JESSY AND MATTEO TOPBILL ‘PRECIOUS HEARTS ROMANCES PRESENTS PARAISO’

The country’s new desirable love team, Jessy Mendiola and Matteo Guidicelli, puts its chemistry to test as they team up for the first time on television to make your afternoon sizzle in ABS-CBN’s newest teleserye Precious Hearts Romances presents Paraisopremiering on November 5 (Monday) on Kapamilya Gold.

“Matteo is very professional and sweet. Ngayon ko lang siya nakatrabaho and honestly, I am very excited,” Jessy said.

Matteo, on the other hand, seems to have been captivated by her leading lady and looks forward to getting to know her better on and off cam.

“Jessy and I have a great working relationship together. I feel like she’s a deep person that makes me more interested in knowing her,” Matteo said.

In the tradition of bringing compelling dramas on passionate love, Precious Hearts Romances (PHR) once again opens its pages and tells the story about two different people who will find paradise in each other’s arms after being stranded in an uninhabited island for months.

PHR presents Paraiso follows the story of Yanie (Jessy Mendiola), a street smart and resourceful young woman who wants to alleviate her family from poverty, and Brennan, a rich married man who wants to prove his worth to his father.

A tragedy suddenly strikes in the middle of the vast ocean. The ship they’re on capsizes and the two find themselves washed ashore on a small, unoccupied island. They start off on the wrong foot but Yanie and Brennan have no choice but to depend on each other to survive. This draws them closer together and unexpectedly paves the way for them to fall in love.

They have found paradise in each other, but it will be short-lived as authorities come to their rescue. The two part ways and face the lives they temporarily left

Brennan finds himself dealing with his marital problems with his wife Meagan (Jewel Mische), who is having a hard time conceiving a child, while Yanie starts anew after a loss in her family and gets comfort in her best friend Justin (Matt Evans).

What will they do when fate brings them together once again? Will they still feel the same way about each other? How much are they willing to give up to experience paradise once again in each other’s arms?

Also included in the cast of Precious Hearts Romances Presents Paraiso are Arron Villaflor, Bodjie Pascua, Juan Rodrigo, Ina Feleo, Dionne Monsanto, Angel Jacob, Jessica Conelly, Paco Evangelista, Marissa Sanchez, Gary Lim, Alex Castro, Justine Cuyugan, Wendy Tabusalla, Idda Yaneza, Guji Lorenzana, Kathleen Hermosa, Maliksi Morales, Pamu Pamorada, Ms. Evangeline Pascual and Ms. Ces Quesada. This is directed by Rechie Del Carmen, Connie Macatuno and Nico Hernandez

Don’t miss the premiere of Precious Hearts Romances presents Paraiso on November 5 (Monday) on ABS-CBN’s Kapamilya Gold.

 

-30-

 

Sa isla, mahanap kaya nila ang paraiso sa piling ng isa’t isa?
JESSY AT MATTEO, IPARARANAS ANG ‘PARAISO’ SA BAGONG PHR SERIES

Mararanasan na ang mala-paraisong kuwento ng pag-ibig ng dalawang magkaibang taong inanod ng tadhana patungo sa isang islang nakatakdang lunurin ang kanilang mga puso sa tukso at kapusukan sa pagbubukas ng mga pahina ng bagong Precious Hearts Romances (PHR) series na PHR presents Paraiso ngayong Nobyembre 5 (Lunes) sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.

 

Tampok sa nasabing teleserye ang pinakabagong love team na magpapainit ng inyong mga hapon at kauna-unahang pagtatambal sa elevisión nina Jessy Mendiola at Matteo Guidicelli kasama rin sina Matt Evans at Jewel Mische.

 

“Very professional at sweet si Matteo. Unang pagkakataon namin ito na makatrabaho sa isang program.  Excited talaga ako,” sabi ni Jessy.

 

“Maganda ang working relationship namin at gusto ko pang makilala si Jessy,” sabi naman ni Matteo.
Sundan ang mabubuong pagmamahalan sa pagitan ni Yanie (Jessy Mendiola), isang madiskarteng babae na hangad na iahon ang pamilya sa kahirapan, at ni Brennan (Matteo Guidicelli), isang heredero ng isang malaking kumpanya na hangad naman ay mapatunayan ang sarili sa ama.

 

Isang trahedya ang maglalapit sa dalawa matapos lumubog ang barkong kanilang sinasakyan at mapadpad sila sa isang islang tanging sila lang ang laman.

 

Dito matutuklasan nila ang ilang mga bagay tungkol sa kanilang sarili at makikilala ng lubusan ang isa’t isa. Sa panahong nawawalan na sila ng pag-asa na sila ay matagpuan, tanging ang isa’t isa rin ang magsisilbi nilang sandalan kaya naman hindi na nila maiwasang may pag-ibig na mamuo sa pagitan nila.

 

Sa gitna ng paraisong nahanap nila sa piling ng isa’t isa, darating ang tulong na matagal na nilang hinihintay. Sila ay muling babalik sa siyudad at haharapin ang katotohanang pansamantala nilang iniwan sa loob ng ilang buwan. Babalik si Brennan sa kanyang asawa na si Meagan habang si Yanie ay haharapin ang pag-ibig na matagal ng inaalok sa kanya ng kanyang best friend na si Justin.

 

Paano nila ipagpapatuloy ang buhay matapos ang paraisong panandalian nilang natikman at naranasan? Muli kaya silang magkita o tuluyan na silang paglalayuin ng tadhana? Kaya ba nilang umahon sa katotohanan o muli nilang sisisirin ang kaibuturan ng kanilang mga puso para mahanap ang pagtitinginang sa isla’y kanilang pinagsaluhan?

 

Kasama rin sa Precious Hearts Romances Presents Paraiso sina Arron Villaflor, Bodjie Pascua, Juan Rodrigo, Ina Feleo, Dionne Monsanto, Angel Jacob, Jessica Conelly, Paco Evangelista, Marissa Sanchez, Gary Lim, Alex Castro, Justine Cuyugan, Wendy Tabusalla, Idda Yaneza, Guji Lorenzana, Kathleen Hermosa, Maliksi Morales, Pamu Pamorada, Ms. Evangeline Pascual at Ms. Ces Quesada. Ito ay sa ilalim ng direksyon nina Rechie Del Carmen, Connie Macatuno, at Nico Hernandez.

 

Huwag palampasin ang pagsisimula ng Precious Hearts Romances Presents Paraiso ngayong Nobyembre 5 (Lunes) sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.

-30-

TAGS: , , , , , , ,

Comments are closed.