ABS-CBN pays tribute to Filipino soldiers’ heroism in “Saludo sa Sundalong Pilipino”  

ABS-CBN celebrated the bravery and heroism of Filipino soldiers last August 3 with a variety show called “Saludo sa Sundalong Pilipino” at the Armed Forces of the Philippines (AFP) Medical Center Auditorium.

The Kapamilya network, with the help of the AFP, granted the request of the soldiers to see and meet the stars of top primetime series “FPJ’s Ang Probinsyano,” as they recover from fighting for the country in Marawi and other areas in conflict.

“The Voice” Season 2 finalist Daryl Ong opened the jam-packed show, attended by over 150 soldiers, followed by group performances by the TV program’s “CIDG” boys John Medina, Lester Llansang, Michael Roy Jornales, Benj Manalo, and Marc Solis; child stars Awra, Ligaya, and Pacquito; and loveteams Ejay Falcon and Yam Concepcion and Ron Morales and Louise Delos Reyes.

Comedian Jeffrey Tam also brought laughter to the audience when he taught a soldier a magic trick, while Jhong Hilario got the ladies in the audience screaming with his special dance number.

Yassi Pressman and Coco Martin also got to serenade the troops, while Susan Roces, Jaime Fabregas, Mitch Valdez, Angel Aquino, Sid Lucero, and Mark Lapid also gave their messages of gratitude to the nation’s heroes.

The event, which was also graced by ABS-CBN executives Carlo Katigbak, Cory Vidanes, Laurenti Dyogi, Deo Endrinal, Jun Dungo, and Kane Errol Choa, was the idea of ABS-CBN news reporter Chiara Zambrano, who was assigned to cover the war in Marawi and saw firsthand the sacrifices of our military.

Apart from bringing the cast of the number one show in the country, ABS-CBN also donated a TV set and ABS-CBN TVplus unit to the hospital so patients can continue to enjoy the shows they love while they get better.

ABS-CBN Lingkod Kapamilya also prepared grocery packages and personal care kits for soldiers, which the stars personally handed to the them after the program.

Dungo, who heads ABS-CBN’s Integrated Public Service, expressed ABS-CBN’s support for them as they continue to fight to bring peace to the country.

“The whole ABS-CBN is with you in your fight to have a peaceful country and a safe society for today’s generation and the future generations. We salute the bravery, dedication, and heroism of our Filipino soldiers,” he said.

The show’s star, Primetime King Coco Martin, also thanked the network for the chance to serve the country’s heroes.

“We thank ABS-CBN for making it possible for us to help and make our love felt to all Filipinos, including our soldiers. We owe our lives to all of you because you are the ones who defend our country. We love you and we hope that through this simple way we were able to make you happy,” he shared.

Maj. Marissa Narag of the AFP Medical Center also thanked the network and the program, which is also celebrating its 100th week on air that day, for spending their time with the soldiers.

“Thank you especially to the performers for showing your talent and finesse to help alleviate stress in our minds even just for today,” she shared.

Watch ABS-CBN’s “Saludo sa Sundalong Pilipino” program featuring the cast of “FPJ’s Ang Probinsyano” online on www.facebook/abscbnNews/.

 

-30-

 

ABS-CBN, NAGBIGAY-PUGAY SA KAGITINGAN AT KABAYANIHAN NG SUNDALONG PILIPINO

 

Ipinadama ng ABS-CBN ang pagmamahal at pagkilala nito sa mga sundalong Pilipino sa programang “Saludo sa Sundalong Pilipino” na ginanap noong Agosto 3 sa auditorium ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Medical Center.

Katuwang ang AFP, itinupad ng Kapamilya network ang hiling ng mga sundalo na makita at makasalamuha ang cast ng “FPJ’s Ang Probinsyano,”  habang nagpapagaling sila mula sa pakikipaglaban sa Marawi at sa iba pang bahagi ng Pilipinas.

