ABNER LOOKS INTO RISE OF ILLEGAL SETTLEMENTS IN “KRUSADA”

ABNER LOOKS INTO RISE OF ILLEGAL SETTLEMENTS IN “KRUSADA”

Broadcast journalist Abner Mercado will dig deeper into the rapid growth of illegal settlements in Metro Manila despite the government’s pro-poor housing programs tomorrow (May 31) in “Krusada.”

Over 580,000 families in the metro are considered illegal settlers or ‘iskwater.’ However, the National Housing Authority (NHA) is only able to relocate only 30,000 families annually due to the government’s low budget allocation for public housing projects.

Abner also found out that many of these informal settlers come from the provinces who sought better opportunities in Manila because of the scarcity of jobs at home. According to them, living in the metro’s so-called danger zones has also forced them to live in constant fear of fires and demolition projects.

“Informal settling is just one of the roots of the country’s problems, such as unemployment. There are no employment opportunities in the provinces so many of them move to Manila to seek greener pastures,” said Abner, whose documentary won a Bronze World Medal for “Krusada” in the Social Issues/Current Events category at the prestigious New York Festivals (NYF) International TV and Film Awards 2012.

Abner will also examine Virlanie Foundation’s “Balik Probinsya Project,” which seeks to send informal settlers back to their hometowns and help them get their loves back on track.

Because it takes more than words to take a stand, watch Abner’s report in “Krusada” tomorrow (May 31) after “Bandila” on ABS-CBN or watch it earlier on DZMM TeleRadyo (SkyCable Channel 26), 9:15 p.m.

-30-

PAGDAMI NG MGA ISKWATER, SUSURIIN NI ABNER SA “KRUSADA”

Iimbestigahan ni Abner Mercado ang mga ugat ng patuloy na pagdami ng mga pamilyang iskwater sa Maynila sa kabila ng mga programang pangrelokasyon ng pamahalaan bukas (Mayo 31) sa “Krusada.”

Mahigit 580,000 pamilya ang itinuturing na iskwater o ‘illegal settlers’ sa Maynila ngunit taun-taon, 30,000 pamilya lamang ang nabibigyan ng relokasyon ng National Housing Authority (NHA) dahil umano sa maliit na budget ng pamahalaan.

Isa pang natuklasan ni Abner sa kanyang ulat ay marami sa mga naninirahan sa iskwater ay dating taga-probinsyang nangahas na makipagsapalaran sa Maynila. Ayon sa kanila, hindi rin daw biro ang manirahan sa squatters’ area dahil sa patuloy na banta ng sunog at demolisyon.

“Ugat lamang ng mas marami pang problema ang sitwasyon ng mga iskwater, gaya ng kawalan ng matinong trabaho. Sadyang wala lamang talagang oportunidad sa probinsya kaya marami sa kanila ang nagbabakasakali sa siyudad,” ani Abner, na siyang nagkamit para sa “Krusada” ng Bronze World Medal sa Social Issues/Current Events category ng prestihiyosong New York Festivals (NYF) International TV and Film Awards 2012.

Susuriin din ni Abner ang “Balik Probinsya Project ng Virlanie Foundation, isang non-government organization na naglalayong makabalik sa pinanggalingang probinsya ang pamilyang iskwater at makaahon muli sa buhay.

Dahil ang tunay na paninindigan ay hindi puro salita lamang, panoorin ang ulat ni Abner sa “Krusada” bukas (Mayo 31) pagkatapos ng “Bandila” sa ABS-CBN o sa mas maagang pag-ere nito sa DZMM TeleRadyo (SkyCable Channel 26), 9:15 p.m.

-30-

Comments are closed.