ABS-CBN NEWS, ALL SET FOR IMMERSIVE MULTIPLATFORM COVERAGE OF PRESIDENT RODRIGO DUTERTE’S SONA 2017

 

 

Wherever they may be, Filipinos can watch, listen, and take part in the second State of the Nation Address (SONA) of Philippine president Rodrigo Duterte on Monday (July 24) through ABS-CBN News’ extensive and immersive special news coverage dubbed “Pangakong Pagbabago: SONA 2017.”

Apart from the usual live reports, updates, and interviews over ABS-CBN’s radio, TV, cable, and digital platforms, the country’s largest news organization is adding a few layers to its coverage to give Filipinos a fuller experience of the President’s report on his administration’s achievements and plans for the nation.

Online, there will be a special SONA 2017 microsite on ABS-CBN News Online (news.abs-cbn.com/sona2017) that will not just house all special reports and stories related to the SONA but also offer livestreaming of the SONA coverage on ABS-CBN, ANC and DZMM, giving netizens the freedom to choose which one to watch.

Moreover, it will introduce the Digital TV concept, where netizens can view a special programming of live reports from ABS-CBN journalists, who will be using their mobile phones to gather and send their stories. A collaboration of ABS-CBN News’ broadcast and digital teams, the Digital TV promises to take viewers right in the middle of action, whether it be in a protest rally, inside the Batasang Pambansa complex, or from another point in the nation.

On cable, ANC will also be giving a louder voice to the people through a townhall forum as part of its “State of the Nation: Pangakong Pagbabago” special coverage. Moderated by Karmina Constantino and Tony Velasquez, the forum gives representatives from different sectors in society the chance to speak about their expectations on the government as well as give their reactions to the President’s report.

On radio, DZMM Radyo Patrol 630’s coverage will begin at 1pm with Karen Davila and Johnson Manabat, and will continue with David Oro and Ricky Rosales at 3pm and Gerry Baja and Anthony Taberna at 5pm. The coverage, which will include real-time reports from Radyo Patrol reporters deployed in key areas, will be simulcast on DZMM TeleRadyo on cable and ABS-CBN TVplus. There will also be guest analysts who will explain the issues related to the SONA.

Davila will also anchor the ABS-CBN coverage at 3:30pm after “It’s Showtime.” It will air the full SONA live, with reports on expectations and protests before the address; and reactions and analysis after the speech.

Combining the most comprehensive news coverage with an innovation, and a forum that highlights the voices of different Filipinos, ABS-CBN News hopes to inform and engage the public in one of the most significant days for the entire nation in 2017.

Take part in this year’s SONA through ABS-CBN News’ “Pangakong Pagbabago” special news coverage on radio via DZMM Radyo Patrol 630, on TV via ABS-CBN ch.2 and S+A, on cable via ANC, on digital TV via DZMM TeleRadyo, and online via iWant TV and news.abs-cbn.com/sona2017. For updates, follow @ABSCBNNews, @ANCalerts, and @DZMMTeleRadyo on social media and use the hashtag#SONA2017.

-30-

 

Live reports, townhall forum, at digital TV nakakasa na para sa mga manonood

BUONG PUWERSA NG ABS-CBN NEWS, HANDA NA PARA SA SONA NI PANGULONG RODRIGO DUTERTE

 

Saan man sa bansa o sa mundo, makakapanood, makakapakinig, at makakasama ang mga Pilipino sa pagtutok sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Lunes (Hulyo 24), sa mas pinalawak at pinalakas pang pagbabalita ng ABS-CBN News sa telebisyon, radyo, cable TV, digital TV, at internet para sa “Pangakong Pagbabago: SONA 2017” special coverage.

Maliban sa mga karaniwang live na pagbabalita sa radyo, TV, cable, at sa mga digital platform ng pinakamalaking news organization sa bansa, tampok ngayong taon ang ilang bagong handog ng ABS-CBN News upang mas lalo pang maabot at mabigyang boses ang mga Pilipino sa araw kung saan ihahayag ng Pangulo ang mga tagumpay ng kanyang administrasyon at kanyang mga plano para sa bayan.

Ilulunsad sa ABS-CBN News Online ang SONA 2017 microsite (news.abs-cbn.com/sona2017) na maglalaman ng mga storya tungkol sa SONA, pati na live streamingng ABS-CBN, ANC, at DZMM na nagbibigay kalayaan sa mga Pilipino na pumili ng coverage na nais niyang panoorin.

Dito rin unang masusubukan ang konseptong Digital TV kung saan ipapalabas ang mga balitang nakalap at pinadala ng mga mamamahayag ng ABS-CBN News gamit ang kanilang mobile phones. Sa pamamagitan ng Digital TV, mistulang naroon mismo ang manonood sa pinangyayarihan ng balita, sa gitna man ito ng rally, sa loob ng Batasang Pambansa complex, o saan mang sulok sa bansa.

Sa cable naman, bibigyan naman ng ANC ng mas malakas na boses ang bawat sektor sa lipunan sa tulong ng townhall forum na parte ng kanilang “State of the Nation: Pangakong Pagbabago” special coverage. Kasama sina Karmina Constantino at Tony Velasquez, mapapakinggan dito ang mga inaasahan ng mamamayang Pilipino sa gobyerno at ang kanilang reaksyon sa SONA ng Pangulong Duterte.

Sa radyo naman, magsisimula ng 1pm ang pagtutok ng DZMM Radyo Patrol 630 sa SONA kasama si Karen Davila at Johnson Manabat, at magpapatuloy kasama sina David Oro at Ricky Rosales ng 3pm. Samantalang sina Gerry Baja at Anthony Taberna naman ay nakatoka ng 5pm. Aasahan ang agarang pagbalita ng mga Radyo Patrol reporters na nakapwesto sa mahahalagang lugar sa bansa, at ang paghihimay sa mga isyu ng mga panayam na eksperto. Mapapanood din ang DZMM coverage sa DZMM TeleRadyo sa cable at sa ABS-CBN TVplus.

Pangungunahan naman ni Davila ang coverage sa ABS-CBN ng 3:30pm pagkatapos ng “It’s Showtime.” Ipapalabas dito ang mga balita mula sa loob at labas ng Batasan Pambansa, ang kabuuan ng SONA, at ang diskusyon ukol sa mga tinalakay ng Pangulo pagkatapos ng kanyang talumpati.

Sa pagsasagawa ng isang coverage na malawak, may bagong inobasyon, at nagbibigay ng halaga sa boses ng mamamayang Pilipino, layunin ng ABS-CBN News na mahikayat ang publiko na makialam at makisama sa isa sa mga importanteng araw para sa buong bansa ngayong 2017.

Makibahagi sa SONA ngayong taon sa “Pangakong Pagbabago: SONA 2017” special news coverage ng ABS-CBN News sa radyo sa DZMM Radyo Patrol 630, sa TV sa ABS-CBN ch.2 at S+A, at sa cable sa ANC, sa digital TV sa DZMM TeleRadyo, at online sa iWant TV at news.abs-cbn.com/sona2017.  Para sa mga update, sundan ang @ABSCBNNews, @ANCalerts, at @DZMMTeleRadyo sa social media at gamitin ang hashtag na #SONA2017.

-30-

Comments are closed.