“MMK” SHARES THE GREATEST GIFT SEC. JOEL VILLANUEVA EVER HAD

“Maalaala Mo Kaya” will share the inspiring tale of trial, faith and miracle in the lives of TESDA Secretary Joel Villanueva, his wife Gladys, and their first child, Jaden. The couple will be portrayed by Diether Ocampo and Maricar Reyes.

Joel and Gladys had a good married life until they found out that Joel could not have a child because of his rare medical condition. Joel was in denial of the fact that it was him who has a problem. But as he saw Gladys’ desire to have a child, Joel began to realize that he needed to see a doctor. Both of them were enthusiastic about their situation until Joel had his second operation abroad wherein their doctor told them explicitly that Joel could not produce a child. But just when a lot of doctors said that they will never have a baby, a “Divine gift” came along.

Aside from Diether and Maricar, also part of “MMK” this Saturday (September 29) are Tom Rodriguez who will play as Sen. Chiz Escudero; Jim Paredes and Angelina Kanapi as Eddie and Dory Villanueva; Carme Sanchez as Joel’s grandmother; Minco Fabregas and Racquel Villavicencio as doctors; and Marco Gumabao and Hope Soberano as the young Joel and Gladys. It was researched by Alexandra Mae Martin, written by Ruel Montañez, and directed by Dado Lumibao.

Don’t miss the heartwarming family drama this Saturday in “Maalaala Mo Kaya” (MMK), after “Wansapanataym” on ABS-CBN. For more updates, log on to www.mmk.abs-cbn.com, and follow @MMKOfficial on Twitter and visit the official Facebook page: www.facebook.com/MMKOfficial.

-30-

HIMALA SA PAMILYA NI SEC. JOEL VILLANUEVA, IBABAHAGI SA “MMK”

Kwento ng pagsubok, pananampalataya at himala ang mapapanood sa “Maalaala Mo Kaya” ngayong Sabado (Setyembre 29) tampok ang espesyal na karanasan nina TESDA Secretary Joel Villanueva, ng kanyang asawang si Gladys, at ng kanilang panganay na anak na si Jaden. Sina Diether Ocampo at Maricar Reyes ang gaganap bilang mag-asawang Villanueva.

Mula nang magkakilala hanggang sa magpakasal, puno ng pag-ibig at saya ang buhay nina Joel at Gladys. Ngunit unti-unting sinubok ng tadhana ang tatag ng kanilang samahan nang matuklasan nilang hindi sila maaaring magkaanak dahil sa problemang medikal ni Joel. Sa labis na pagnanais ng kanyang misis na magkaanak, pinili ni Joel na ipatingin sa espesyalista ang kanyang kondisyon. Matapos ang ikalawang operasyon sa ibang bansa, ipinagtapat agad ng doktor kay Joel na kailanman ay hindi siya makakabuo ng anak–isang masamang balitang naglagay sa mag-asawa sa isang matinding pagsubok. Hanggang saan kayang punan ng pagmamahal ang labis na pananabik sa isang sanggol? Paano binago ng isang malaking himala mula sa Diyos ang buhay nila Joel at Gladys?

Bukod kina Diether at Maricar, bahagi rin ng “MMK” ngayong Sabado sina Tom Rodriguez na gaganap bilang si Sen. Chiz Escudero; Jim Paredes at Angelina Kanapi bilang ang mag-asawang Eddie at Dory Villanueva; Carme Sanchez bilang lola ni Joel; Minco Fabregas at Racquel Villavicencio bilang mga doktor; at sina Marco Gumabao at Hope Soberano bilang mga batang Joel at Gladys. Ito ay sa ilalim ng pananaliksik ni Alexandra Mae Martin, panulat ni Ruel Montañez, at direksyon ni Dado Lumibao.

Huwag palampasin ang inspiring story ng mag-asawang Joel at Gladys sa “Maalaala Mo Kaya” (MMK), ngayong Sabado, pagkatapos ng “Wansapanataym,” sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates, mag log on sa www.mmk.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-“like” ang www.facebook.com/MMKOfficial.

-30-

TAGS: , , , , , ,

Comments are closed.