ABS-CBN TULONG CENTER OFFERS FREE MEDICAL AND LEGAL HELP FOR 1ST ANNIVERSARY ON FEBRUARY 24

The Tulong Center team.

The Tulong Center team.

ABS-CBN’s Tulong Center is set to celebrate its first anniversary on Tuesday (February 24) with a line-up of activities from 8 am to 12nn at the ABS-CBN Center Road, Mo. Ignacia St. in Quezon City.

As a treat to everyone, the Tulong Center will be providing free medical and legal help, free haircut, reading glasses distribution, dental check-ups, a feeding program, and free minor surgery services. There will also be a storytelling activity to be led by renowned Kapamilya newscasters Bernadette Sembrano and Jasmin Romero.

A Mass will also be celebrated at the Annunciation of Our Lord Chapel inside ABS-CBN, along with the visits of different Kapamilya stars from “It’s Showtime.”

“The Tulong Center’s thrust is consistent with our mission to be socially responsible . As we say, ‘In the service of the Filipino’ and this is the guiding principle that has brought the Tulong Center to what it is after its inception in 2009 and launch in 2014,” said Jerry Bennett, head of ABS-CBN’s Integrated Public Service.

The center has consistently provided the public, including overseas Filipino workers, with legal and medical assistance. Last year, the Tulong Center was able to assist at least 25 people on a daily basis, with a total of 5,230 cases for the whole year. This year, it aims to assist more Kapamilyas per day.

The Tulong Center aims to be an icon of service as it proudly lives out the three core values that are the pillars of its activities: service orientation, compassion, and empowerment.

–30–

LIBRENG SERBISYONG MEDIKAL, LEGAL, AT IBA PA SA UNANG ANIBERSARYO NG ABS-CBN TULONG CENTER

Ipagdiriwang ng ABS-CBN Tulong Center ang unang anibersaryo nito ngayong Martes (Pebrero 24) sa pamamagitan ng paghahatid ng mga libreng serbisyo sa publiko mula 8AM hanggang 12NN sa ABS-CBN Center Road, Mo. Ignacia St. sa Quezon City.

Bilang handog sa mga Kapamilya, magkakaroon ng libreng serbisyong medikal at ligal, libreng gupit, pamamahagi ng reading glasses, dental check-up, feeding program, at minor na operasyon. Pangungunahan naman ng kilalang Kapamilya newscasters na sina Bernadette Sembrano at Jasmin Romero ang story-telling para sa mga bata.

Magkakaroon din ng misa sa Annunciation of Our Lord Chapel sa loob ng ABS-CBN, pati na rin ang sorpresang pagbisita ng mga sikat na hosts ng “It’s Showtime.”

“Ang Tulong Center ay alinsunod sa layunin ng Kapamilya network na paglingkuran ang publiko. Gaya ng sinasabi natin, ‘In the service of the Filipino’ at ito ang naging gabay at batayan namin mula nang mabuo ang konsepto ng Tulong Center noong 2009 at ilunsad noong 2014,” ani Jerry Bennett, ang head ng Integrated Public Service ng ABS-CBN.

Sa nakaraang taon, nakapagkaloob ang center ng serbisyo sa mga kababayan at overseas Filipino workers ng medical at legal assistance. Noong 2014, halos 25 na mga Kapamilya araw-araw ang natulungan ng center, at naaksiyunan ang 5,230 na kaso para sa buong taon. Ngayong 2015, layunin nitong makapaghatid ng tulong sa mas marami pang Kapamilya.

Ang Tulong Center ay naglalayong maging batayan ng serbisyo sa mga nangangailangan habang isinasabuhay nito ang kanilang tatlong core values na: service orientation, compassion, at empowerment.

–30–

Comments are closed.