ABS-CBN: In the service of 36 million digital Kapamilyas

ABS-CBN website’s record traffic boosts company’s digital transition

 

ABS-CBN, the country’s leading media and entertainment company, continues to be of service to 36 million digital Filipinos both here and abroad by providing content covering relevant topics in news, sports, entertainment, and lifestyle.

The company’s media website abs-cbn.com logged 36 million users and hit over 1.7 billion page views as of end-May this year, becoming the country’s biggest local media website next only to global giants Facebook, YouTube, and Google in the Philippines, according to web traffic data and analytics sites Alexa and SimilarWeb. ABS-CBN’s number of page views has passed the halfway mark of its 2016 record of three billion page views.

The media website’s record traffic boosts ABS-CBN’s transition into being an agile digital company with the biggest online presence among all media companies, and a growing list of digital properties.

“The record numbers reflect the success of ABS-CBN’s mobile-first strategy that caters to 75% of Filipinos who consume content online through their mobile devices. This strategy, along with a sound grasp of its audience’s passions and a wide range of immersive content about relevant topics, also boosts ABS-CBN’s position as the top media portal in the country,” said Elaine Uy, OIC-head of ABS-CBN’s digital media division.

One of the latest initiatives designed to serve the needs of its expanding digital audience is Patrol.ph, a Filipino language news website launched in May that offers a diverse lineup of news and information in a familiar language and mobile-friendly interface.

ABS-CBN’s over-the-top content platform iWant TV continues to draw Kapamilya fans who want to catch up on their favorite shows and watch movies, Korean dramas, and original shows wherever they go at any time they want. The company also has TFC.tv to give the same access to Kapamilyas outside the Philippines.

The company’s leadership in the digital space is also a result of its continuous innovations that engage audiences with numerous experiential offerings that bridge the gap between TV and digital, allowing them to get the full experience that goes beyond watching TV passively and connecting them digitally to the things that matter most to them.

Among these experiential offerings is the Moonchasers website, which complements viewers’ experience of watching the top-rating teleserye “La Luna Sangre” by bringing them together in an online interactive community to help Tristan (Daniel Padilla) locate werewolves and vampires.

ABS-CBN’s notable innovations also include the award-winning “Pinoy Big Brother Online Bahay ni Kuya,” which allowed fans to join the “PBB” experience alongside the housemates and provided them with a platform to express themselves and display their abilities and talents. On the heels of the success of the hit TV series “On The Wings of Love” (OTWOL), ABS-CBN also launched otwolista.com, giving OTWOL fans their own community page to access exclusive content, merchandise, and experiences.

ABS-CBN’s dominance also extends to Facebook, where it enjoys a 15.4 million-strong following – the largest among all Filipino companies. On video streaming service YouTube, four of ABS-CBN’s channels – including ABS-CBN News (2.4 billion views), Star Music (844.6 million views), and Star Cinema (423 million views) – rank in the top ten Filipino channels. ABS-CBN Entertainment’s channel, meanwhile, ranks first in the country in terms of views (nine billion views). The company has also reached out to online audiences by launching multi-channel network Adober Studios, formerly called Chicken Pork Adobo, which helps YouTube users grow their channel via channel management and content optimization.

Along with its online experiential offerings, ABS-CBN goes full circle by rewarding Filipinos who patronize its products and services through its newest customer loyalty program called “Kapamilya, Thank You.” The membership earns Kapamilyas points to get rewards such as a meet and greet with a Kapamilya star, tickets to ABS-CBN Studio Tours and shows like “ASAP” and “It’s Showtime,” freebies from ABS-CBN Store, free access to ABS-CBN TVplus’ KBO and SKY Pay-Per-View, and free SMS, data, or calls via ABS-CBNmobile.

 

ABS-CBN, patuloy na naglilingkod sa 36 milyong Kapamilya online

Hindi lang sa telebisyon kundi maging online ay patuloy na pinaglilingkuran ng ABS-CBN ang 36 milyong Pilipino sa loob at labas ng bansa na kumukuha mula sa Kapamilya network ng mahahalaga at makabuluhang istorya mapa-balita, sports, showbiz, at lifestyle man.

