“SOCO” HUNTS DOWN SUSPECT IN RAPE-SLAY OF GLAUDIA SCHNELLI

Gus Abelgas will shed light on the rape-killing of 21-year old student Glaudia Schnelli in ABS-CBN’s premier crime investigation program “SOCO: Scene of the Crime Operatives” this Saturday (Sept 1).

“SOCO” will uncover the Schnelli family’s search for justice via a Facebook campaign page that calls for the capture of prime suspect Felix ‘Piting’ Lasala, a former tricycle driver who used to take and fetch the victim from school.

It was in December 2010 when Mrs. Schnelli found her daughter stabbed dead in her room at their Paranaque home. The victim was supposed to finish college three months following her murder.

Felix, the primary suspect, was charged with rape with homicide based on the physical evidence in the crime scene and testimonies of witnesses. The search for him continues after an arrest warrant was issued by the court.

Watch Gus’ full report in “SOCO: Scene of the Crime Operatives” this Saturday (Sept 1) after “Showbiz Inside Report” on ABS-CBN. For updates on the program, like www.facebook.com /Abs-Cbn-SOCO.

 

GUS, TUTUGISIN ANG SUSPEK SA RAPE AT PAGPATAY SA DALAGANG ESTUDYANTE

Mas paiigtingin ng “SOCO: Scene of the Crime Operatives” ang paghahanap sa pangunahing suspek ng panggagahasa at pagpaslang sa dalagang si Glaudia Schnelli sa pamamagitan ng pagsasadula ng krimen ngayong Sabado (Sept 1) sa ABS-CBN.

Ilalantad ni Gus Abelgas ang halos dalawang taong paghahanap ng pamilya ni Glaudia ng hustisya na bumuo pa ng Facebook page para tugisin ang suspek na si Felix ‘Piting’ Lasala, isang dating tricycle driver at taga-hatid sundo ng biktima sa eskwela.

Gabi noong Disyembre taong 2010 nang dinatnan ng ina ni Glaudia ang anak na wala nang buhay at naliligo sa sariling dugo sa loob ng kwarto nito sa Paranaque City. Nakatakdang magtapos sa kolehiyo ang 21-anyos na biktima ngunit hindi na umabot sa graduation dahil sa matitinding saksak na natamo.

Dahil sa salaysay ng mga testigo at mga ebidensya, sinampahan ng kasong rape with homicide si Felix. Kasabay nito, isang warrant of arrest ang inilabas ng korte upang sa agarang ikadarakip ni Felix na ngayo’y pinaghahanap ng batas.

Gumulong na kaya ang hustisya para kay Glaudia Schnelli? Tutukan ang ulat ni Gus sa “SOCO: Scene of the Crime Operatives” ngayong Sabado (Sept 1) pagkatapos ng “Showbiz Inside Report” sa ABS-CBN. Para sa updates ng programa, i-like ang www.facebook.com /Abs-Cbn-SOCO.

TAGS: , ,

Comments are closed.