ABS-CBN teleseryes, mapapanood na sa mas maraming bansa sa Africa

Mas maraming Kapamilya teleseryes na ang mapapanood sa Africa matapos magsanib pwersa ang ABS-CBN at StarTimes, ang nangungunang digital TV operator sa Sun-Saharan Africa.

 

Dahil sa mas tumataas pang demand ng African viewers para sa Pinoy dramas kung kaya’t nakipagkasundo ang StarTimes sa nangungunang Filipino content provider sa mundo, ang ABS-CBN.

 

“Ang mga kwentong Pinoy ay puno ng pag-ibig at dramatic plots. Ipinapakita nila kung ano ang pinagdadaanan ng mga kabataan sa kanilang buhay at kung paano sila natututong magmahal,” sabi ng StarTimes chairman na si Pang Xinxing.

 

Excited naman ang ABS-CBN na mas mapanood ng mas maraming African audience at maantig ang kanilang mga puso sa pamamagitan ng ipinagmamalaki nitong mga drama.

 

“Sa kabila ng tindi ng kumpetisyon sa global market, nananatili ang Africa bilang isa mga rehiyong talagang tumatangkilik sa ating mga teleserye. Inaasahan namin ang mas malawak pang presence para sa Filipino content roon sa tulong ng StarTimes,” sabi ni ABS-CBN OIC-head for Integrated Acquisitions and International Sales and Distribution na si Maria Cecilia Imperial.

 

Bilang bahagi ng kasunduan ay magbibigay ang ABS-CBN ng first-window screening ng top-ratng shows nito tulad ng “A Love to Last” at “Wildflower.”

 

Ilan sa mga Kapamilya shows na matagumpay na naipalabas via StarTimes ay ang “On the Wings of Love” at “Dolce Amore.” Kasalukuyan namang napapanood rito ang teleserye ni Julia Montes na “Doble Kara.”

 

Napapanood ang mga teleserye ng ABS-CBN sa iba’t ibang panig ng mundo dahil sa ABS-CBN International Distribution. Simula ng pinasok ng ABS-CBN ang content distribution business noong 2012, nakilala ito sa merkado ng iba’t ibang bansa bilang pangunahing pinagkukunan ng mga programang Pinoy sa mahigit 50 teritoryo worldwide.

 

Nananatiling tahanan ang ABS-CBN ng top-rating na mga programa sa telebisyon, box-office na mga pelikula, at hit na mga libro at music albums. Mabilis din itong gumagawa ng marka pagdating sa digital space at patuloy na pinapalawak ang mga serbisyo nito para matugunan ang pangangailangan ng mga Pilipino sa iba’t ibang panig ng mundo.

Layunin pa rin ng Kapamilya Network na maging ‘in the service of the Filipino’ at makatulong para mapagtibay pa ang pamilya, pagibayuhin ng mga Pilipino ang kani-kanilang mga sarili, makaambag sa pagbuo ng sambayanan, at itaguyod ang Pinoy pride sa pamamagitan makabuluhang content at world-class na talent ng mga Pilipino.

 

 

ABS-CBN dramas to conquer Sub-Saharan Africa via StarTimes

 

More Filipino content is set to air in Africa after ABS-CBN secured a volume deal with StarTimes, the leading digital TV operator across Sub-Saharan Africa.

 

The partnership was sealed in response to African viewers’ demand for more Filipino dramas.

 

“Filipino stories are full of youthful romance, pure love, and also dramatic plots. They show how the young Asian people struggle with lives and how to love,” said StarTimes chairman Pang Xinxing.

 

ABS-CBN, meanwhile, is looking forward to reach new audiences and touch the hearts of more African viewers through its heartfelt Filipino stories.

 

“Despite the highly competitive global market, Africa has remained to be one of our constant and strongest territories.  We look forward to an even wider presence for Filipino content in the region via the StarTimes platform,” said ABS-CBN OIC-head for Integrated Acquisitions and International Sales and Distribution Maria Cecilia Imperial.

 

ABS-CBN is slated to provide first-window screening of its latest top-rating shows, which includes the family drama “A Love to Last,” and the record-rating revenge drama series “Wildflower.”

 

Among the hit Filipino dramas aired via StarTimes were “On the Wings of Love” and “Dolce Amore.” The pay-TV channel is currently airing ABS-CBN’s top rating drama about the life of twins Kara and Sarah in “Doble Kara.”

 

ABS-CBN’s content, popular for its heartfelt Filipino stories, is made available across other territories through ABS-CBN International Distribution, recognized in the global arena as a reliable foreign content provider. It has been a premier source of high quality Filipino programming in over 50 territories all over the world and has sold over 30,000 hours of content worldwide. Living up to this recognition, ABS-CBN International Distribution commits to add to its line-up of high-caliber programs and movies with cast and storylines that appeal to various cultures.

 

ABS-CBN, home to the Philippines’ top-rating TV programs, box-office films, and best-selling books and music, is rapidly transitioning into an agile digital company and continues to expand its services and businesses to address the different needs of Filipinos worldwide.

 

It continues to be in the service of the Filipino by harnessing the power of transformative content and world-class talent to Filipinos and global audiences using relevant entertainment platforms and technologies to help strengthen the Filipino family, promote self-advancement, contribute to nation-building, and bring cultural pride to Filipinos.

 

For more information, visit ABS-CBN International Distribution’s official website at http://internationalsales.abs-cbn.com.

Comments are closed.