ABS-CBN captivates more Filipinos nationwide in August

ABS-CBN kept its lead in nationwide TV ratings in August, bringing values-oriented programs and relevant news stories to more viewers in the country.

Based on data from Kantar Media, the Kapamilya network recorded an average audience share of 46% in both rural and urban homes, or 13 points higher versus GMA’s 33%.

“FPJ’s Ang Probinsyano” (38.6%) still led the list of most watched programs in August, thrilling more viewers as Cardo (Coco Martin) finally infiltrated the rebel group Pulang Araw.

ABS-CBN’s newest talent-variety-talk show “Little Big Shots” (35.9%), on the other hand, instantly impressed viewers as it showcased the wit, charm, and talent of kids.

KathNiel-starrer “La Luna Sangre” (33.7%) was also a big hit among viewers as Malia (Kathryn Bernardo) and Tristan (Daniel Padilla) continue to fulfill their mission of ending the leader of evil vampires Supremo (Richard Gutierrez).

Kapamilya network’s flagship newscast “TV Patrol,” meanwhile, remained as the most preferred news program in the country in August, hitting 32.5% and beating rival program “24 Oras” (19.4%).

“Wansapanataym” (28.1%) gave viewers a magical treat every Sunday and highlighted lessons of love, sacrifice, and bravery to Pinoy kids through Super Ving (Awra Briguela). “MMK” (27.4%) also gave inspiration to audiences nationwide with the real-life stories of letter senders, individuals who weathered different struggles.

Meanwhile, “Wildflower” set viewers and netizens abuzz with its wildest wedding episode and recorded an average national TV rating of 25.3% for August.

Also landing on the top ten list were Kapamilya comedy programs “Home Sweetie Home” (24.9%) that reflects the lives of ordinary Filipino families, and “Goin’ Bulilit” (22.7%), which is currently celebrating a decade of bringing fun and laughter to viewers.

ABS-CBN also won across all time blocks, particularly in primetime (6PM-12MN), where it recorded an average audience share of 50% versus GMA’s 31%. The primetime block is the most important part of the day when most Filipinos watch TV and advertisers put a larger chunk of their investment in to reach more consumers effectively.

The Kapamilya network also won in the morning block (6AM-12NN) with 40% versus GMA’s 30%, the noontime block (12NN-3PM) with 46%, compared to GMA’s 35%, and the afternoon block (3PM-6PM) with 43%, beating GMA’s 38%.

ABS-CBN also beat GMA in other areas. More viewers tuned in to the Kapamilya network in Total Luzon with 42% versus GMA’s 35%, in Total Visayas with 55% versus GMA’s 26%, and in Total Mindanao with 54% versus GMA’s 29%.

As of June this year, ABS-CBN TVplus has already sold three million boxes nationwide since its launch in 2015 and significantly boosted ABS-CBN’s TV ratings. According to data from Kantar Media, ABS-CBN’s audience share in Mega Manila increased to 36% from January to August 2017, compared to 30% in 2015, as more households are able to experience crystal clear viewing experience with ABS-CBN TVplus. ABS-CBN’s ratings in Mega Manila also rose to 14% from 11% in 2015.

ABS-CBN mas pinanood ng mga Pilipino noong Agosto

ABS-CBN pa rin ang nanguna sa buong bansa sa pagbabahagi ng mga kwentong puno ng aral at mga makabuluhang balita sa mga manonood noong Agosto.

Ayon ito sa datos ng Kantar Media, kung saan nakakuha ang Kapamilya network ng average audience share na 46% sa pinagsamang rural at urban homes, o 13 na puntos na lamang kumpara sa 33% ng GMA.

Numero uno pa rin sa listahan ang “FPJ’s Ang Probinsyano” (38.6%) at mas pinasasabik pa ang lahat ngayong napasok na ni Cardo (Coco Martin) ang kuta ng rebeldeng grupong Pulang Araw upang puksain ito.

Sinundan naman ito ng “Little Big Shots” (35.9%) na lubos na nagpahanga sa mga manonood sa pagpapamalas ng talino at kakaibang talento ng mga bata tuwing weekend. Patuloy rin namang kinapitan ang kuwento nina Tristan (Daniel Padilla) at Malia (Kathryn Bernardo) sa “La Luna Sangre” (33.7%) sa mas umiinit nilang laban upang sugpuin ang mortal nilang kalabang si Supremo (Richard Gutierrez).

Nanatili namang pinakapinanood na news program sa bansa ang “TV Patrol” sa pagtala nito ng average audience share na 32.5% at tinalo ang katapat nitong programang “24 Oras” (19.4%).

Bumida rin sa telebisyon ang mga aral na ibinahagi ng “Wansapanataym” (28.1%) kung saan napapanood ang breakout child star na si Awra bilang Super Ving, isang superhero na taglay ang busilak na kalooban upang puksain ang kasamaan.

Patuloy naman ang pagbabahagi ng “MMK” (27.4%) ng mga kwentong pinaghuhugutan ng inspirasyon ng mga manonood tuwing Sabado.

Samantala, isa sa mga pinakapinag-usapang palabas noong Agosto ang “Wildflower,” partikular na ang ‘wildest wedding’ nito, kaya naman nagkamit ang serye ng average national TV rating na 25.3% para sa buong Agosto.

Pasok din sa listahan ang Kapamilya comedy programs na “Home Sweetie Home” (24.9%) na sumasalamin sa tibay at saya ng bawat pamilyang Pilipino, at “Goin’ Bulilit” (22.7%) na sampung taon nang nagpapaligaya sa mga manonood.

Naghari rin ang ABS-CBN sa lahat ng time blocks noong Agosto, partikular na sa primetime (6PM-12MN), kung saan nakakuha ito ng average national audience share na 50%, kumpara sa 31% ng GMA. Ang primetime block ang pinakaimportanteng parte ng araw kung kailan karamihan sa mga Pilipino ay nanonood ng telebisyon at inilalagay ng advertisers ang malaking parte ng kanilang investment upang makaabot sa mas maraming consumers.

Inabangan din ang Kapamilya network sa morning block (6AM-12NN) at nagtala ng 40% laban sa 30% ng GMA; sa noontime block (12NN-3PM) matapos nitong magkamit ng 46% kumpara sa 35% ng GMA; at sa afternoon block (3PM-6PM) at nagkamit ng 43% laban sa 38% ng GMA.

ABS-CBN din ang nanguna sa iba pang parte ng bansa. Lubos na pinanood ang Kapamilya network sa Total Luzon sa pagtala nito ng average audience share na 42% at tinalo ang GMA na may 35%; sa Total Visayas sa pagrehistro nito ng 55% kumpara sa 26% ng GMA; at sa Total Mindanao, kung saan nagkamit ito ng 54% laban sa 29% ng GMA.

Lalo ring tumaas ang TV ratings ng ABS-CBN kumpara sa mga nagdaang taon ngayong 2017 dahil nito ngang Hunyo, umabot na sa tatlong milyong “mahiwagang black boxes” o ABS-CBN TVplus ang nakarating sa mga tahanan mula noong una itong ilabas noong 2015. Ayon sa Kantar Media, tumaas na ang average audience share ng ABS-CBN sa 36% sa Mega Manila mula Enero hanggang Agosto ngayong 2017, kumpara sa 30% noong 2015. Umangat rin ang TV ratings ng Kapamilya network sa Mega Manila sa 14%, kumpara naman sa 11% noong 2015.

Comments are closed.