ABS-CBN launches “Class Project” documentary contest for students

ABS-CBN launches Class Project Intercollegiate Mini- Documentary Competition to harness students’ creativity in creating broadcast quality documentaries.

 

ABS-CBN, Knowledge Channel, and the Philippine Association of Communication Educators Foundation, Inc. (PACE) recently launched “Class Project: An Intercollegiate Mini-Documentary Competition” that will give college students a chance to have their documentaries shown on television.

 

“Class Project,” a weekly program that airs student-produced documentaries on Knowledge Channel, aims to harness the creativity of students in making broadcast-quality documentaries.

 

Eligible college students from PACE-member schools can now submit videos produced within January 1 to November 30, 2017, with total running time of 12 to 15 minutes each. Deadline of submission is on November 30. The documentaries will go through a three-level judging process conducted by ABS-CBN to choose the Top 10 entries, which will win cash prizes on top of having their documentaries aired on “Class Project Winners’ Festival” on Knowledge Channel, which is currently available on ABS-CBN TVplus and SKYcable.

 

The winners will be awarded during ABS-CBN’s “Pinoy Media Congress Year 12” (PMC) on February 2018. A partnership with PACE, PMC gathers communication professors and students from all over the country to learn the latest trends and issues in media and communication. Last year, PMC had over 1,000 delegates in St. Mary’s College and Visayas State University, who learned from the likes of Ricky Lee, Ces Drilon, Ted Failon, and other media luminaries. It also held an online video competition where students from Far Eastern University, University of the Philippines, and St. Louis University won the top prizes.

 

Meanwhile, ABS-CBN will also hold a “Docu Caravan” together with Knowledge Channel and ABS-CBN Integrated News & Current Affairs starting this September to teach and inspire students to create informative and relevant documentaries. ABS-CBN journalist Jeff Canoy headlines the first leg in University of Santo Tomas on September 20, where he will share the documentary they made on the Marawi siege.

 

For more information on the rules, mechanics, and prizes for the “Class Project: Intercollegiate Mini-Documentary Competition,” visit www.pinoymediacongress.com.  Inquiries can also be sent to classproject@knowledgechannel.org.

 

Founded in 1999, Knowledge Channel Foundation, Inc. is the only non-profit organization in the Philippines that offers curriculum-based, multimedia educational resources, and professional teacher trainings to improve teaching skills, thereby helping audiences learn better through technology. It’s television channel, Knowledge Channel, is the country’s first and only educational channel, which has helped educate millions of Filipino students and youth in public schools and households all over the Philippines in the past 18 years.

 

 

ABS-CBN “Docu Caravan,” magsisimula ngayong Setyembre

MINI DOCUMENTARY CONTEST PARA SA MGA ESTUDYANTE, INILUNSAD

 

Bibigyan ng ABS-CBN ng pagkakataon ang mga estudyante na maipalabas ang kanilang gawang dokumentaryo sa telebisyon sa paglunsad nila kasama ng Knowledge Channel at Philippine Association of Communication Educators Foundation, Inc. (PACE) ng “Class Project Intercollegiate Mini-Documentary Competition” ngayong taon.

 

Ang “Class Project” ay lingguhang programa sa Knowledge Channel na layuning linangin ang husay at pagiging malikhain ng mga estudyante sa paggawa ng mga kalidad na dokyumentaro.

 

Maaaaring sumali sa contest ang mga estudyante sa mga kolehiyo o unibersidad na kasapi ng PACE. Kailangang ang video nila ay gawa lamang sa loob ng Enero 1 hanggang Nobyembre 30, 2017 at may haba ng 12 to 15 minuto. Huling araw ng pagsusumite ng entry sa Nobyembre 30.

 

Dadaan ang mga dokumentaryo sa tatlong lebel na judging process upang mapili ang Top 10 na mananalo ng cash prizes bukod pa sa pagkakataong maipalabas ang kanilang dokumentaryo sa “Class Project Winners’ Festival” sa Knowledge Channel, na mapapanood naman sa ABS-CBN TVplus at SKYcable.

 

Paparangalan ang mga mananalo sa darating na “Pinoy Media Congress Year 12” (PMC) ng ABS-CBN sa Pebrero 2018. Ang PMC ay proyekto ng PACE at ABS-CBN na pinagsasama-sama ang mga guro at mag-aaral sa komunikasyon para matuto at makipag-diskurso sa mga batikang personalidad sa industriya tungkol sa iba’t ibang isyu sa media.

 

Sa nakaraang PMC, mahigit sa 1,000 delegado ang dumalo sa St. Mary’s College at Visayas State University at natuto sa mga tulad nina Ricky Lee, Ces Drilon, Ted Failon, at iba pang premyadong propesyonal sa larangan ng media. Nagkaroon din ng paligsahan sa paggawa ng online video kung saan ang mga estudyante mula sa Far Eastern University, University of the Philippines, at St. Louis University ang nanalo.

 

Samantala, magdadaos din ang ABS-CBN ng “Docu Caravan” kasama ang Knowledge Channel at ABS-CBN Integrated News & Current Affairs sa iba’t ibang eskwelahan upang upang turuan at bigyan ng inspirasyon ang mga mag-aaral kung paano gumawa ng mga makabuluhang dokumentaryo.

 

Tampok ang ABS-CBN journalist na si Jeff Canoy sa unang larga nito sa Setyembre 20 sa University of Santo Tomas, kung saan ibabahagi nya ang ginawang dokumentaryo tungkol sa kaguluhan sa Marawi.

 

Para sa iba pang impormasyon tungkol sa “Class Project: Intercollegiate Mini-Documentary Competition,” bumisita lamang sa www.pinoymediacongress.com. Maaari rig mag-email sa  classproject@knowledgechannel.org.

 

Nagsimula noong 1999 ang Knowledge Channel, ang una at natatanging educational channel sa bansa, na tumutulong sa pagbabahagi ng karunungan sa milyon-milyong kabataan sa mga pampublikong paaralan at kabahayan sa Pilipinas sa nakalipas na 18 taon.

Comments are closed.