Nito ngang taon ay nagtala ang abs-cbn.com, ang media website ng kumpanya, ng 36 milyong users at 1.7 bilyong page views mula Enero hanggang Mayo, dahilan para mamayagpag ito bilang ang pinakamalaking media website sa bansa kasunod lamang ng Facebook, YouTube, at Google, ayon sa web traffic data and analytics sites na Alexa and SimilarWeb.

Isa lamang ito sa mga patunay na ang ABS-CBN, ang nangungunang media and entertainment company sa bansa, ay nagiging isa nang digital company dahil sa patuloy nitong pangunguna kumpara sa mga katapat na network sa pagdala ng de-kalidad nitong content online at paglawak ng handog nitong digital properties.

“Ipinapakita lamang nito na epektibo ang mobile-first strategy ng kumpanya para maabot ang 75% ng mga Pilipinong gumagamit ng mobile devices. Mahalaga rin para sa amin na kilalanin at maintindihan ang mga pangangailangan at interes ng ating mga Kapamilya upang maihatid ang mga istoryang mahalaga sa kanila,” pahayag ni Elaine Uy, ang OIC-head ng ABS-CBN digital media division.

Isa sa mga pinakabagong inilunsad ng ABS-CBN para paglingkuran ang lumalaki nitong digital audience ay ang Patrol.ph, isang news website na naglalaman ng mga balitang isinulat sa Filipino at madaling ma-access at mag-load sa mobile devices.

Araw-araw ding binibisita ng Kapamilya fans ang iWant TV, kung saan maaari silang makapanood ng kanilang paboritong programa, pelikula, Korean dramas, at orihinal na shows kahit kailan at saan man sila pumunta. Nagagawa rin ito ng mga Pinoy sa labas ng bansa sa pamamagitan ng TFC.tv.

Hatid din ng Kapamilya network ang “full experience” sa pamamagitan ng offerings nitong nagdudugtong sa parehong TV at online.

Kabilang sa mga ito ang Moonchasers website, isang online community base sa top-rating teleseryeng “La Luna Sangre” kung saan maaaring tulungan ng fans si Tristan (Daniel Padilla) na maghanap ng mga lobo at bampira, ang award-winning na “Pinoy Big Brother Online Bahay ni Kuya,” na binigyang pagkakataon ang mga manonood na maging online housemates, at ang otwolista.com ng “On The Wings of Love” (OTWOL), na binigyan ang fans ng programa ng exclusive content at merchandise.

ABS-CBN din ang may top Facebook page sa lahat ng kumpanya sa bansa dahil mayroon itong higit sa 15.4 milyong likes. Sa video streaming service na YouTube naman, pasok sa top ten na pinakapinapanood na Filipino channels ang ABS-CBN Entertainment (siyam na milyong views), ABS-CBN News (2.4 bilyong views), Star Music (844.6 milyong views), at Star Cinema (423 milyong views). Mayroon ding multi-channel network ang ABS-CBN na Adober Studios (dating Chicken Pork Adobo) na tumutulong sa makabagong content creators na maabot ang digital audience sa YouTube sa pamamagitan ng channel management at content optimization.

Dahil naman sa patuloy na pagtangkilik ng mga Pilipino ng iba’t ibang produkto at serbisyo ng Kapamilya network, kamakailan ay inilunsad nito ang customer loyalty program na “Kapamilya, Thank You,” na maaaring gamitin upang makatanggap ng rewards tulad ng meet and greet sa isang Kapamilya star, tickets sa ABS-CBN Studio Tours at shows katulad ng “ASAP” at “It’s Showtime,” freebies mula sa ABS-CBN Store, libreng access sa KBO ng ABS-CBN TVplus at SKY Pay-Per-View, at libreng SMS, data, o calls gamit ang ABS-CBNmobile.

 

Comments are closed.