REAL-LIFE POLITICAL DRAMA UNFOLDS IN ”KAMPANYASERYE”

kampanyaserye

ABS-CBN News and Current Affairs lets you witness the drama inside the world of Philippine politics in the teleserye-like documentary ”KampanyaSerye,” one of the highlights of ABS-CBN’s Halalan 2013 coverage that aims to educate voters who are set to elect a new batch of leaders this May.

 

”KampanyaSerye” tackles and probes the stories behind campaign promises and rhetorics to bring out the issues that matter to the electorate and show the competencies of aspiring leaders.

 

It debuted last week in ”TV Patrol” with Alvin Elchico’s five-part report dubbed as ”Giyera sa Kabisera” that followed the much talked-about battle for the Manila mayoralty post between mayor Alfredo ”Dirty Harry” Lim and former president Joseph ”Asiong Salonga” Estrada. Viewers learned about the humble beginnings of Lim and Estrada in politics, how they first competed for a government seat, why the former best friends are now enemies, and many other angles of the controversial feud.

 

From frenemies to family feuds, ”KampanyaSerye” has opened a brand new story last night (Jan 21) about the ongoing rift in the Villafuerte family in Ryan Chua’s report titled ”Ama, Anak, Apo.” The Villafuertes of Camarines Sur are currently divided by how they envision Camarines Sur.

 

Camarines Sur Rep. Luis Villafuerte Sr. proposed to divide Camarines Sur into two provinces, but his son Camarines Sur Gov. Luis ”LRay” Villafuerte Jr. is opposing it.

 

Tension further arose when LRay’s son, Migz, chose to run against his grandfather, Luis Sr., for governor. How will this family feud end? Will they choose to severe family ties for the sake of politics?

 

Don’t miss ABS-CBN News and Current Affairs “KampanyaSerye,” weeknights on “TV Patrol.” Watch the whole episode on ANC, the ABS-CBN News Channel (SkyCable ch 27), in a special Producer’s Cut version airing every Saturday, 2:30 PM, and every Sunday, 11 AM, and online via www.abs-cbnnews.com/KampanyaSerye. Tweet your thoughts and opinions using the hashtag #KampanyaSerye.

 

-30-

 

Sampung bagong serye, pakakaabangan sa Primetime Bida…

DRAMA SA MUNDO NG PULITIKA, MATUTUNGHAYAN SA ”KAMPANYASERYE”

 

Makapigil hininga ang tensyon, agaw-pansin ang banggaan, at mapangahas ang patutsadahan hatid ng ”KampanyaSerye,” ang pinakabagong handog ng ABS-CBN News and Current Affairs na magpapamalas sa inyo ng tunay na drama sa mundo ng pulitika sa bansa.

 

Ang ”KampanyaSerye” ay bahagi ng ABS-CBN Halalan 2013 na naglalayong mapalawak ang kaalaman ng mga mamamayan bago bumoto. Isang serye ang bubuksan linggo linggo sa ”TV Patrol” kung saan bibigyang diin ang kuwento sa likod ng mga pangako at talumpati ng mga pulitikong nanliligaw sa boto ng sambayanan. Naisisiwalat din dito kung ano ang mga isyung mahalaga sa kanila at kung ano ba talaga ang kakayahan nilang bilang lider.

 

Nagsimula na ang ”KampanyaSerye” noong nakaraang linggo sa ulat ni Alvin Elchico na pinamagatang ”Giyera sa Kabisera” kung saan mala-teleseryeng sinubaybayan ng sambayanan ang mainit na banggaan para sa pagka-alkalde ng Maynila nina mayor Alfredo ”Dirty Harry” Lim at dating pangulong Joseph ”Asiong Salonga” Estrada. Talaga namang tinutukan ng lahat kung paano sila nagsimula sa pulitika, paano sila unang nagbangga, paano nasira ang dati’y matalik na pagkakaibigan, at marami pang ibang anggulo ng kuwento na ngayon lang nabulatlat.

 

Mula sa awayan ng dating magkaibigan, binuksan naman ng ”KampanyaSerye” kagabi (Jan 21) ang awayan sa pagitan ng magkakapamilya sa ulat ni Ryan Chua na pinamagatang ”Ama, Anak, Apo.” Tampok dito ang drama sa likod ng buhay pulitika ng pamilya Villafuerte ng Camarines Sur at kung paano hinahamon ang kanilang angkan ng kanilang pagkakaiba ng layunin para sa lupang pinamumunuan.

 

Iminungkahi kasi ni Camarines Sur Rep. Luis Villafuerte Sr. Sa Senado sa pamamagitan ng isang house bill na hatiin ang Camarines Sur sa dalawang probinsya pero ang mismong anak na si Camarines Sur Gov. Luis ”LRay” Villafuerte Jr. ang pumalag sa plano niyang ito.

 

Mas lalo pang umigting ang iringan ng mag-ama nang pinili ng anak ni LRAY na si Migz na tumakbo laban sa kanyang lolo sa pagka-gubernador sa kanilang lugar. Saan hahantong ang hidwaan sa pamilya Villafuerte? Tuluyan na nga ba nilang kalilimutan ang pagiging magkakapamilya sa ngalan ng pulitika?

 

Huwag palalampasin ang ”KampanyaSerye,” Lunes hanggang Biyernes, sa ”TV Patrol” sa ABS-CBN. Panuorin din ang buong episode sa espesyal na Producer’s Cut na mapapanood sa ANC tuwing Sabado, 2:30 PM, at tuwing Linggo, 11 AM. Mapapanood din ito online via www.abs-cbnnews.com/KampanyaSerye. I-tweet ang inyong mga opinyon gamit ang hashtag na #KampanyaSerye.

 

-30-

TAGS: , , , ,

Comments are closed.