“SOCO” HELPED SOLVE MURDER CASES IN 2012

Gus Abelgas will look back on four major murder cases where “SOCO” took part in the investigation and resolution in a special yearend episode this Saturday (Dec 29) on ABS-CBN. The country’s premier crime investigation program does not only feature crime stories but also sees to it offenders face the law.

“SOCO” prompted and saw through the arrest of the suspects of the separate murders of Albert Ringor and Danilo Dizon, whose families had sought justice for over ten years. When both families sought help from the program, “SOCO” immediately teamed up with PNP’s Criminal Investigation and Detection Group in hunting down the suspects.

Another notable case aired in “SOCO” this year was that of Glaudia Schnelli, who was said to have been raped before she was killed by her mother’s former live-in partner. The suspect, who had been at large for two years, was arrested two days after “SOCO” featured the case.

Meanwhile, the program also helped in the resolution of the Leslie Marquez murder case. Since “SOCO” aired the case in 2011, three of the four suspects have already been captured.

Watch “SOCO” this Saturday (Dec 29) after “Showbiz Inside Report” on ABS-CBN. For updates on the program, like www.facebook.com/Abs-Cbn-SOCO. To watch its last three episodes, visit www.abs-cbnnews.com/soco.

 

Tampok sa yearend episode…

APAT NA MALALAKING KRIMEN, TINUTUKAN AT NALUTAS NG ”SOCO” NGAYONG 2012

Babalikan ni Gus Abelgas ang apat na kwentong krimeng tinutukan ng “SOCO” hanggang sa tuluyang mabigyang kalutasan ang mga ito sa espesyal na yearend episode ngayong Sabado (Dec 29) sa ABS-CBN.

Patunay na hindi lamang nagtatapos sa pag-uulat at pagsasadula ng krimen ang ginagawa ng “SOCO” sa pag-aksyon nito sa magkahiwalay na kasong pagpatay kay Albert Ringor at Danilo Dizon. Ang dalawang pamilya ng biktima ay higit na sampung taong nagtiis at naghahanap ng  hustisya sa pagkawala ng kanilang haligi. Ngunit nang dumulog sila sa programa, agad na nakipagtulungan ang “SOCO” sa Criminal Investigation and Detection Group ng PNP para sa paghuli sa mga suspek.

Isa naman sa mga kasong mabilis na nasolusyunan ng “SOCO” ang pagdakip sa suspek ng pagpatay sa dalagang si Glaudia Schnelli dalawang araw lang matapos itong iere. Halos dalawang taon nang nagtatago ang suspek na pinaghihinalaang ginahasa muna ang biktima bago ito pinatay.

Natulungan din ng “SOCO” ang pamilya Marquez na sa halos anim na taon ay pinagkaitan ng hustisya sa panghahalay at pagpatay kay Leslie Marquez. Mula nang itampok ang kaso sa isang episode noong 2011, isa-isang nahuli ang tatlo sa apat na suspek sa krimen.

Saksihan ang kanilang kwento kasama si Gus ngayong Sabado ng hapon (Dec 29) sa “SOCO” pagkatapos ng “Showbiz Inside Report” sa ABS-CBN. Para sa updates ng programa, i-like ang www.facebook.com/Abs-Cbn-SOCO. Para naman mapanood ang nakaraang tatlong episodes nito, bisitahin lamang ang www.abs-cbnnews.com/soco.

Comments are closed.