ABS-CBN Sports partners with Tier One for DoTA 2 Finals on S+A

 

The new year already looks bright for the Philippine eSports community as ABS-CBN Sports enters into a partnership with the country’s first eSports and gaming talent agency Tier One to bring the Finals of the “Galaxy Battles: Emerging Worlds” DoTA 2 Major on January 21 on S+A and S+A HD.

Committed to provide Filipino viewers the best in sports entertainment, the sports arm of the Philippines’ leading media and entertainment company is ready for the first full-Tagalog eSports broadcast in the country featuring local Tier One talents and shoutcasters like Nico “Kuyanic” Nazario, Jaz “Heneral Tuna” Comoda, and Bianca “Biancake” Yao, who are regularly seen on WomboXcombo.

The entire Philippine gaming community will bear witness to the biggest gaming event of the year as 16 of the top teams in the world, which includes the Philippines’ own TNC Pro team, determine the champion as S+A and S+A HD broadcast the Finals of the “Galaxy Battles: Emerging Worlds” DoTA 2 Major on free TV on January 21.

ABS-CBN Integrated Sports head Dino Laurena said this partnership is part of the network’s advocacy to support local athletes as well as its continuous efforts to diversify the content on S+A, which remains as the country’s top sports channel on free TV.

“Our advocacy in sports also extends to the fast-growing community of Filipino gamers here, who have already shown that they can compete alongside the best in the world of eSports. We believe they can serve as role models in responsible gaming and show the youth how to raise their game to a competitive level, where dedication and discipline is needed and where it is definitely more than just clicking a mouse or a specific key on the keyboard,” said Laurena.

Tier One chief executive officer Tryke Gutierrez, meanwhile, expressed excitement with this big development, which he considers as a landmark moment in local eSports.

“I truly believe that in order for eSports to be appreciated by a wider audience here in the Philippines, it has to be covered by local eSports talents in the local language. Most sports coverages are done in Tagalog, why not eSports?” I’m just happy to have one of the biggest networks in the country believe in what we’re trying to achieve,” he said.

eSports has been a rising phenomenon all over the world, especially in the last few years. Examples of this are instances such as the League of Legends World Championship drawing in over 30 million viewers and DoTA 2’s The International giving out prize pools of nearly Php 1.2 billion. It has grown to rival traditional sports as a must-watch modern spectacle of skill and competition. Other gaming events that have made their mark in the Philippine gaming world are the likes of the Manila Major and Manila Masters, which experienced tickets sold out for the duration of the tourney.

Don’t miss the heart-pounding action of the various heroes in the virtual world of DoTA 2 as S+A and S+A HD broadcast the Finals of the “Galaxy Battles: Emerging Worlds” DoTA 2 Major. For more information and stories, go online visit ABS-CBN’s sports hub sports.abs-cbn.com, and follow their official social media accounts on Facebook and Twitter (@ABSCBNSports).

 

 

 

ABS-CBN SPORTS AT TIER ONE, IHAHATID ANG DOTA 2 FINALS SA S+A

Isang magandang balita para sa Pinoy eSports community ang hatid ng ABS-CBN Sports at Tier One ngayong bagong taon sa pagpapalabas ng Finals ng nalalapit na “Galaxy Battles: Emerging Worlds” DoTA 2 Major sa S+A at S+A HD ngayong Enero 21.

Sa pagtatambal ng sports arm ng nangungunang media at entertainment na kumpanya sa Pilipinas at pinakaunang eSports at gaming talent agency sa bansa, magaganap na ang unang Tagalog eSports broadcast kung saan mapapanood ang mga kilalang talento ng Tier One tulad na sina Nico “Kuyanic” Nazario, Jaz “Heneral Tuna” Comoda, at Bianca “Biancake” Yao, na napapanood na sa WomboXcombo.

Mapapanood na ng buong komunidad ng gaming sa Pilipinas ang pinakamalaking torneo sa taon sa pagdating ng 16 sa mga pinakamagagaling na koponan ng DoTA 2 sa buong mundo, kabilang ang sariling atin na TNC Pro team, para paglabanan ang titulo ng kampeon sa S+A at S+A HD broadcast ng Finals ng “Galaxy Battles: Emerging Worlds” DoTA 2 Major sa free TV ngayong Enero 21.

Sa pagpapalabas ng eSports sa S+A, ipinapakita ng ABS-CBN Sports ang dedikasyon nito na maibigay ang pinaka-maganda at iba-ibang klase ng programa sa sports sa mga Pilipino. Sabi ni ABS-CBN Integrated Sports head Dino Laurena, layunin ng ABS-CBN Sports na suportahan ang mga atletang Pinoy, kabilang ang mga pambato natin pagdating sa gaming.

“Sakop ng aming adbokasiya ang lumalaking komunidad ng mga Pinoy ‘gamers,’ na talagang nagpapakitang kaya nila makipagsabayan sa mga pinakamagagaling sa mundo ng eSports. Naniniwala kami na maaari silang maging ehemplo ng responsableng paglalaro at ipakita sa kabataan kung paano nila maiaangat ang kanilang laro sa pamamagitan ng dedikasyon at disiplina, at maintindihan na hindi lang ito simpleng pag-pindot ng mouse at keyboard,” sabi ni Laurena.

Kinagagalak naman ng Tier One chief executive officer na si Tryke Gutierrez, ang naturang pagsasanib pwersa, na aniya ay isang malaking kaganapan sa kasaysayan ng eSports sa bansa.

“Naniniwala ako na para lumawak pa lalo at magkaroon ng maraming manonood ang eSports, dapat lamang na local talent ang mag-cover nito sa lenggwaheng maintindihan nating lahat. Halos lahat ng sports coverage, Tagalog, so bakit hindi natin gawin sa eSports? Masaya ako, kami, na naniniwala ang isa sa mga pinakamalalaking network sa bansa sa aming layunin,” aniya.

Lumalaking phenomena ang eSports sa buong mundo sa mga nakalipas na taon. Patunay rito ang pagkakaroon ng 30 miyong manonood ng nakaraang League of Legends World Championship at ang pamimigay ng The International ng DoTA 2 ng halos P1.2 billion na papremyo. Halos nagiging karibal na ito ng mga tradisyunal na sports entertainment sa dami ng nanonood at antas ng kumpetisyon. Ilan pa sa mga tumatak na eSports event ang tulad ng Manila Major at Manila Masters, na sold out ang mga ticket.

Huwag palampasin ang kagila-gilalas na bakbakan ng iba’t ibang karakter sa mundo ng DoTA 2 sa pag-ere ng S+A at S+A HD ng Finals ng “Galaxy Battles: Emerging Worlds” DoTA 2 Major sa darating na Enero 21. Para sa karagdagang impormasyon, bumisita lamang sa online sports hub ng ABS-CBN Sports na sports.abs-cbn.com, at sundan ang social media accounts nila sa Facebook at Twitter (@ABSCBNSports).

 

 

Comments are closed.