ABS-CBN LAUNCHES AFTERNOON TV’S NEWEST FACES IN “PUSONG LIGAW”

ABS-CBN gives afternoon television a whole new look as it premieres a powerful story about love and ambition in “Pusong Ligaw” beginning this Monday (Apr 24).

Produced by Star Creatives, “Pusong Ligaw” is led by a fresh ensemble of talents that viewers will surely watch out for every weekday afternoon — Diego Loyzaga, Sofia Andres, Enzo Pineda, Beauty Gonzales, Bianca King, Joem Bascon, and Raymund Bagatsing.

Taking the lead for the first time as a love team are Diego and Sofia, who first worked together in the hit series “Forevermore.”

“It is really my dream to be a part of this. I feel that all my hardwork since the time I started doing VTRs with my mom is finally paying off. It still feels surreal but I’m super thankful for this,” said Sofia.

“I have been waiting so long for this. I’m so happy that I’m right here and we have already started taping. It is my pleasure to be working with such amazing artists,” said Diego.

The show also marks Beauty’s biggest break in her career since she became leading lady to Zanjoe Marudo in “Dream Dad” and portrayed very effective supporting roles in various Star Cinema films.

“I have mixed emotions. I’m super thankful but nervous at the same time. I’m ready to take the challenge. This is also a chance to show viewers a Beauty they have never seen before,” said Beauty.

Meanwhile, newest Kapamilyas Enzo and Bianca star in their first ABS-CBN teleserye via this romantic drama, while Raymund also stages his return to the Kapamilya Network.

The makers of top-rating hit series “Princess and I,” “Got 2 Believe,” Forevermore,” “Dolce Amore,” and “A Love to Last,” Star Creatives tells yet another unforgettable tale to its viewers.

Follow the story of best friends Tessa (Beauty Gonzales), a striving fashion designer, and Marga (Bianca King), a quick-witted beauty queen who both dream of becoming big in their respective careers. They promise to stick together until they both succeed, but that is until Marga betrays Tessa and sleeps with her boyfriend Caloy (Joem Bascon).

To mend her broken heart, Tessa transfers to Manila where she gives birth to Rafael, her child with Caloy. She singlehandedly raises the boy and tries her best to make ends meet for the two of them. Fate once again tests her,  however, when Rafael is stolen from her by an unknown woman. Just as when she is about to give up, she encounters Jaime (Raymund Bagatsing) who eventually helps her along her struggles. The two then adopt a son and names him Rafa (Enzo Pineda).

Little does Tessa know that her real son Rafael is in the care of the Policarpio family, and is about to pursue his studies in Manila as Potpot (Diego). Here, he meets Vida (Sofia Andres), the daughter of Marga who chooses to disobey her mother in order to reach her dream of becoming a famous fashion designer like her idol Tessa, who is now known in the fashion industry as Terry Laurel.

Once their paths cross again, will Tessa and Marga be able to rekindle their friendship? How will the past affect the lives of Potpot, Vida, and Rafa? Who will choose the road to love and who will take the road of hatred and revenge?

The newest show is under the direction of GB Sampedro, Elfren Vibar and Henry King Quitain and under the business unit headed by Lourdes De Guzman. Star Creatives is led by COO Malou Santos.

Don’t forget to watch the newest series “Pusong Ligaw” stating Monday (April 22) in ABS-CBN’s Kapamilya Gold on ABS-CBN or ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Catch up on the show’s latest episodes on iWanTV or skyondemand.com.ph for Sky subscribers. For more updates, follow @starcreatives on Facebook, Twitter, and Instagram.

 

-30-

Pag-ibig at pangarap…

MGA BAGONG MUKHA SA HAPON, MAKIKILALA NA SA “PUSONG LIGAW”

Makikilala na ang ang mga bagong mukha na magbibigay ng bagong bihis sa iyong hapon sa pag-uumpisa ng kwento tungkol sa mga pusong nagmamahal at nangangarap sa “Pusong Ligaw” ngayong Lunes (Apr 24).

