ABS-CBN LAUNCHES “RAVELO KOMIKS SUPERHEROES” BRAND

Lastikman, Captain Barbell and Darna collectibles unveiled

As Darna fever starts to roll in, ABS-CBN brings well-loved Pinoy superhero characters back to life with the rollout of its latest and biggest offering to date, the “Ravelo Komiks Superheroes” brand inspired by the creations of the famed komiks writer, the late Mars Ravelo.

This exciting development marks the Kapamilya network’s release of licensed merchandise including shirts, tumblers, and other novelty items, bearing illustrations of favorite “Ravelo Komiks Superheroes” Darna, Lastikman and Captain Barbell. Also among the new products is “Darna at Ang Nawawalang Bato”, a much-awaited card game which will be officially out in stores next month.

The brand launch is also celebrated with the creation of collectible character statues of Captain Barbell, Lastikman, Darna and her supervillain counterpart, Valentina, designed and produced by Halimaw Sculptures.

Aside from said famous characters, succeeding product rollouts will be inspired by other Ravelo Komiks heroes such as Varga, Tiny Tony, Kapitan Boom, and many more.

ABS-CBN held the launch of its latest offering at the recently held Philippine Toys, Hobbies and Collectibles Convention (ToyCon) 2017 in SMX. The Kapamilya booth gave visitors a chance to try out the Darna card game, shop for “Ravelo Komiks Superheroes” merchandise, see some Mars Ravelo memorabilia and get a preview of the collectible Pinoy superhero statues.

This generation’s Darna, Liza Soberano, joined the launch and encouraged the attendees to support the legacy of the homegrown comics.

The “Ravelo Komiks Superheroes” statues are now available for pre-order via the Facebook Page of Halimaw Sculptures, while shirts and novelties are now available at The ABS-CBN Store. For more information on ABS-CBN merchandise, visit www.abs-cbnstore.com.

-30-

Lastikman, Captain Barbell at Darna collectibles, mabibili na

“RAVELO KOMIKS SUPERHEROES,” INILUNSAD NG ABS-CBN

 

Sa pagkalat ng ‘Darna fever’ sa bansa, ibinabalik ng ABS-CBN ang mga minahal na Pinoy superhero sa paglulunsad ng pinakabago at pinakamalaking merchandise offering nito, ang “Ravelo Komiks Superheroes” brand mula sa inspirasyon ng mga nilikha ng tanyag na manunulat sa komiks, ang namayapang si Mars Ravelo.

Magsisimula nang ilabas ng Kapamilya network ang mga licensed merchandise tulad ng mga shirts, tumblers, at iba pang novelty items na may ilustrasyon ng “Ravelo Komiks Superheroes” na sina Captain Barbell, Lastikman at Darna. Isa rin sa tiyak na aabangan ang “Darna at Ang Nawawalang Bato” card game na opisyal nang ilalabas sa susunod na buwan.

Kasabay din ng paglulunsad ng “Ravelo Komiks Superheroes” brand ang pagbuo sa mga collectible character statues nina Captain Barbell, Lastikman, Darna at ang kanyang kalaban na si Valentina na dinisenyo at prinodyus ng Halimaw Sculptures.

Bukod sa mga nasabing kilalang karakter, ang mga susunod na produktong ilalabas ay maglalarawan din ng iba pang Ravelo Komiks heroes tulad nina Varga, Tiny Tony, Kapitan Boom, at iba pa.

Sa ginanap na Philippine Toys, Hobbies and Collectibles Convention (Toycon) 2017 kamakailan sa SMX opisyal na inilunsad ng ABS-CBN ang pinakabagong handog nito. Nagkaroon ng pagkakataon ang mga bumisita sa Kapamilya booth na subukan ang Darna card game, makabili ng “Ravelo Komiks Superheroes” merchandise, makita ang ilan sa mga Mars Ravelo memorabilia, at masilip ang collectible Pinoy superhero statues.

Ang bagong Darna ng kasalukuyang henerasyon na si Liza Soberano ay nagbigay saya sa nasabing launch at nagbigay suporta sa legacy ng Pinoy komiks.

Maaari nang mag-order ng mga “Ravelo Komiks Superheroes” statues gamit ang Facebook Page ng Halimaw Sculptures, samantalang ang mga damit at novelty items ay maaari nang mabili sa ABS-CBN Store. Para sa kadaragdagang impormasyon tungkol sa ABS-CBN merchandise, bumisita sa http://store.abs-cbn.com.

-30-

Comments are closed.