognition to ordinary folks doing extraordinary deeds.

“We looked for people who have sacrificed themselves for the betterment of their community. These people placed community-service above themselves,” said Fr. Nilo E. Tanalega, Project Director of the awards that aim to honor outstanding Filipinos here and abroad.

Dr. Roel Cagape, a physician who spent most of his life to helping his countrymen, received the award for the Bayaning Pilipino – Individual category for his commitment to providing services to rural and far-flung areas in General Santos City. Aside from providing free medical services in his clinic daily, he also conducts weekly medical missions in mountainous regions. He also taught his community to use horses to transport patients during an emergency situation via his project called “Ambulansyang Kabayo”.

The Bayaning Pilipino – Guro category, meanwhile, honored Rebecca Ouano of Cebu City to recognize her 41 years of teaching, which she has spent on promoting and implementing an alternative learning system program to reach out-of-school youths, vendors and street children. She does voluntary teaching during weekends and conducts a daily supplementary feeding program to almost 200 street children.

The Gamez Family of Oriental Mindoro received the Bayaning Pilipino – Pamilya category award for their devotion to community service. Every member of their family has committed themselves to volunteer work and outreach programs.

The Gawad Geny Lopez Jr. Bayaning Pilipino Awards also launched this year the Bayaning Pilipino Global, which honors organizations that do extraordinary services abroad, for the first time since its inception in 1995.

Winners of the Bayaning Pilipino Global include Kapisanan Philippine Centre for Arts and Culture (Canada), Pusong Pinoy (USA), Kapit-Bahayan Cooperative Limited (Australia), Sagip Migrante (Japan), Network of Filipino Social Development Workers for Migrants in Japan (Japan), Lahing Kayumanggi Dance Company (United Kingdom), and Filipino Badminton Committee Kuwait Philippines Inc (Kuwait).

The winners for both national and global categories were picked by this year’s prestigious Board of Judges headed by chairperson Sonia Roco, and members ABS-CBN Chairman and CEO, Eugenio Lopez III, Regina Lopez, Evelyn Caja, and Timothy Gabuna.

Watch the airing of the Gawad Geny Lopez Jr. Bayaning Pilipino Awards ceremony this August on ABS-CBN. Held in Dolphy Theater, it was hosted by Ariel Ureta and Giselle Toengi with special performances by Kapamilya artists Erik Santos, Bugoy Drilon, Marcelito Pomoy, Jovit Baldivino, Angeline Quinto, the ABS-CBN Philharmonic Orchestra, beauty queens Shamcey Supsup and Janine Tugonon, and Ka Freddie Aguilar.

The Bayaning Pilipino Awards was established by the late Eugenio Lopez Jr., founder of ABS-CBN Corporation, the largest multimedia conglomerate in the Philippines to highlight the accomplishments of dedicated and determined Filipinos in the field of public service.

-30-

MGA MAKABAGONG BAYANING PILIPINO, GINAWARAN SA GAWAD GENY LOPEZ JR. AWARDS

Isang doctor sa baryo na ibinigay ang kanyang buhay sa serbisyong medical, isang guro na nagtrabaho nang higit pa sa kanyang kakayanan at isang simpleng pamilyang nag-alay ng sarili sa pagpapabuti ng kanilang komunidad ay ilan lamang sa mga ginawaran ng prestihiyosong Gawad Geny Lopez Jr. Bayaning Pilipino Awards, ang pagkilala ng ABS-CBN at Ugat Foundation sa mga ordinaryong Pilipinong gumagawa ng mga katangi-tanging paglilingkod sa kapwa sa loob at labas ng bansa.

“Naghanap kami ng mga taong isinakripisyo ang kanilang sarili para sa ikauunlad ng kanilang komunidad. Ang mga taong ginawaran, inuna nila ang serbisyong pang-komunidad kaysa sa kanilang sarili,” ani Fr. Nilo E. Tanalega, Project Director ng Gawad.

Si Dr. Roel Cagape ang tumanggap ng parangal para sa Bayaning Pilipino – Individual category para sa kanyang serbisyo sa mabundok na mga lugar sa General Santos City. Maliban sa libreng pagpapakonsulta sa kanyang klinika araw-araw, bumibisita rin siya sa mga kabundukan para sa medical missions. Tinuruan din niya ang kanyang komunidad na gumamit ng mga kabayo upang maghatid sa mga pasyente tuwing may emergency na tinawag niyang “Ambulansyang Kabayo”.

Ang Bayaning Pilipino – Guro award naman ay iginawad kay Rebecca Ouano ng Cebu City na kinilala ang kanyang 41 taong pagtuturo na sumentro sa pagpapalaganap ng alternative learning system upang maabot ang out-of-school na kabataan, mga nagtitinda at street children. Maliban sa kanyang boluntaryong pagtuturo tuwing Sabado at Linggo, nangangasiwa siya ng feeding program para sa street children araw-araw.

Ang Pamilyang Gamez ng Oriental Mindoro ang ginawaran ng Bayaning Pilipino- Pamilya category para sa kanilang walang-kapagurang pagsisilbi sa volunteer work at outreach programs.
Ngayong taon, inilunsad din ng Gawad Geny Lopez Jr. Bayaning Pilipino Awards ang Bayaning Pilipino Global na nagbibigay parangal sa mga organisasyong nag-aalay ng pambihirang serbisyo sa labas ng bansa.

Ang mga nakatanggap ng parangal para sa Bayaning Pilipino Global ay ang Kapisanan Philippine Centre for Arts and Culture (Canada), Pusong Pinoy (USA), Kapit-Bahayan Cooperative Limited (Australia), Sagip Migrante (Japan), Network of Filipino Social Development Workers for Migrants in Japan (Japan), Lahing Kayumanggi Dance Company (United Kingdom), at Filipino Badminton Committee Kuwait Philippines Inc (Kuwait).

Ang mga nakatanggap ng gawad sa national at global na kategorya ay pinili ng prestihiyosong Board of Judges na pinangunahan ni chairperson Sonia Roco, at ng mga miyembro nito na sina ABS-CBN Chairman at CEO, Eugenio Lopez III, Regina Lopez, Evelyn Caja at Timothy Gabuna.

Mapapanood ang seremonya ng Gawad Geny Lopez Jr. Bayaning Pilipino Awards ngayong Agosto 26 sa ABS-CBN. Itinanghal sa Dolphy Theater, ito ay pinamunuan ng hosts na sina Ariel Ureta at Giselle Toengi na may espesyal na pagganap nina Erik Santos, Bugoy Drilon, Marcelito Pomoy, Jovit Baldivino, Angeline Quinto, ang ABS-CBN Philharmonic Orchestra, beauty queens Shamcey Supsup at Janine Tugonon, at Ka Freddie Aguilar.

Ang Bayaning Pilipino Awards ay itinatag ni Eugenio Lopez Jr. na nagtayo ng ABS-CBN Corporation, ang pinakamalaking multimedia conglomerate sa bansa upang magbigay-pugay sa mga pambihirang gawain ng mga Pinoy sa larangan ng serbisyong pampubliko.

-30-

 

Comments are closed.