DADDY’S HOME, GAB, AND KZ COMPETE TO BECOME FIRST “THE X FACTOR PH” GRAND WINNER

DADDY’S HOME, GAB, AND KZ COMPETE TO BECOME FIRST “THE X FACTOR PH” GRAND WINNER. It’s going to be a toss up among the Boys, the Girls, and the Groups as “The X Factor Philippines” contestants Gabriel Maturan of Dipolog City, KZ Tandingan of Digos City, and Daddy’s Home of Metro Manila made it to the final three of the country’s biggest musical event and will compete for the grand title in the much-awaited grand finals this Saturday (Oct 6) and Sunday (Oct 7) at the PAGCOR Grand Theater in Paranaque. The highly-anticipated final musical showdown will also witness the battle of judge-mentors Martin Nievera, who mentors the Boys; Charice for the Girls; and Gary Valenciano for the Groups. Before the excitement this weekend, “The X Factor Philippines” went through an intense drama after Charice’s other mentee from the Girls, Allen Sta. Maria, ended her ‘x factor’ journey at a close fourth spot and got the boot last Sunday (Sep 30). All three mentors, except Charice, voted to send Allen home and preferred for KZ, who joined her in the bottom two, to stay in the competition. Charice was spared from choosing between her two girls but bursted into tears when she bid one of her mentees goodbye. The battle stage is already set for the final three. Who will among Gab, KZ, and Daddy’s Home will emerge as the first “The X Factor Philippines” grand winner? Be sure to put your favorites at the top by voting for them this Saturday night (Oct 6). Vote after their performances by texting XF<space>GAB/ KZ/DAD and send it to 2331 for Globe and Sun subscribers and 231 for Smart and Talk ‘n Text subscribers. Don’t miss the country’s biggest and grandest musical event of the year, “The X Factor Philippines,” with KC Concepcion as host, in its much-awaited final performance night this Saturday (Oct 6), after “MMK,” and final results night this Sunday (Oct 7), after “Sarah G Live” on ABS-CBN.  Follow the show’s official Twitter account at @thexfactorphil and like its official Facebook page at https://www.facebook.com/XFactorPhOfficial.

 

 

DADDY’S HOME, GAB, AT KZ, MAGBABAKBAKAN PARA MAGING UNANG “THE X FACTOR PH” GRAND WINNER. Labanan ng Boys, Girls, at Groups ang magaganap sa sa Sabado (Oct 6) at Linggo (Oct 7) sa inaabangang grand finals ng “The X Factor Philippines” sa PAGCOR Grand Theater sa Paranaque matapos pumasok sa final three sina Gabriel Maturan ng Dipolog City, KZ Tandingan ng Digos City, at Daddy’s Home ng Metro Manila. Hindi lang finalists ang inaasahang magbabanggaan dahil pati ang judge-mentors na sina Martin Nievera ng Boys, Charice ng Girls, at Gary Valenciano ng Groups ay tiyak magpapatalbugan din at hindi magpapahuli sa paghahanda sa kani-kanilang manok. Bago pa man ang excitement sa pagtatapos ng linggo ay dumaan muna ang programa sa matinding drama matapos magpaalam ng mentee ni Charice na si Allen Sta. Maria noong Linggo (Sep 30). Nalagay si Allen sa bottom two kasama ang kagrupong si KZ ngunit mas pinanigan nina judge Martin, Gary, at Pilita Corrales ang huli kaya naman nagtapos na ang ‘X factor’ journey ng pinakabatang finalist. Bagamat hindi na kinailangan ni Charice na mamili kung sino ang papauwiin sa kanyang mga alaga, hindi pa rin ito sapat para mapigilan ang pag-apaw ng kanyang luha dala ng lungkot ng pagkawala ng isa sa kanyang mentee. Nakakasa na ang entablado para sa huling pasiklaban ng talento bilang performer. Kaninong ’x factor’ ang mangingibabaw? Sino kina Gab, KZ, at Daddy’s Home ang tatanghaling kampeyon? Siguraduhing iluklok sa unang puwesto ang inyong paborito at bumoto pagkatapos ng kanilang performances sa Sabado Oct 6). I-text lang ang XF<space>GAB/ KZ/DAD at ipadala sa 2331 para sa Globe at Sun subscribers at 231 naman para sa Smart at Talk ‘n Text subscribers. Huwag nang bibitiw sa “The X Factor Philippines,” kasama si KC Concepcion bilang host, sa huli nitong performance night sa Sabado (Oct 6), pagkatapos ng “MMK,” at huling results night sa Linggo (Oct 7), pakatapos ng “Sarah G Live,” sa ABS-CBN. Sundan ito sa Twitter via @thexfactorphil at i-like ang official Facebook page ng programa sa https://www.facebook.com/XFactorPhOfficial.

 

 

 

TAGS: , , , ,

Comments are closed.