JESSY AND MATTEO SCORCH ABS-CBN TRADE EVENT WITH HOT DANCE NUMBER

JESSY AND MATTEO SCORCH ABS-CBN TRADE EVENT WITH HOT DANCE NUMBER. Wearing her tight skin-toned body stockings filled with shiny diamond studs, Jessy Mendiola heated up the dance floor in her daring and sexy dance performance during the recent ABS-CBN trade event held at the NBC tent. Further igniting the already sizzling number is her leading man in their upcoming afternoon series, Matteo Guidicelli, who boldly showed off his chiseled physique and danced shirtless to the delight of the female audience. The two definitely oozed tremendous sex appeal and possessed natural chemistry which will be seen very soon on television with “Precious Hearts Romances presents Paraiso.” It tells the story of two strangers brought together by fate after a tragedy led them to be stranded in one uninhabited island for months.  What awaits them in this paradise-like island? How will they be able to survive? What can the two possibly share for days, weeks and even months of having only each other on the island? Watch out for Precious Hearts Romances presents Paraiso” airing very soon on Kapamilya Gold.

 

JESSY AT MATTEO, IPINADAMA ANG INIT NG ‘PARAISO’ SA TRADE EVENT. Suot ang skin-toned na body stockings na pinalamutian ng kumikinang na diyamante, pinainit ni Jessy Mendiola ang dance floor sa kanyang mapangahas at napakaseksing sayaw sa saliw ng awiting “Waiting for Tonight” sa ginanap na trade event ng ABS-CBN kamakailan sa NBC tent. Hindi naman nagpatalbog ang kanyang ka-love team na si Matteo Guidicelli na palaban ding ibinuyangyang ang kanyang batu-batong abs at machong pangangatawan habang sumayaw na hapit na pantalon lang ang suot. Todo hiyawan ang mga manonood sa kanilang naguumapaw na alindog. Hindi rin maikakailang may spark sa bawat tinginan ng dalawa. Talagang nakakapaso ang chemistry ni Matteo at Jessy na mas lalo pang magiinit sa kanilang paparating na teleserye sa hapon, ang “Precious Hearts Romances presents Paraiso.” Matutunghayan dito ang kuwento ng dalawang estrangherong napadpad at mananatili sa isang isla sa loob ng ilang buwan. Ano ang naghihintay sa kanila sa mala-paraisong lugar? Ano ang maiinit na kaganapan ang pagsasaluhan nila sa malalamig na gabi sa islang tanging sila lang ang laman? Abangan ang “Precious Hearts Romances presents Paraiso” malapit na sa Kapamilya Gold.

 

TAGS: , , , , ,

Comments are closed.