DZMM LAUNCHES NEW PROGRAMS, DOMINATES RATINGS

DZMM, the only Philippine radio station to compete in the prestigious Asian Broadcasting Union (ABU) Prizes 2012, has launched three new programs that will add new flavor to its exciting lineup.

Followers of “Mga Kwento ni Marc Logan” in ABS-CBN’s flagship newscast “TV Patrol” have something new to anticipate from DZMM’s newest offering, “Logan Live” that airs Tuesdays and Wednesdays at 1 a.m. until 4 a.m.

In his interactive music program, listeners and viewers get to catch Marc’s spontaneity as a comic discussing topics on relationships, friendship, and family accompanied by his classic 70s and 80s music playlist.

DZMM’s has also launched its ‘comedy bar on air’ via “O.A.!” anchored by Onse Tolentino and real-life stand-up comedian and writer Alex Calleja to pump up the public’s lacklustre Saturday evenings with their witty banter, trivia, and jokes.

Tune in to Onse, the grand winner of the first comedy talent search on radio, “Laugh Out Loud 2008” and the competition’s first runner-up, Alex every Saturday at 9 p.m.

Listeners and viewers, meanwhile, can keep abreast of the latest news events even before they hit the upcoming week’s headlines from Ricky Rosales and Jun Lingcoran in “Radyo Patrol Balita Linggo,” 11 a.m on Sundays.

The tandem will take on the crucial task of dissecting the county’s hottest news stories by interviewing newsmakers and officials on issues that are expected to develop at the start of the week.

 

DZMM, meanwhile, continues its winning ways after being named contender for top honors at the ABU Prizes 2012 and dominating the latest ratings data in Mega Manila and Metro Manila.

Two entries from DZMM are up for three awards in the ABU Prizes 2012 this October. Its DZMM Silveradyo Station ID, which was launched in celebration of the station’s 25th anniversary, was named finalist for the Radio Special Jury Prize and for the Radio Jingles/Station IDs category. “Radyo Patrol Balita Alas-Dose,” meanwhile, is set to contend in the Radio News Reporting category for its roundup on the aftermath of typhoon Pedring last year.

DZMM also topped all AM radio stations in Mega Manila in July this year based on the latest data from Nielsen Radio Audience Measurement, where it registered a 34% average audience share, eleven points higher than rival DZBB (23%) and more than twice as high as DWWW (15%) and DZRH (11%).

It also ruled the competition in Metro Manila as it ranked highest in the survey conducted by the Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) Radio Research Council in March 2012, hitting an average audience share of 8% all days of the week, versus DZRH’s 6%.

Meanwhile, broadcast journalist Ted Failon continues to give away “mahiwagang back pack at mahiwagang black box or Digibox” via the seeding program of “Failon Ngayon sa DZMM” to promote Digital Television (DTV), a high-tech standard that uses digital signals for broadcast. DZMM TeleRadyo will be one of the free channels to be unveiled by when ABS-CBN DTV is formally rolled out.

DZMM has also unveiled the new version of its station jingle for its 26th anniversary celebration, performed by singer Zia Quizon.

Tune in to “Logan Live” on Tuesdays and Wednesdays at 1-4 a.m., “O.A.!” on Saturdays at 9 p.m., and “Radyo Patrol Balita Linggo” on Sundays at 11 a.m. on DZMM Radyo Patrol 630, on DZMM TeleRadyo (SkyCable channel 26), or online on dzmm.com.ph. For updates, follow @DZMMTeleRadyo on Twitter and likewww.facebook.com/dzmmteleradyo.

 

DZMM, tanging pambato ng ‘Pinas sa ABU 2012
DZMM, NAGLUNSAD NG MGA BAGONG PROGRAMA

Naglunsad ng mga bagong programa ang DZMM na magdadala ng saya, katatawanan at masusing pagtalakay ng mga balitang makabuluhan sa bayan kasabay ng pagkilalang natanggap nito sa prestihiyosong Asian Broadcasting Union (ABU) Prizes 2012.