Mahigit sa 150 na sundalo ang dumalo sa variety show kung saan unang nagtanghal ang “The Voice” Season 2 finalist na si Daryl Ong, kasunod ang “CIDG” boys na sina John Medina, Lester Llansang, Michael Roy Jornales, Benj Manalo, at Marc Solis. Naroon din ang child stars na sina Awra, Ligaya, at Pacquito at ang loveteams nina Ejay Falcon at Yam Concepcion at Ron Morales at Louise Delos Reyes.

Pinatawa naman ng komedyanteng si Jeffrey Tam ang mga sundalo sa kanyang magic tricks, habang nagpakilig naman sa mga kababaihang naroon si Jhong Hilario sa kanyang dance number. Nag-alay din ng awitin at sayaw sina Yassi Pressman at ang bida ng programang si Coco Martin, habang nagbigay-pugay rin sa katapangan at kagitingan ng sundalong Pilipino sina Susan Roces, Jaime Fabregas, Mitch Valdez, Angel Aquino, Sid Lucero, at Mark Lapid. Sina Malou Crisologo, PJ Endrinal, Marvin Yap, at Long Mejia naman ang nagsilibing hosts ng programa.

Nakisaya rin ang ABS-CBN executives na sina Carlo Katigbak, Cory Vidanes, Laurenti Dyogi, Deo Endrinal, Jun Dungo at Kane Errol Choa sa programa, na ideya ng ABS-CBN news reporter na si Chiara Zambrano. Personal na nasaksihan ni Chiara ang mga sakripisyo at paghihirap ng militar noong nasa Marawi siya upang mangalap ng balita ukol sa bakbakan.

Para naman magpatuloy ang pagdadala ng aliw ng ABS-CBN sa mga sundalo, isang TV set at isang ABS-CBN TVplus ang ibinigay ng network sa ospital na ipiniresinta kay Jean Ano, ang maybahay ng AFP chief of staff na si Eduardo Ano. Nag-handa rin ng grocery packages at personal care kits para sa mga sundalo ang ABS-CBN Lingkod Kapamilya na ibinahagi mismo ng buong cast ng “FPJ’s Ang Probinsyano” pagkatapos ng programa.

Ipinaalala ni ABS-CBN Integrated Public Service head Jun Dungo sa mga sundalo ang suporta ng buong ABS-CBN sa kanilang laban.

“Katuwang nyo po kami, ang buong ABS-CBN sa adhikain na magkaroon ng mapayapang Pilipinas at magkaroon ng ligtas na lipunan ang kasulukuyang henerasyon at susunod na henerasyon. Saludo ang ABS-CBN at lahat ng Pilipino sa kagitingan, sa dedikasyon, at kabayanihan ng lahat ng Pilipinong kawal. Saludo kami sa inyo, sundalong Pilipino,” aniya.

Dagdag ni Coco, “Salamat sa ABS-CBN. Sila po ang aming nakakasama sa mga ganitong pagkakataon upang makapagbigay ng tulong at maiparamdam ang pagmamahal sa lahat ng Pilipino at sa mga sundalo katulad nyo. Utang na loob namin ang buhay namin sa inyo dahil kayo ang tagapagtanggol ng ating bansa. Sana sa simpleng paraan na ito ay napaligaya namin kayo.”

Pinasalamatan din ni Maj. Marissa Narag ng AFP Medical Center ang network at ang programa, na nagdiriwang din ng 100th na linggo nito sa ere noong araw na iyon.

“Maraming salamat sa pagbigay ng panahon sa ating mga sundalo at pag-alay ng talento na nakakatulong para mabawasan kahit saglit ang aming mga inaalala kahit sa isang araw lang,” aniya.

Panoorin ang programang “Saludo sa Sundalong Pilipino” na handog ng ABS-CBN tampok ang buong cast ng “FPJ’s Ang Probinsyano” online sa www.facebook/abscbnNews/.

 

 

Comments are closed.