ABS-CBN launches new “Red Alert” with Jeff Canoy

Jeff’s storytelling expertise will be showcased on the new Red Alert, which will have a docu-reality format.

ABS-CBN journalist Jeff Canoy – known for his fearless coverage of disasters and armed conflicts – has joined the ABS-CBN current affairs program “Red Alert” and will be seen on the program starting Wednesday (September 27) after “Bandila.”

“Red Alert,”  which has been at the forefront of promoting emergency-preparedness and safety to Filipinos in the past three years, will also shift to a new docu-reality format, fitting perfectly with Jeff’s expertise on storytelling.

A TV reporter for already a decade, Jeff has been showcasing his versatility as a journalist recently with a powerful piece on the plight of Marawi survivors on ABS-CBN News Online and the “Di Ka Pasisiil” documentary he did with fellow journalist Chiara Zambrano.

Both works garnered positive reviews for Jeff from his peers and netizens, and now he will get to tell even more stories of courage and inspiration of Filipinos on a weekly basis on “Red Alert.”

For his first assignment, Jeff will tackle the dangers brought about by typhoons, more importantly flashfloods. This September, two typhoons have already taken five lives, while seven remain missing due to floods and landslides. Jeff will get to speak with a survivor of Typhoons Maring and Lannie, who will recount his struggle as he tried to put his four kids to safety; however, they were still carried away by the strong current of the flashflood.

Using actual footage, and images and videos gathered from netizens, the program will provide viewers a raw, realistic, and immersive view of what really happened, giving them an idea of what they have to deal with if they were in his situation.

After walking through the experience of the survivor, Jeff will also provide tips from the experts on what can be done to survive in the event of floods and landslides, complete with demonstration and simulation.

Jeff recently expressed excitement on this new development in his career, especially as he gets to do his part in inculcating a culture of safety and preparedness in our country.

“There are many typhoons, earthquakes and other disasters happening in our country nowadays. We’re in a unique position in that we can directly help people learn more about how they can protect themselves. This is an incredible opportunity for me to serve Filipinos,” he said.

With a penchant for long-form storytelling, Jeff added that people can expect a complete viewing experience in “Red Alert,” where they will mix informative content with heartfelt stories that viewers won’t easily forget.

“We’re hoping to bring in more people stories too of rescue, tragedy, heroism and survival into the DNA of the show. People often tell me during my disaster coverage that they never thought tragedy wil happen to them. But the reality is, it can happen to anyone. I’m hoping that through people stories, the audience can relate more to what they can do to prepare. They can see themselves in those situations,” he said.

Apart from the program, “Red Alert” also conducts emergency-preparedness seminars in schools and communities. It also takes part in the “TV Patrol Caravan” that is going to different areas in the country to deliver public service in celebration of the newscast’s 30th anniversary.

Catch Jeff Canoy and the intensified “Red Alert” on ABS-CBN and ABS-CBN HD on Wednesday (September 27) after “Bandila.” Watch online via iwantv.com.ph or skyondemand.com.ph. For updates, follow the program on Facebook at www.facebook.com/RedAlertABSCBN or on Twitter: @ABSCBNRedAlert.

 

MAS PINALAKAS NA “RED ALERT” KASAMA SI JEFF CANOY, ILULUNSAD SA ABS-CBN

Ipapakilala ngayong Miyerkules (Setyembre 27) sa mas pinalakas na “Red Alert” sa ABS-CBN ang bagong ka-team sa kaligtasan na si Jeff Canoy, na kilala sa kanyang matapang na pagbabalita sa mga sakuna, trahedya, at giyera. Si Jeff ang aasahan ng sambayanan para sa impormasyon kung paano maililigtas ang pamilya at sarili sa panahon ng kagipitan sa pamamagitan ng programa.

Sa ika-tatlong taon ng “Red Alert,” tampok ang mas pinagandang pagkukuwento, kung saan magagamit ang galing ni Jeff sa pagbabalita at paggawa ng dokumentaryo. Isang dekada na ring nahasa si Jeff sa bilang TV reporter, pero mas lalo pang nabigyang pansin ang kakayahan niya sa pagkukuwento sa kanyang ginawang artikulo at dokumentaryo tungkol sa kaguluhan sa Marawi.

Sa “Red Alert,” mas marami pang pagkakataon si Jeff na ilahad ang mga storya ng katapangan at inspirasyon ng mga ordinaryong Pilipino sa bago nitong docu-reality format. Sa kanyang unang sabak, tatalakayin ni Jeff ang mga kapahamakan na dulot ng bagyo partikular ang matinding pagbabaha.

Ngayong Setyembre, dalawang bagyo na ang nanalasa sa bansa at kumitil ng buhay dahil sa baha at pag-guho ng lupa. Makakausap ni Jeff ang isa sa nasalanta ng bagyong Maring at Lannie, na ibabahagi kung paano niya sinubukang isalba ang mga anak sa rumaragasang baha.

Gamit ang mga kuha sa mismong bagyo at mga ambag na larawan at video ng mga netizen, makapagbibigay ang programa ng mas makatotohanang pagsasalarawan sa mga pangyayari upang mas maintindihan ito ng manonood. Susundan naman ito ni Jeff ng mga paalala mula sa mga eksperto na may kasamang demonstrasyon at simulasyon kung paano makakaalpas sa delubyo.

Nagpahayag naman ng pananabik sa kanyang bagong misyon  si Jeff, lalo na at magkakaroon sya ng pagkakataon upang siguraduhing bawat tahanan ay handa sa sakuna at trahedya.

“Ang daming bagyo, lindol, at iba pang sakuna na nangyayari sa ating bansa. Nasa posisyon tayo upang direktang matulungan ang mga tao kung paano maililigtas ang kanilang mga sarili. Sa pamamagitan ng programa, makakapasok tayo sa sala ng bawat Pilipinong manonood. Tapos kukuwentuhan sila na ito ‘yung pwede nating gawin kapag nangyari ulit ang sakuna. Pambihirang oportunidad ‘yun,” ani Jeff.

Dagdag pa niya, bukod sa impormasyon ay magbabahagi rin sila ng mga kuwentong may puso at tatatak sa Pilipino.

“Gusto naming magpasok pa ng mas maraming kwento ng pagliligtas, trahedya, at kabayanihan sa programa. Madalas sinasabi sa mga coverage ko sa disaster na ni minsan, ‘di nila inakala mangyayari sa kanila ‘yun. Pero ang realidad ay walang pinipili ang sakuna. Sana sa ganitong mga kuwento mas malaman nila kung ano magagawa nila, na makita nila ang sarili nila sa mga sitwasyong aming ipapakita,” dagdag pa niya.

Samantala, magpapatuloy din ang pagsasagawa ng emergency-preparedness seminars ng “Red Alert” sa mga eskwelahan at komunidad. Katunayan, kasama ang programa sa pag-ikot ng “TV Patrol Caravan” sa bansa upang maghatid ng public service bilang bahagi ng selebrasyon ng ika-30 anibersaryo ng newscast.

Abangan si Jeff Canoy at ang pinalakas na pwersa ng “Red Alert” sa ABS-CBN at ABS-CBN HD sa Miyerkules (Setyembre 27) pagkatapos ng “Bandila”. Manood online sa iwantv.com.ph or skyondemand.com.ph. Para sa updates, sundan ang programa sa www.facebook.com/RedAlertABSCBN o sa Twitter: @ABSCBNRedAlert.

 

Comments are closed.