ABS-CBN S+A is the official broadcaster of the Maharlika Pilipinas Basketball League

Undiscovered Filipino basketball talents and former collegiate and professional players will get their chance to shine on national TV as Senator Manny Pacquiao’s Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) will now be shown on ABS-CBN S+A.

ABS-CBN Sports head Dino Laurena, ALV Events International chairman Arnold Vegafria, and MPBL commissioner Kenneth Duremdes announced this yesterday (January 10) as they sealed their broadcast and media partnership for the league, which will open its inaugural season this January 25 at the SMART Araneta Coliseum. The entire country can catch the opening ceremony and games live on S+A and S+A HD, which will be regularly airing MPBL games every Tuesday, Thursday, and Saturday from 7 pm to 11 pm.

Vegafria, the business manager of Manny Pacquiao and overall head of MPBL says, “Through Senator Manny Pacquiao’s vision, we have a basketball league that truly reaches the grassroots level. Finally, Filipinos from all walks of life who have the talent and passion for the game will be able to show their mettle in the hardcourt. We are thankful for I hope advertisers and basketball fans will support this. This is another platform where Pinoys can find their potential basketball heroes.”

Laurena expressed his excitement with the entry of the MPBL S+A, which aims to give grassroots athletes and undrafted or untapped basketball players a venue to showcase their skills and continue to pursue their basketball dreams. “It was very natural for us to get together because of our shared vision for Philippines sports and our desire to support Filipino athletes in the grassroots level. Serendipitously, we are celebrating the anniversary of the MBA (Metropolitan Basketball Association) this year, which had the same concept and objective,” he said.

Similar to the MBA, the MPBL features teams that represent a province, city, or municipality in the country and has a home and away format that will give the teams a chance to play in their home court in front of their fans. Currently, the league has 10 teams from Metro Manila and Luzon, and will eventually expand to include teams from Visayas and Mindanao.

Commissioner Duremdes also said that each team is required to have at least three players that are truly homegrown to the area.

“The advantage of this is really the pride of the players playing for their respective provinces and cities. We also believe that it will be more exciting because of the support of the fans for their teams. In the preseason, we can really see that they are excited as they also want to see their home players succeed,” he said.

MPBL team coordinator Emmerson Oreta, a former professional player like Duremdes, added that their long-term goal is to have all teams featuring all homegrown players, like their preseason champion, the Bulacan Kuyas.

Helping Duremdes and Oreta in running the league is another former professional and national team player Zaldy Realubit, who heads the operations, and assistant commissioner Satar Macantal, Pacquiao’s childhood friend who played for Pacquiao’s local team and helped him organize basketball leagues in their hometown of General Santos City.

Vegafria emphasized that the MPBL would not be possible without the vision and passion of Pacquiao, who also briefly played pro basketball in the country.

“This is a novel project of Sen. Manny Pacquiao to give chance to athletes that have the capacity but never had the chance to play in the other leagues,” he said.

To further encourage fans to watch the opening at the Araneta Coliseum, Vegafria said they will be giving away one car and ten motorbikes on January 25.

Don’t miss the premiere of the Maharlika Pilipinas Basketball League on January 25 live from the SMART Araneta Colisuem on S+A and S+A HD. Catch the games every Tuesday, Thursday, and Saturday from 7 pm to 11 pm. Watch online via iwantv.com.ph or skyondemand.com.ph. For news and updates, visit sports.abs-cbn.com or follow @abscbnsports on Facebook and Twitter.

 

ABS-CBN S+A ,TAHANAN NG MAHARLIKA PILIPINAS BASKETBALL LEAGUE

Magkakaroon na ng pagkakataong magpakitang-gilas ang mga hindi pa nadiskubreng basketbolista at mga dating varsity o propesyunal na manlalaro sa national TV sa pagsisimula ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) ni Senator Manny Pacquiao sa ABS-CBN S+A.

Inanunsyo nina ABS-CBN Sports head Dino Laurena, ALV Events International chairman Arnold Vegafria, at MPBL commissioner Kenneth Duremdes kahapon (Enero 10) ang pagbubukas ng liga sa darating na Enero 25 sa SMART Araneta Coliseum, na mapapanood ng buong bansa ng LIVE sa S+A at S+A HD.

