MYRTLE SEDUCES MARRIED PROFESSOR IN “IPAGLABAN MO”

Ipaglaban Mo Nov 29 ep (2)

“Pinoy Big Brother Teen Edition 4” Big Winner Myrtle Sarrosa (Dolly) stars in “Ipaglaban Mo” this Saturday (Nov 29) as a college student who fell in love with her married professor, whom she eventually accused of raping her.

Dolly was delighted when her crush Prof. Romy (Christian Vasquez) volunteered to tutor her after having received failing grades. Prof. Romy, meanwhile, remained sincere in his intention to help his student despite Dolly’s efforts to seduce him. However, Dolly had already presumed that the affection was mutual between them.

In respect to his family and profession, Prof. Romy immediately rejected Dolly’s affection. However, Dolly attempted to kill herself, but Prof. Romy was able to save her. The incident led to Dolly and Prof. Romy having sex due to Dolly’s aggressiveness.

Dolly’s family eventually found out what happened. To overcome embarrassment, they forced Dolly to sue her professor. Did the court take side on Prof. Romy and his claim that he did not rape Dolly because she only seduced him?

Don’t miss the Avel Sunpongco-directed “Love Ko Si Sir” episode of the hit legal drama anthology “Ipaglaban Mo” this Saturday (Nov 29) after “It’s Showtime” on ABS-CBN. For more updates follow the show’s social media accounts www.Twitter.com/IpaglabanMoCh2, www.Instagram.com/IpaglabanmoABSCBN, and www.Facebook.com/IpaglabanMoABSCBN.

-30-

Ipaglaban Mo Nov 29 ep (4)

MYRTLE INAKIT AT BUMIGAY KAY SIR SA “IPAGLABAN MO”

Bibida ang “Pinoy Big Brother Teen Edition 4” Big Winner na si Myrtle Sarrosa (Dolly) sa “Ipaglaban Mo” ngayong Sabado (Nob 29) bilang isang college student na umibig sa propesor niyang may asawa na at kinalaunan ay idinemanda niya ng panggagahasa.

Lubos ang galak ni Dolly nang taus-pusong nagprisinta ang crush niyang si Prof. Romy (Christian Vasquez) na i-tutor siya. Bagamat ang tanging intensyon lang ni Prof. Romy ay tulungan siyang makabawi sa mga bagsak niyang grado ay binibigyan na pala ito ng ibang kahulugan ni Dolly. Hindi naman nagpaapekto ang propesor sa kabila ng pang-aakit sa kanya ng dalaga.

Dahil na rin sa pagmamahal niya sa kanyang pamilya at respeto sa propesyon ay agad na tinanggihan ni Prof. Romy ang pag-ibig ni Dolly. Nagtangkang magpakamatay si Dolly dahil dito subalit nailigtas siya ni Prof. Romy. Ang insidenteng iyon ay nauwi sa hindi inaasahang pagniniig dahil na rin sa kapusukan ni Dolly.

Nang natuklasan ng pamilya ni Dolly ang nangyari ay pinuwersa nila ang dalaga na idemanda ang propesor ng panggagahasa upang makaiwas sa kahihiyan. Pakinggan kaya ng korte ang panig ni Prof. Romy na walang panggagahasang naganap dahil inakit lamang siya ni Dolly?

Huwag palampasin ang ang “Love Ko Si Sir” episode ng “Ipaglaban Mo” na idinerehe ni Avel Sunpongco ngayong Sabado (Nob 29) pagkatapos ng “It’s Showtime” sa ABS-CBN. Para sa updates, sundan ang mga social media account nito nawww.Twitter.com/IpaglabanMoCh2, www.Instagram.com/IpaglabanmoABSCBN, at www.Facebook.com/IpaglabanMoABSCBN.

-30-

Comments are closed.