ABS-CBN TURNS INTO A CAMPUS FOR PINOY MEDIA CONGRESS

FEU, SLU, UP rule ABS-CBN’s PMC Online Video Contest

ABS-CBN capped another successful edition of “Pinoy Media Congress” (PMC) recently as it awarded the first winner of the PMC Online Video Competition and turned the ABS-CBN Broadcasting Center into a campus for one day with workshops, tours, and screenings for hundreds of communication students from all over the Philippines.

Far Eastern University (FEU) “BK8 List,” which pokes fun at cliché scenes in the movies, bested Saint Louis University’s “Neutral,” which features a masked person going around Baguio City in search for people like him, and UP Diliman’s take on Marcelo H. Del Pilar’s “Dasalan at Tocsohan” entitled “Los Mandamientos” in the PMC Online Video Competition, which aimed to give students a chance to pitch their creative ideas for an original series to ABS-CBN. Apart from cash prizes, the three finalists were also given the opportunity to be part of ABS-CBN multichannel network Adober Studios’ growing number of content creators.

After two days of plenary sessions on topics and issues related to the conference theme “Media and Information Literacy: Understanding Media in Today’s Changing Society,” delegates were given a chance to participate in an activity that they believe can best help them prepare for their chosen career path.


Aspiring writers for TV and film registered for the Scriptwriting workshop of Ricky Lee, who taught them how to develop stories that will connect with viewers. The writer of many classic films and ABS-CBN’s creative manager likened the process to giving birth, telling the participants that just like a newborn that just came out of the womb, their first drafts will look messy and unpolished. However, after cleaning it and giving it time to grow, it can develop to a good story.

At the Adober Studios bootcamp, delegates were guided on how to conceptualize, write, shoot, and edit original online content. ABS-CBN’s multi-channel network brought in the crew behind “Unspoken Rules,” a popular online series featuring common beliefs about love and friendship, to assist the participants in doing their own videos. Delegates got to experience the creative process behind the viral videos they used to just watch on Youtube or on social media.

Future journalists and reporters enlisted for the “Bayan Mo, iPatrol Mo” citizen journalism workshop, where they were taught again the basics of news writing, while a professional photojournalist showed them how to use their smartphones to shoot, edit, and disseminate their own reports. Participants even got to take home BMPM backpacks and kits that they can use as they begin their journey as young citizen journalists.

 

Meanwhile, over 200 students also got the opportunity to tour inside ABS-CBN’s studios in Quezon City, as well as inside the famous “Pinoy Big Brother” house. Here, delegates saw firsthand how the country’s most watched programs are being produced, as tour guides also explain to them the basic equipment and setups used in the shows.

 

Finally, delegates also flocked to the free movie screenings of classics “Tatlong Taong Walang Diyos” and “Magic Temple” in ABS-CBN’s Dolphy Theater, courtesy of ABS-CBN Film Restoration, which promotes preservation and appreciation of Filipino film classics.

Over 1,000 mass communication students gained a more informed and critical understanding of the media at the 11th Pinoy Media Congress (PMC), held last February 16 and 17 at the St. Mary’s College Quezon City campus, and beamed live via satellite to the Visayas State University (VSU).

 

A partnership between ABS-CBN and the Philippine Association of Communication Educators (PACE), PMC aims to help prepare the next generation of communicators through imparting knowledge and wisdom from seasoned media practitioners. Resource speakers included ABS-CBN News head Ging Reyes, ABS-CBN chief of reporters Lynda Jumilla, radio icon Ted Failon, broadcast journalists Ces Orena-Drilon and Jeff Canoy, renowned scriptwriter and book author Ricky Lee, “The Greatest Love” head writer Jerry Gracio, and ABS-CBN business unit head Ruel Bayani, ABS-CBN International Sales and Distribution head Leng Raymundo, and ABS-CBN Film Restoration head Leo Katigbak.

This year, PMC had its biggest turnout with almost 1,400 delegates, raising its overall total of attendees in 11 years to over 9,000.

-30-

 

FEU, SLU, UP nanguna sa PMC Online Video Contest 

ng ABS-CBN

ABS-CBN, NAGING ISANG PAARALAN PARA SA MGA DELEGADO NG PINOY MEDIA CONGRESS

Matagumpay na dinaos ng ABS-CBN ang ika-11 na edisyon ng “Pinoy Media Congress” kung saan naganap ang unang PMC Online Video Competition at kung saan nagmistulang eskwelahan ang ABS-CBN compound  dahil sa daan-daang estudyanteng tumungo rito para sa workshops, tours, at film screenings mula sa Kapamilya network.

