XYRIEL SHARES THE VALUE OF STUDYING HARD IN “WANSAPANATAYM”

Kapamilya child wonder Xyriel Manabat teaches fellow kids the value of studying diligently in the continuation of her “Wansapanataym” special this Saturday (June 16).

In the ‘Ballpen de Sarah Pen’ episode, Xyriel gives life to the character of Sarah, a student who has a hobby of cheating on her exams. As she continues to deceive herself with her undeserved grades, Sarah takes cheating on a different level when she was given magic ballpens that can answer test questions on its own. How will Sarah learn the value of studying and hard work now that she has found a way to make her school life easier?

Together with Xyriel in the episode are Gladys Reyes, Christopher Roxas and Yogo Singh. It is written by Crisanto Lim and directed by Jojo Saguin.

“Wansapanataym” is a part of ABS-CBN’s “Bida Best Kid” campaign launched recently that aims to empower children by encouraging them to become who they want to be and the best that they can be. It doesn’t only entertain and educate its young viewers with its values-oriented, child-friendly programs, but supports their dreams and aspirations as well.

Don’t miss the 2012 Prix Jeunesse International Festival Children’s Jury Prize winner, “Wansapanataym” special this Saturday, after “Kapamilya: Deal or No Deal” on ABS-CBN. For more updates log-on to www.abs-cbn.com, follow @abscbndotcom on Twitter.

-30-

‘Ballpen de Sarah Pen’ tampok sa “Wansapanataym” special ni Xyriel…
MGA BATANG NANGONGOPYA, PARURUSAHAN

Tuturuan na maging tapat at masipag sa pag-aaral ang mga batang kababalik lang sa eskwela sa panibagong episode ng “Wansapanataym” special ng Kapamilya child wonder na si Xyriel Manabat ngayong Sabado (Hunyo 16).

Sa ‘Ballpen de Sarah Pen,’ gagampanan ni Xyriel ang karakter ni Sarah, isang estudyante na mahilig mangopya sa kanyang mga exam. Nang pagkalooban siya ng mga mahiwagang ballpen na may kakayahang sumagot mag-isa ng mga pagsusulit, lalong lalala ang pandaraya ni Sarah sa kanyang mga gawain sa ekswela. Paano kaya matututunan ni Sarah na walang mabuting naidudulot ang pangongopya?

Kasama ni Xyriel sa episode sina Gladys Reyes, Christopher Roxas at Yogo Singh. Ito ay sa ilalim ng panulat ni Crisanto Lim at direksyon ni Jojo Saguin.

Ang “Wansapanataym” ay bahagi ng malawakang kampanya ng ABS-CBN na “Bida Best Kid” na naglalayong isulong ang kapakanan ng mga bata sa pamamagitan ng paggawa ng mga programang nagpapakita ng mabubuting asal at pagpapahalaga. Hinihimok sila nito na maging ‘da best’ sa anumang larangan na naisin nila at patuloy na abutin ang kanilang mga pangarap.

Huwag palampasin ang 2012 Prix Jeunesse International Festival Children’s Jury Prize winner, “Wansapanataym” special ni Xyriel tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng “Kapamilya: Deal or No Deal” sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.

-30-

Comments are closed.