“KRUSADA” PAYS TRIBUTE TO OUTSTANDING EDUCATORS FOR NAT’L TEACHERS’ MONTH

Broadcast journalist Karen Davila will pay tribute to Filipino teachers who exhibit extraordinary dedication to their profession and have made a difference in their own communities in a special episode for National Teachers’ Month this Thursday (Sept 20) in “Krusada.”

“With inadequate employment benefits and classroom facilities, our teachers stay devoted to advancing the quality of education in the Philippines,” Karen said.

Karen will feature the inspiring stories of outstanding educators who were awarded and deemed as role models by the Metrobank Foundation.

Rizal Vidalo of Cavite, who has been teaching for eleven years, invented a teaching module that enhanced the science performance of the students in his school as shown by the National Achievement Test results. Galcoso Alburo of Marikina, meanwhile, crafted the licensure exam for teachers with major in Filipino and was honored hero during the typhoon Ondoy.

How do teachers remain motivated to teach despite their lack of hospitalization and retirement benefits? Will the Department of Education finally address teachers’ needs given that its allocation in the 2013 national budget has been increased?

Because it takes more than words to take a stand, watch “Krusada” this Thursday (Sept 20) after “Bandila” on ABS-CBN or watch it earlier on DZMM TeleRadyo (SkyCable Channel 26), 9:15 p.m. For updates on the program, follow @krusadaTV on Twitter or like www.facebook.com/Krusada. To watch the last three episodes of “Krusada,” visit www.abs-cbnnews.com/krusada.

 

Karen, may handog para sa Buwan ng Mga Guro…

 “KRUSADA,” MAGBIBIGAY PUGAY SA MGA BUKOD-TANGING GURO

Bibigyang pugay ni Karen Davila ang mga natatanging Pilipinong guro na buong pusong ginagampanan ang kanilang tungkulin sa kabila ng kakulangan sa benepisyo at mga suliranin sa sistemeng pang-edukasyon ng bansa para sa espesyal na pagtatampok ng “Krusada” para sa Buwan ng Mga Guro ngayong Huwebes (Sept 20).

“Kahit kulang sa sweldo, kulang sa benepisyo at kulang sa kagamitan, pursigido ang ating mga guro para gawin ang lahat, maitaas ang antas ng edukasyon sa Pilipinas,” pahayag ni Karen.

Kikilalanin ni Karen ang mga natatanging gurong pinarangalan ng Metrobank Foundation na itinuturing na modelong maaaring tularan ng kanilang mga estudyante at mga mamamayang nais maglingkod.

Kilalanin si Rizal Vidaalo ng Cavite na labing-isang taon nang nagtuturo at nakaimbento ng modyul sa pagtuturo na siyang nakapagpataas ng iskor ng mga mag-aaral sa kanyang paarala ng iskor sa National Achievement Test. Ipinagmamalaki naman ng Marikina si Galcoso Alburo, isang Filipino teacher na may-akda ng licensure exam for teachers para sa mga Filipino major at itinuturing ding bayani noong Ondoy.

Paano ba napapanatiling pursigido ang mga guro sa kanilang tungkulin sa kabila ng kawalan ng benepisyong pang-ospital at pagreretiro? Sa pagtaas ng budget ng Department of Education sa susunod na taon, mapapabigyan na kaya ang pangangailangan ng higit kalahating milyong guro sa bansa?

Dahil ang tunay na paninindigan ay hindi puro salita lamang, manood ng “Krusada” ngayong Huwebes (Sept 20) pagkatapos ng “Bandila” sa ABS-CBN o sa mas maagang pag-ere nito sa DZMM TeleRadyo (SkyCable Channel 26), 9:15 p.m. Para sa updates ng programa, sundan ang @krusadaTV sa Twitter o i-like ang www.facebook.com/Krusada. Para naman mapanood ang nakaraang tatlong episodes ng “Krusada,” bisitahin lamang ang www.abs-cbnnews.com/krusada.

TAGS: , ,

Comments are closed.