 

Tinanghal na kampeon ang Far Eastern University (FEU) sa kanilang video na “BK8 List,” at sinundan ng “Neutral” ng St. Louis University, at “Los Mandamientos” ng UP Diliman sa contest na nagbigay sa kanilang ng pagkakataong maibahagi ang mga ideya nila para sa isang online show sa ABS-CBN. Parte ng kanilang premyo ang tsansang mapabilang sa ABS-CBN multichannel network na Adober Studios.

 

Pagkatapos ng dalawang araw ng mga sesyon sa mga paksang akma sa tema ng conference ngayong taon na “Media and Information Literacy: Understanding Media in Today’s Changing Society,” nagkaroon ang mga delegado ng mga pagkakataon na sumali sa mga aktibidad na sa paniwala nila makakatulong sa kanilang karera.

 

Nagkaroon ng Scriptwriting workshop ang tanyag na si Ricky Lee para sa mga nangangarap maging writer sa telebisyon at pelikula, kung saan tinuro niya paano magkakaroon ng koneksyon ang awtor at mga manonood niya. Itinulad ng creative manager ng ABS-CBN na parang bagong panganak na mga bata ang mga lathala ng mga estudyante ngunit sa pagtagal ng panahon, magiging mahusay na kwento din ito.

 

Sa Adober Studios bootcamp naman, ginabayan ang mga delegado sa tamang paraan ng pag-conceptualize, pagsulat, pag-shoot, at pag-edit ng kanilang mga original online content. Dinala ng multi-channel network ng ABS-CBN ang mga katauhan sa likod ng “Unspoken Rules,” isang sikat na online series kung saan bida ang mga hugot sap ag-ibig at pagkakaibigan, para maging tulong at guro ng mga estudyante sap ag-gawa ng kanilang mga video.

 

Para sa mga gustong maging journalist at broadcaster, nagkaroon din ng workshop ang “Bayan Mo, iPatrol Mo” kung saang tinuruan sila ng mga kaalaman sa news writing, habang isang propesyunal na photo journalist ang nagpakita kung paano gamitin ang smartphone sa pag-shoot, edit, at pagpost ng kanilang mga report. Nakapag-uwi pa ang mga delegado ng espesyal na BMPM backpacks para masimulan ang kanilang karera bilang citizen journalists.

 

Lagpas 200 na estudyante naman ang nagkaroon ng pagkakataong mabisita ang bahay ni Kuya at ang mga studio ng ABS-CBN sa Quezon City. Nakita ng mga estudyante kung paano prino-prodyus ang mga nangungunang programa ng ABS-CBN, salamat na rin sa  pag-gabay ng tour guides sa mga equipment at set-up sa mga show.

 

Hindi naman nagpahuli ang free movie screenings sa loob ng Dolphy Theater sa ABS-CBN kung saan napanood ng mga estudyante ang “Tatlong Taong Walang Diyos” at “Magic Temple.” Handog ito ng ABS-CBN Film Restoration, na naglalayong ipreserba ang mga Filipino film classics.

 

Mahigit isang libong estudyante ng mass communication ang nagkaroon ng pagkakataong matuto at maging informed sa mundo ng media sa nakaraang ika-11 na Pinoy Media Congress (PMC), na dinaos noong February 16 at 17 sa St. Mary’s College Quezon City campus, at ipinalabas pa via satellite sa Visayas State University (VSU).

 

Mula sa isang pagsasanib-puwersa sa pagitan ng ABS-CBN at the Philippine Association of Communication Educators (PACE), ang PMC na nais gabayan ang mga susunod na henerasyon ng media practitioners at communications sa tulong ng mga beterano sa media. Ilan sa mga nagsilbing resource speakers sina ABS-CBN News head Ging Reyes, ABS-CBN chief of reporters Lynda Jumilla, radio icon Ted Failon, broadcast journalists Ces Orena-Drilon and Jeff Canoy, kilalang scriptwriter at manunulat ng mga libro na si Ricky Lee, “The Greatest Love” head writer Jerry Gracio, ABS-CBN business unit head Ruel Bayani, ABS-CBN International Sales and Distribution head Leng Raymundo, at ABS-CBN Film Restoration head Leo Katigbak.

Pinakamalaking PMC ang nangyari sa taong ito kung saan nagkaroon ng halos 1,400 na delegado. Sa loob ng 11 na taon, umabot na sa 9,000 na estudyante ang nabigyan ng pagkakataong makadalo sa PMC.

-30-

Comments are closed.