ABS-CBN launches “Darna at ang Nawawalang Bato” card game

Photo credit: Balangay Entertainment

 

Darna comics fans rejoice as the Kapamilya network releases “Darna at ang Nawawalang Bato” (Darna and the Missing Stone), a thrilling, uniquely Filipino card game in the theme of the Pinoy pride lady warrior, through its recently launched Ravelo Komiks Superheroes brand.

Before “Darna” hits the big screen, ABS-CBN brings to life its iconic and well-loved characters such as Ding, Narda, Valentina, and Darna herself through the exciting deck of cards.

Three or more key players take turns in guessing and deciphering which card holds the magic stone among various characters and ordinary household items. With this, one must actually shout “Darna!” in order to win.

Fans got to try “Darna at ang Nawawalang Bato” card game during the two-day Komikon 2017, held on November 11 to 12 at Unilab’s Bayanihan Center in Mandaluyong City.

It is one of the products inspired by the Mars Ravelo-created superhero Darna. The card game is designed by Marx Rulloda and Karlo Senga and published by Balangay Entertainment Inc. in partnership with ABS-CBN Licensing.

Aside from the superhero in red, ABS-CBN also revives other characters in Philippine comics, namely Captain Barbell and Lastikman, through its partnership with several companies for its initial batch of licensees for the new Ravelo Komiks Superheroes brand.

 

“Darna at ang Nawawalang Bato” is priced at P150 and is available at the ABS-CBN Store, Fully Booked, Hobbes and Landes, selected National Book Store outlets, and other gaming and hobby specialty stores.

ABS-CBN, INILUNSAD ANG “DARNA AT ANG NAWAWALANG BATO” CARD GAME

 

Tiyak na mapapasigaw ng “Darna!” ang mga komiks fans sa paglulunsad ng Kapamilya network sa “Darna at ang Nawawalang Bato,” ang bagong card game mula sa bagong Ravelo Komiks Superheroes brand nito.

Bago pa ang inaabangang pagsalang ng bagong “Darna” sa pelikula, bubuhayin muna ng ABS-CBN ang mga minahal na karakter nito tulad nina Ding, Narda, Valentina at mismong si Darna gamit ang nakakagiliw na laro ng baraha.

Tatlo o mahigit ang kailangang manlalaro dito na layunin ay ang mahulaan kung aling baraha ang magbubunyag ng mahiwagang puting bato. Kailangan ding sumigaw ng “Darna!” ang manlalaro upang manalo.

Ilang fans na rin ang nakasubok ng “Darna at ang Nawawalang Bato” card game noong nakaraang Komikon 2017 na naganap noong Nobyembre 11 at 12 sa Bayahinan Center ng Unilab sa Mandaluyong City.

Ang “Darna at ang Nawawalang Bato” ay diniseniyo nina Marx Rulloda at Karlo Senga at nagmula sa Balangay Entertainment Inc. sa pakikipag-ugnayan sa ABS-CBN Licensing. Isa ito sa mga produktong ginawa base sa tanyag na superhero mula sa yumaong ama ng Philippine komiks, si Mars Ravelo.

Maliban sa inaabangang Pinay superhero, bibigyang buhay rin ng ABS-CBN ang iba pang mga karakter sa Philippine komiks na sina Captain Barbell at Lastikman sa pamamagitan ng partnership nito sa iba’t ibang kumpanya bilang bahagi ng kamakailan ay inilunsad na Ravelo Komiks Superheroes brand.

Mabibili na ang “Darna at ang Nawawalang Bato” sa halagang P150 sa ABS-CBN Store, Fully Booked, Hobbes and Landes, selected National Book Store outlets, at iba pang gaming at hobby specialty stores.

Photo credit: Balangay Entertainment

Comments are closed.