ABS-CBN SCREENS DIGITALLY RESTORED “SANA MAULIT MULI” IN UP CINE ADARNA

Sana Maulit Muli poster (1)

Broadway diva and “The Voice Kids” coach Lea Salonga and 90 matinee idol and award-winning actor Aga Muhlach are set to reunite this Friday (July 10) as they grace the red carpet premiere of the digitally restored and re-mastered “Sana Maulit Muli” at the University of the Philippines Film Institute Cine Adarna as part of ABS-CBN’s ongoing Film Restoration campaign.

The 20-year-old “Sana Maulit Muli,” directed by veteran director Olivia Lamasan, is one of the most romantic movies in the 1990s. This is the second big screen team-up of Aga and Lea, following the success of “Bakit Labis Kitang Mahal” in 1992.

It tells the story of Agnes (Lea) who, after waiting for ten long years, must leave her long-time boyfriend Jerry (Aga) after her mother’s petition to finally join her in America was finally approved. The two try to make it work at first but distance eventually paves the way for them to end their relationship and part ways.

Filled with regret, Jerry quits his job and travels to America to be with Agnes. He, however, discovers a whole new Agnes very different from the woman he used to love. Will Jerry be able to bring back the love that was lost? Or will it be too late for them to rekindle what they used to have?

“Sana Maulit Muli” is among the many films that have been restored by ABS-CBN Film Archives, in collaboration with Central Digital Labs, since it started its restoration project in 2011. Some of these restored films were already screened internationally at film festivals like Venice, screened locally via red carpet premieres and limited commercial runs, aired on free-to-air and cable television, viewed via pay-per-view and video-on-demand, distributed on DVD, and downloadable even on iTunes.

Watch the premiere of the digitally restored and re-mastered “Sana Maulit Muli” this Friday (July 10) at UP Cine Adarna. Tickets cost 150 pesos and will be sold at the venue on the screening day. For more inquiries, call 926-2722 or 926-3640.

To know more about ABS-CBN’s Film Restoration project, like https://www.facebook.com/filmrestorationabscbn on Facebook.

-30- 

Aga Muhlach at Lea Salonga, muling magsasama
ABS-CBN IPAPALABAS ANG HD VERSION NG “SANA MAULIT MULI” SA ISANG ESPESYAL NA SCREENING

Muling magsasama ang Broadway diva at “The Voice Kids” coach na si Lea Salonga at dating ka-loveteam na 90s matinee idol at award-winning actor na si Aga Muhlach ngayong Biyernes (July 10) sa kanilang pagdalo sa red carpet premiere ng digitally restored at re-mastered na “Sana Maulit Muli” sa University of the Philippines Film Institute Cine Adarna bilang bahagi pa rin ng Film Restoration campaign ng ABS-CBN.

Ang 20 taon nang “Sana Maulit Muli,” na idinerehe ng batikang direktor na si Olivia Lamasan, ay isa sa pinakanakakakilig na pelikula noong 1990s. Ito ang ikalawang pagkakataon na nagtambal sina Aga at Lea matapos ang tagumpay ng kanilang unang pelikula na “Bakit Labis Kitang Mahal” noong 1992.

Tampok dito ang kwento ni Agnes (Lea) na matapos maghintay ng sampung taon ay lilipad patungong Amerika matapos maaprubahan ang petisyon ng kanyang ina. Kapalit nga lang nito ay ang pagkakawalay niya sa long-time boyfriend na si Jerry (Aga). Sinubukan nilang ilaban ang kanilang relasyon noong simula ngunit masyadong malayo ang kanilang agwat kaya naman nauwi rin ito sa hiwalayan.

Magdedesisyon si Jerry na iiwan lahat sa Pilipinas at sundan si Agnes sa America. Ngunit sa kanilang muling pagku-krus ng landas ay isang bagong Agnes na ang kanyang makakaharap. Manumbalik pa kaya ang nawalang pagtitinginan? O huli na ang lahat para sa kanilang dalawa?

Isa lamang ang “Sana Maulit Muli” sa mga titulo na matagumpay nang nai-restore ng ABS-CBN simula 2011. Ilan sa mga ito ay naipalamas na sa international film fests, naipalabas sa bansa via red carpet premieres, naere sa free-to-air at cable television, natunghayan sa pay-per-view at video-on-demand, nabili sa DVD at na-download maging sa iTunes.

Panoorin ang digitally restored at re-mastered na “Sana Maulit Muli” ngayong Biyernes (July 10) sa UP Cine Adarna. Nagkakahalagang P150 ang tickets na ibebenta sa mismong venue sa araw ng screening. Para sa karagdagang katanungan, tumawag sa 926-2722 or 926-3640.

Maging updated sa Film Restoration project ng ABS-CBN sa pamamagitan ng pag-like ng https://www.facebook.com/filmrestorationabscbn sa Facebook.

-30-

Comments are closed.