Handog ng DZMM para sa mga tagasubaybay ng mga kwento ni Marc Logan sa “TV Patrol” ang mas pinahabang kwentuhang magbarkada sa kanyang sariling radio show na “Logan Live” tuwing Martes at Miyerkules, 1 a.m. hanggang 4 a.m.

Sa kanyang interactive music program, masasaksihan ang pagiging natural na komedyante at romantiko ni Marc na nagtutula at nagtatalakay ng mga usaping pag-ibig, pagkakaibigan at pamilya kasabay ng kanyang 70s at 80s music playlist.

‘Comedy bar on air’ naman ang umarangkada sa “O.A.!” kasama ang mga komedyanteng sina Onse Tolentino at Alex Calleja na nagsanib pwersa upang bigyang buhay ang Sabado ng mga manonood sa kanilang batuhan ng mga hirit, trivia, at biro.

Maaliw sa tambalan ni Onse, ang grand winner ng “Laugh Out Loud 2008” na siyang pinakaunang comedy talent search sa radyo, at ng stand-up comedian at manunulat na si Alex, ang first runner-up ng nasabing kumpetisyon, tuwing Sabado, 9 p.m.

Una namang ihahatid nina Ricky Rosales at Jun Lingcoran ang mga balitang bubulusok pa lang sa panimula ng linggo sa “Radyo Patrol Balita Linggo” tuwing 11 a.m kapag Linggo.

Mainit at malaliman ang talakayan sa programa kung saan kapapanayamin nina Ricky at Jun ang malalaking personalidad at opisyal ukol sa mga isyu at usaping inaasahang puputok o lalaki pa sa mga susunod na araw.

Muling namang kinilala ang husay ng DZMM sa larangan ng broadcasting bilang ang tanging AM radio station na kakatawan sa Pilipinas sa ABU Prizes 2012 na gaganapin ngayong Oktubre.

Pasok bilang finalist ang DZMM Silveradyo Station ID, na inilunsad para sa ika-25 anibersaryo ng himpilan, para sa Radio Special Jury Prize at para rin sa Radio Jingles/Station IDs category. Finalist din ang “Radyo Patrol Balita Alas-Dose” sa Radio News Reporting category para sa pag-uulat nito ng pinsalang dulot ng bagyong Pedring noong nakaraang taon.

Patuloy rin ang pangunguna ng DZMM Radyo Patrol 630 sa puso ng mga tagapakinig dahil tinalo nito ang lahat ng AM radio stations sa buong Mega Manila ayon sa pinakahuling datos ng Nielsen Radio Audience Measurement nitong Hulyo. Nakakuha ang DZMM ng 34% na average audience share, labing-isang puntos na mas mataas kumpara sa DZBB (23%) at doble ng nakuha ng DWWW (15%) at DZRH (11%).

Nanaig din ang DZMM sa Metro Manila ayon sa sarbey ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) Radio Research Council dahil mula Lunes hanggang Linggo ay pinaka-tinutukan ito noong Marso sa 8% na audience share laban sa 6% lamang ng kalabang DZRH.

Samantala, tuluy-tuloy pa rin ang pamimigay ni Ted Failon ng “mahiwagang back pack at mahiwagang black box or Digibox” sa seeding program ng kanyang programang “Failon Ngayon sa DZMM” upang ipalaganap ang mas makabagong standard at paraan sa panonood at pagsagap ng channel sa telebisyon. DZMM TeleRadyo ang isa sa mga libreng channel na makukuha kapag pormal nang inilunsad ang Digital Television (DTV).

Kasabay rin ng pagdiriwang ng ika-26 taong pamamayagpag ng nangungunang himpilan sa Mega Manila, inilunsad na ng DZMM ang pinakabago nitong station jingle na inawit ni Zia Quizon.

Tutukan ang “Logan Live” tuwing Martes at Miyerkules, 1-4 a.m., “O.A.!” tuwing Sabado, 9 p.m., at “Radyo Patrol Balita Linggo” 11 a.m. sa DZMM Radyo Patrol 630, sa DZMM TeleRadyo (SkyCable channel 26), at online sadzmm.com.ph. Para sa updates, i-follow ang @DZMMTeleRadyo sa Twitter o i-like angwww.facebook.com/dzmmteleradyo.

Comments are closed.