ABS-CBN NEWS UNVEILS HALALAN 2013 DIGITAL TOOLS

ABS-CBN News and Current Affairs has launched the all-new Halalan 2013 and the Bayan Mo iPatrol Mo (BMPM) microsites alongside the upgraded version of the COMELEC Halalan mobile application that will enable Filipinos to be vigilant and proactive citizens this election season.

“All the information you need to know about the elections will be available online on the ABS-CBN News Halalan 2013 microsite. We invite everyone to become partners with us in patrolling these elections through the new BMPM microsite. We have also made it easier for the public to get information and share information through the newly improved COMELEC Halalan 2013 application,” said Anna Rodriguez, head of News Digital Media.

The Halalan 2013 microsite contains all election-related information and will serve as the home of ABS-CBN News #Halalan 2013 coverage. Netizens can get the latest election updates as it happens straight from the country’s most trusted news organization in just one click and also get to view candidate profiles of hopefuls for the Senate and the House of Representatives, including party-lists.

Social pulse is also within reach as the microsite also features polls, reveals who are the most-searched election personalities, and gives a rundown of netizens’ opinions on popular social media sites.

The Bayan Mo iPatrol Mo microsite, on the other hand, houses all BMPM contributions that netizens can comment on and share to their own personal social networking accounts. It will also educate Filipinos on how they can patrol their votes as Bayan Patrollers through text, email, online, or on mobile.

One of the easiest ways to report election-related anomalies and wrongdoings is by using the BMPM feature in the COMELEC Halalan application which was recently upgraded to its second version to offer mobile users a different browsing experience, loaded with new features usable for voters.

In the improved Comelec app, users can view candidate profiles and party-list groups, make a shortlist of his or her bets via the “My Ballot”, view a list of COMELEC offices, and instantly go to mycomelec.tv website with a click of a button.

The COMELEC Halalan application is available free for download on iPhones, Android phones and tablets, and Windows 8 phones.

These elections, be digitally active with ABS-CBN News and Current Affairs’ latest digital offerings. Make it a habit to visit halalan2013.abs-cbnnews.com and bmpm.abs-cbnnews.com for the latest on Halalan 2013.

 

-30-

TULONG SA MAS AKTIBONG PAGPA-PATROL NG MAMAMAYAN  SA HALALAN 2013, INILUNSAD NG ABS-CBN

Mas maging aktibo at mapagmasid sa darating na halalan gamit ang makabagong teknolohiya sa tulong ng pinakabagong mga website ng Halalan 2013 at Bayan Mo iPatrol Mo, at ng mas pinalakas na COMELEC Halalan mobile application ng ABS-CBN News and Current Affairs.

“Lahat ng kailangan mong malaman sa eleksyon ay mahahanap mo online sa ABS-CBN News Halalan 2013 site. Inaanyayahan namin ang lahat na makipagtulungan sa amin at mag-patrol ngayong halalan sa pamamagitan naman ng BMPM site. Pinadali rin namin ang pagkuha at pagbahagi ng impormasyon sa mas pinahusay na COMELEC Halalan 2013 app,” sabi ni Anna Rodriguez, head ng News Digital Media.

Makikita sa halalan2013.abs-cbnnews.com ang mga mahahalagang impormasyon kaugnay ng halalan at magsisilbi itong tahanan ng ABS-CBN News Halalan 2013 coverage. Makukuha rin ng mga online user ang pinakasariwang election update mula mismo sa pinakapinagkakatiwalaang news organization sa bansa sa isang pindot lang at maaari rin nilang lubusan makilala ang mga kandidato sa Senado, House of Representatives, at mga grupong tumatakbo para sa party-list.

Damang-dama rin ang pulso ng bayan mula sa social media features na itatampok sa Halalan site.

Samantala, lahat ng ulat sa BMPM ay matatagpuan sa bmpm.abs-cbnnews.com kung saan maaari ring mag-komento ang mga netizen at i-share pa ito sa kani-kanilang social networking accounts. Ituturo rin dito kung paano makakapagsumite ng mga ulat sa pamamagitan ng text, email, Internet, at mobile devices.

Isa sa pinakamadaling paraan para mag-ulat kaugnay ng halalan ay gamit ang BMPM feature sa COMELEC Halalan 2013 app. Inilunsad na ang ikalawang bersyon ng app na ito para mas mapakinabangan at magamit ito ng mga smartphone users, lalo na iyong mga rehistrado para bumoto.

Sa mas pinagandang COMELEC app, makikita ang profiles ng mga kandidato at listahan ng mga grupo ng party-list na tumatakbo. Maaari ring gumawa ng pansamantalang talaan ng mga gustong iboto sa pamamagitan ng “My Ballot”.  Inilagay na rin dito ang mga listahan ng mga COMELEC offices sa bansa, at link para makapunta agad sa mycomelec.tv website.

Ang COMELEC Halalan 2013 app ay mada-download nang libre sa iPhones, Android phones at tablets, at Windows 8 phones.

Ngayong halalan, maging aktibo online sa tulong ng ABS-CBN News and Current Affairs. Laging bisitahin ang halalan2013.abs-cbnnews.com at bmpm.abs-cbnnews.com para sa pinaka-latest sa Halalan 2013.

-30-

Comments are closed.