Tuwing Martes, Huwebes, at Sabado mula 7 pm hanggang 11 pm ipapalabas ang mga laro sa MPBL, na nagbibigay ng tsansa sa mga atleta sa grassroots at mga hindi makalaro sa malalaking liga na patuloy na habulin ang kanilang pangarap sa basketball.

Ani Vegafria, ang business manager ni Pacquiao at nagsisilbing overall head ng MPBL, sa pamamagitan ng senador ay mayroon nang ligang tunay na aabot sa mga Pilipino. “Ngayon ano man ang antas sa buhay, basta may talento at pagmamahal sa basketball, pwede nang ipakita ang galing sa court. Nagpapasalamat kami at sana suportahan ito ng ng advertisers at fans ng basketball. Isa itong bagong lugar para makahanap ng mga maaaring tingalain pagdating sa basketball.”

Nagpahayag ng kagalakan si Laurena sa pagpasok ng MPBL sa S+A, aniya “Natural lamang sa amin na magsama-sama dahil sa pareho naming kagustuhan na maiangat ang ating mga atleta at ang sports ng bansa. Tamang-tama rin ito dahil ngayon taon, ika-20 na taon na sana ng MBA (Metropolitan Basketball Association), na pareho rin ang konsepto at layunin sa MPBL,” sabi niya.

Tulad ng sa MBA, ang mga koponan sa MPBL ay nagrerepresenta ng mga lungsod, probinsya, o munisipalidad sa bansa at may “home-and-away” na format kung saan makakapaglaro sila sa harap ng kanilang mga kababayan. Sa kasalukuyan, may sampung koponan na ang MPBL mula sa Metro Manila at Luzon, at nagbabalak pa silang magdagdag ng mga galing Visayas at Mindanao.

Sabi ni Commissioner Duremdes, kailangan ang bawat team ay may hindi bababa sa tatlong player na tubo talaga sa kanilang lugar.

“Ang bentahe rito eh ‘yung pride na maglaro ka para sa probinsiya o siyudad mo. Naniniwala kami na mas magiging exciting ito sa suporta ng fans sa kanilang mga koponan. Sa preseason pa lang, kitang-kita na ang kanilang tuwa at kagustuhan na magtagumpay ang mga kababayan nila,” sabi niya.

Idinagdag pa ni MPBL team coordinator Emmerson Oreta, isang dating propesyonal na manlalaro tulad ni Duremdes, layunin nilang sa hinaharap ay puro “homegrown” ang maglalaro sa mga koponan, tulad ng mga kampeon noong preseason na Bulacan Kuyas.

Katulong nina Duremdes at Oreta sa pagpapapatakbo ng liga ang head of operations na si Zaldy Realubit, na dati ring propesyunal at naglaro sa national team, at ang assistant commissioner na si Satar Macantal, isang kababata ni Pacquiao na kasama ng senador sa pag-organisa ng mga liga sa General Santos City.

Ayon kay Vegafria, hindi magiging posible ang MPBL kung hindi dahil sa pagmamahal sa basketball ni Pacquiao, na minsan nang naglaro bilang propesyunal sa bansa.

“Proyekto ito ni Sen. Manny Pacquiao para bigyan ng tsansa ang mga atleta na makapaglaro lalo na ‘yung mga hindi nabigyan ng pagkakataon sa ibang liga,” sabi niya.

At para mas maenganyo ang sambayanan, mamimigay ang liga ng isang  kotse at sampung motorsiklo sa Enero 25 sa Araneta Coliseum ayon kay Vegafria.

Huwag palampasin ang pagbubukas ng Maharlika Pilipinas Basketball League sa Enero 25 ng LIVE mula sa SMART Araneta Coliseum sa S+A at S+A HD. Mapapanood ang mga laro ng liga tuwing Martes, Huwebes, at Sabado mula 7 pm hanggang 11 pm. Maaari din itong mapanood online sa iwantv.com.ph o skyondemand.com.ph. Para sa karagdagang impormasyon at iba pang mga balita, bumisita lamang sa sports hub ng ABS-CBN na sports.abs-cbn.com at i-follow ang @ABSCBNSports sa Facebook at Twitter.

Comments are closed.