ABS-CBN LINGKOD KAPAMILYA’S THE ‘DIRTY WATERCOLOR’ EXHIBIT WINS TWO TAMBULI AWARDS

 

“The Dirty Watercolor” project, ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation’s painting exhibit which drew international media attention for using Manila’s dirty water samples as medium, won a Silver award and a Bronze award at the 2017 Asia-Pacific Tambuli Awards.

The exhibit, held in Rockwell last May 2016 and curated by Cid Reyes, was recognized under the Care for the Environment (Bronze awardee) and Public Relations (Silver awardee) categories as it sought to help rehabilitate Manila’s polluted estuaries and rivers through art.

Its three-day run managed to raise over P1.3 million for the Foundation.

To successfully achieve the concept from its agency TBWA\Santiago Mangada Puno, ABS-CBN Lingkod Kapamilya brought together the country’s top local artists who used water samples from Tullahan River, Cainta Creek, Marikina River, Taguig Estuary, and Binondo Canal to make paintings that depicted everyday life along Metro Manila’s riverbanks.

Some of the paintings featured in the Dirty Watercolor art exhibit showed children swimming in polluted waters and families living under bridges near the river banks.

“Kapit Bisig Para sa Ilog Pasig” was the prime beneficiary of ABS-CBN Lingkod Kapamilya’s Dirty Watercolor exhibit.

The Asia-Pacific Tambuli Awards is organized by the University of Asia and the Pacific (UA&P) to recognize excellent integrated marketing communications campaigns that pursue and promote social good.

-30-

‘DIRTY WATERCOLOR’ EXHIBIT NG ABS-CBN LINGKOD KAPAMILYA, NAGWAGI NG DALAWANG TAMBULI AWARDS

 

Nakasungkit ng Silver award at Bronze award ang “The Dirty Watercolor” project ng ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation na isang painting exhibit noong nakaraang taon na umani ng atensyon mula sa international media dahil sa paggamit nito ng water sample mula sa maruming mga tubig ng Manila para sa pagguhit ng mga painting sa 2017 Asia-Pacific Tambuli Awards.

Kinilala sa kategoryang Care for the Environment (Bronze awardee) at Public Relations (Silver awardee) ang “The Dirty Watercolor” exhibit na ginawa noong Mayo 2016 sa Rockwell para makamit ang layuning malinis ang maruming mga estero at ilog sa Manila sa pamamagitan ng sining.

Dahil sa exhibit na pinangunahan ng curator na si Cid Reyes, nakalikom ng mahigit sa P1.3 million ang ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation.

Kasama ang ahensiyang TBWA\Santiago Mangada Puno na nasa likod ng konsepto ng exhibit, tinipon ng ABS-CBN Lingkod Kapamilya ang ilan sa mga pinakamagagaling na local artists sa bansa para magpinta ng mga larawan na sumasalamin sa araw-araw na buhay sa riverbanks sa Metro Manila.

Gamit ang water samples mula sa Tullahan River, Cainta Creek, Marikina River, Taguig Estuary, at Binondo Canal, ilan sa mga ipininta ng artists ang larawang mga batang naliligo sa ilog at mga pamilyang nakatira sa ilalim ng mga tulay.

“Kapit Bisig Para sa Ilog Pasig” ang prime beneficiary ng Dirty Watercolor exhibit ng ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation.

Layunin ng Asia-Pacific Tambuli Awards ng University of Asia and the Pacific (UA&P) na kilalanin ang integrated marketing communications campaigns na nagtataguyod ng magandang hangarin para sa lipunan.

Comments are closed.