KAPAMILYA STARS JOIN THE KADAYAWAN

ABS-CBN’s biggest stars will fly to Davao for the Kadayawan Festival for a 3-day visit beginning August 17 to August 19.

To begin the weekend-long celebration, Kim Chiu and Maja Salvador will join the feast at the Gaisano Mall Davao for the “Salamat Kapamilya” on August 17. “To all Davaoeños, we have a lot of surprises in store for you, so please come and join us,” said Kim.

Next stop will be at the SM City Open Parking C in August 18 where the stars of the leading daytime show, “Be Careful With My Heart”, Jodi Sta. Maria and Richard Yap will add sweetness to the fun-filled event. Aside from Jodi and Papa Chen, hunk actors Piolo Pascual and Gerald Anderson will visit for the “Kapamilya Karavan”.

John Lloyd Cruz won’t miss riding on the Kadayawan Floral Float Parade with Angelica Panganiban and Maja on the third day, August 19.

Don’t miss your favorite stars at the Kadayawan Festival this weekend. Keep tuned in on ABS-CBN for details.

-30-

KAPAMILYA STARS, MAKIKIPIYESTA SA KADAYAWAN FESTIVAL

Dadayo ang ilan sa pinakamalalaking bituin ng ABS-CBN sa Davao para makisaya sa nalalapit na Kadayawan Festival para sa isang 3-day visit simula Agosto 17 hanggang Agosto 19.

Unang makikipiyesta sina Maja Salvador at Kim Chiu sa Gaisano Mall Davao para sa “Salamat Kapamilya” sa Agosto 17. “Abangan niyo po kami ni Maja at iba pang Kapamilya stars. Marami po kaming sorpresang inihanda para sa inyo,” ani Kim.

Sunod naman sa Agosto 18 ang stars ng nangungunang daytime show sa bansa, ang “Be Careful With My Heart” na sina Jodi Sta. Maria at Richard Yap na siguradong magpapakilig sa mga Davaoeño. Kasama nina Jodi at Papa Chen ang mga hunk actors na sina Piolo Pascual at Gerald Anderson para sa “Kapamilya Karavan” na gaganapin sa SM City Open Parking C.

Di naman pahuhuli sa Kadayawan Floral Float Parade si John Lloyd Cruz kasama ang dalagang nali-link dito na si Angelica Panganiban. Pati si Maja ay babalik sa ikatlong araw ng saya para makasama sa Float parade na gaganapin sa Agosto 19.

Huwag palalampasin ang mga paborito ninyong stars sa Kadayawan Festival ngayong weekend. Patuloy na manood ng ABS-CBN para sa mga karagdagang detalye.

-30-

 

Comments are closed.