Sa ilalim ng produksyon ng Star Creatives, ang “Pusong Ligaw” ay pinangungunahan nina Diego Loyzaga, Sofia Andres, Enzo Pineda, Beauty Gonzales, Bianca King, Joem Bascon, at Raymund Bagatsing.

Magtatambal at bibida sa unang pagkakataon sa telebisyon sina Diego at Sofia bilang sina Potpot at Vida, matapos sila unang magkasama sa hit serye na “Forevermore.”

“Pangarap ko talago ito. Ngayon ko na nararamdaman iyong hardwork simula noong gumagawa ako ng VTRs with my mom. Hindi pa rin ako makapaniwala na nandito na ako pero sobrang nagpapasalamat ako,” sabi ni Sofia.

“Matagal ko nang inantay ito. Masaya ako na nandito na ako at nagsisimula na kami, lalo pa at bigatin itong mga kasama ko. Sobrang perfect timing,” bahagi naman ni Diego.

Biggest break naman na maituturing ito ni Beauty matapos maging leading leady ni Zanjoe Marudo sa “Dream Dad” kasabay ng iba pang tumatak na roles sa iba’t ibang mga pelikula.

“Labis na pasasalamat at nerbyos ang nararamdaman ko pero handa na ako sa pagsubok na ito. Ito na rin ang tsansa para makita ng mga tao ang kakaibang Beauty,” pahayag ni Beauty.

Samantala, unang beses naman na bibida sa isang ABS-CBN serye ang mga bagong Kapamilya na sina Enzo Pineda at Bianca King habang mamarkahan naman ng soap ang pagbabalik-Kapamilya ni Raymund Bagatsing.

Matapos ang matagumpay at dekalibreng mga serye tulad ng “Princess and I,” “Got 2 Believe,” “Forevermore,” “Dolce Amore,” at  “A Love to Last,” isa na namang hindi malilimutang kwento ang handog sa mga manonood ng produksyon ng Star Creatives.

Nagsisikap na maging fashion designer na si Tessa ( Beauty Gonzales) at ang madiskarteng konteserang si Marga (Bianca King). Masaya ang kanilang pagkakaibigan ngunit dala ng inggit ay nagawa ni Marga na ahasin kay Tessa ang nobyong si Caloy (Joem Bascon), dahilan para tuluyan ng mawasak ang namamagitan sa kanila.

 

Sa paglisan ni Tessa, malalaman niyang siya ay nagdadalang-tao. Itataguyod niyang mag-isa ang anak na si Rafael ngunit sa kasamaang palad ay madudukot ito mula sa kanya. Halos ikamatay at ikabaliw niya ang nangyari pero sa tulong ni Jaime (Raymund Bagatsing) at ng kanilang ampon na si Rafa (Enzo) pipilitin niyang bumangon mula sa masakit na mga nangyari.

Lingid sa kaalaman ni Tessa na si Rafael ay napunta na sa kalinga ng mapagmahal na pamilya Policarpio at mag-aaral na ng kolehiyo sa Maynila bilang si Potpot (Diego Loyzaga). Dito niya makikilala si Vida (Sofia Andres), anak ni Marga na pipiliing suwayin ang ina para tuparin ang pangarap na magdisenyo ng damit tulad ng idolong si Tessa na ngayon ay kilala na bilang sikat na designer na si Terry Laurel.

Ano ang magaganap sa muling paghaharap ng dating magkaibigan? Paano maapektuhan ng nakaraan ang buhay nina Potpot, Vida at Rafa? Sino ang tatahak ng landas ng pag-ibig at sino naman ang tatahak ng landas ng poot at paghihiganti?

Ang pinakabagong serye sa hapon ay mula sa direksyon nina  GB Sampedro, Elfren Vibar, at Henry King Quitaina at pinamumunuan ni Lourdes De Guzman. Ang Star Creatives ay pinamumunuan ng COO nito na si Malou Santos.

Huwag palalampasin ang pinakabagong seryeng “Pusong Ligaw,” simula ngayong Lunes (Apr 24) sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD sa SkyCable ch 167. Panoorin ang past episodes ng serye sa iWanTV o skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers. Para sa karagdagang updates, i-follow ang @starcreatives sa Facebook, Twitter, at Instagram.

-30-

Comments are closed.