KAREN SCRUTINIZES CANDIDATES FOR CHIEF JUSTICE IN “KRUSADA”

Many names have been floated in the search for the possible successor of former Chief Justice Renato Corona, who was convicted and removed from office in a conclusive impeachment trial last May. Who should be the next Chief Justice?

This Thursday (June 21) in “Krusada,” broadcast journalist Karen Davila will examine the roles and responsibilities expected of a Chief Justice, as well as the characteristics that make a candidate fit for the position. It is said that the position should be the one looking for the right person and not vice versa.

The country’s highest judicial post may not be as popular as the president’s and senators’ but unknown to many, Supreme Court decisions affect the everyday lives of Filipinos such as rulings on the contested Oil Deregulation Law and E-Vat.

As part of her report, Karen will interview retired Chief Justice Renato Puno, who will attest that the post’s duties have impact on the future of the country’s sectors. “There is more to the position of a Chief Justice that makes him the first among equals,” he says.

Who should be appointed as the country’s highest judicial officer? Find out in “Krusada” with Karen this Thursday (June 21) after “Bandila” on ABS-CBN or watch it earlier on DZMM TeleRadyo (SkyCable Channel 26), 9: 15 p.m.

-30-

KAREN, BUBUSISIIN ANG POSIBLENG PAPALIT KAY CORONA SA “KRUSADA”

Kasalukuyang nasa proseso ng paghahanap ng mga kandidato ang Judicial and Bar Council sa nabakanteng posisyon ng Punong Mahistrado ng bansa. Parami nang parami ang lumulutang na pangalan para sa puwesto, ngunit sino nga ba ang dapat na mapili sa kanila?

Ngayong Huwebes (June 21) sa “Krusada,” sisiyasatin ni Karen Davila ang mga antas at tungkuling dapat asahan sa isang Chief Justice, pati na rin ang mga katangiang dapat taglayin ng mauupo sa puwesto. Ang posisyon daw ang dapat na maghanap sa taong nararapat at hindi ang tao ang siyang naghahanap sa posisyong ito.

Hindi man daw kasing popular ng pangulo o ng mga senador ang posisyong ito subalit ang hindi alam ng marami ay nakakaapekto sa bansa at pang-araw-araw na buhay ng mga Pilipino ang mga desisyon ng Korte Suprema tulad na lamang ng Oil Deregulation Law at E-Vat na karagdagang buwis.

Makakapanayam din ni Karen ang retiradong Chief Justice Renato Puno na mas bibigyang diin ang bigat ng responsibilidad na nakaatang sa isang Chief Justice. Ipapaliwanag ni Puno na bagama’t pantay ang Chief Justice sa iba pang mga mahistrado pagdating sa botohan o pagdedesisyon sa loob ng korte ay may mga espesyal pa rin kapangyarihang dapat panghawakan at gamitin nang tama.

Sino ang karapat-dapat sa pinakamataas na posisyon sa korte ng buong bansa? Dahil ang tunay na paninindigan ay hindi puro salita lamang, manood ng “Krusada” kasama si Karen ngayong Huwebes (June 21) pagkatapos ng “Bandila” sa ABS-CBN o sa mas maagang pag-ere nito sa DZMM TeleRadyo (SkyCable Channel 26), 9:15 p.m.

-30-

TAGS: , , , ,

Comments are closed.