ABS-CBN PARTNERS WITH COMELEC TO OFFER HALALAN 2013 APP FOR ANDROID

Filipinos can now get election-related news and information such as precinct locations and voter registration status anytime and anywhere using their Android phones as ABS-CBN launches the new COMELEC Halalan 2013 application, now available for download via the Play Store.

 

A first of its kind in the country, the COMELEC Halalan 2013 application was developed by ABS-CBN in partnership with the Commission on Elections (Comelec). It allows voters to check the status of his/her registration and eligibility to vote via the “Registration Verification”.

 

Citizens can also find their precinct or polling place in the application.

 

Meanwhile, first time voters will be guided thoroughly as the application also provides pertinent details and information regarding the elections, such as what to bring during registration in its “Halalan 101” feature.

 

Other than providing practical voter guide and information, the COMELEC Halalan 2013 app also offers election-related news from abs-cbnNEWS.com and updates from www.mycomelec.tv.

Citizen journalists may also submit citizen journalism reports with photos or videos via the Bayan Mo, iPatrol Mo (BMPM) feature of the app.

 

ABS-CBN continues to improve the application’s features and will soon release updates to include additional functionalities such as a list of candidates for national and local positions including party-list organizations, and “Election Results,” which will provide the progress of vote tabulation from sources authorized by COMELEC.

 

To download, open Play Store on your Android devices and search for COMELEC created by ABS-CBN Interactive. Click ‘install’ and enjoy the services of this breakthrough application.

 

The IOS version of the application will be launched soon.

 

-30-

ABS-CBN AT COMELEC, INILUNSAD ANG HALALAN 2013 APP PARA SA ANDROID

 

Inilunsad ng ABS-CBN at COMELEC kamakailan ang Halalan 2013 application para sa mga smartphone na Android. Gamit ang application na ito ay maaaring makakuha ang mga botante ng mahahalagang impormasyon ukol sa parating na halalan.

 

Mada-download ang app mula sa Play Store.

 

Itinaguyod ng ABS-CBN ang paggawa ng naturang app para sa Commission on Elections (COMELEC) sa layunin na pag-ibayuhin pa ang kakayanan ng publiko sa pagboto at paglahok sa halalan. Gamit ang app ay makakakuha ang mamamayan ng kailangan nilang impormasyon at serbisyong kaugnay sa halalan, anumang oras at kahit saan sila naroroon.

 

Sa pamamagitan ng Halalan 2013 app ay maaaring malaman ng publiko kung sila ay rehistrado na para bumoto. Maaari rin nilang hanapin ang presintong dapat nilang puntahan para bumoto.

 

Ang mga first-time voter ay matutulungan din ng “Halalan 101” feature ng application, dahil ibibigay nito ang dapat malaman tungkol sa eleksyon tulad ng mga dapat dalhin kapag magpapa-rehistro.

 

Bukod diyan, ang Halalan 2013 app ay magbibigay ng pinakamaiinit na balita ukol sa halalan mula sa abs-cbnnews.com. Magbibigay din ito ng mga sariwang update mula sa www.mycomelec.tv. Buhay na buhay din ang diwa ng citizen journalism dahil makakapagpadala rin ang mga mamamayan ng mga ulat, larawan, o video sa mas mabilis na paraan gamit ang Bayan Mo, iPatrol Mo (BMPM) feature ng app.

 

Patuloy na pinapaganda ng ABS-CBN ang mga serbisyong hatid ng app kaya naman maglalabas pa ito ng mga update. Maraming iba pang feature na dapat abangan, tulad ng “Candidate List” o listahan ng mga kakandidato, kabilang na ang mga party-list; at ang “Election Results” na siyang magbibigay ng pinakahuling balita tungkol sa bilangan mula sa mga ahensiyang awtorisado ng Comelec na maglabas ng ulat.

 

Para i-download ang COMELEC Halalan 2013 app, buksan lang ang Play Store sa inyong Android device at i-type ang COMELEC sa search box. I-install ang COMELEC app na nilikha ng ABS-CBN Interactive.

 

Nakatakda nang ilabas ng ABS-CBN ang iOS version ng app sa lalong madaling panahon.

 

-30-

TAGS: , ,

Comments are closed.