ABS-CBN’S CORONA IMPEACHMENT COVERAGE WINS NATIONAL TV RATINGS

ABS-CBN’S CORONA IMPEACHMENT COVERAGE WINS NATIONAL TV RATINGS. ABS-CBN interrupted its regular programming to give way to the live coverage of the historic impeachment trial via “Ang Hatol: Chief Justice Corona,” which most Filipinos watched yesterday when the senator-judges finally delivered their verdicts as it hit a national TV rating of 18.5% against GMA (11.8%), GMA News TV (3.1%), and TV5 (2.9%), based on data from Kantar Media. ABS-CBN’s coverage also ruled the ratings race last Monday with a national TV rating of 10.3% versus TV5 (2.8%) and GMA News TV (1.7%), and last Friday (May 25) with a national TV rating of 11.5% against TV5 (3.1%) and GMA News TV (3.0%). ABS-CBN’s official hashtag #CJonTrial became the top trending topic in the Philippines as Filipinos tweeted their thoughts while actively watching the trial. The coverage of ABS-CBN, the largest and leading multimedia conglomerate in the country, has reached more Filipinos in the country and worldwide through its media platforms on free TV via ABS-CBN and Studio 23, on cable TV via DZMM TeleRadyo and ANC, on radio via DZMM Radyo Patrol 630, and online livestreaming via abs-cbnNEWS.com. The country’s most trusted anchors also delivered updates from the Senate, with Korina Sanchez and Ted Failon for ABS-CBN Channel 2, Julius Babao for DZMM, and Tony Velasquez, Lynda Jumilla, Karen Davila, and Atty. Adel Tamano for ANC. ABS-CBN broadcast the hearing live in lieu of its regular programming for the Fiilpino public and widened its reach through all of its media platforms and generated wider political participation by making information more accessible to them.

 

IMPEACHMENT COVERAGE NG ABS-CBN, PINAKATINUTUKAN NG PUBLIKO. Pinaka-pinanood ng mga Pilipino sa bansa ang coverage ng ABS-CBN ng pagpapasya ng mga senador-hurado sa impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona kahapon (Mayo 29) nang pumalo “Ang Hatol: Chief Justice Corona” ng national TV rating na 18.5% laban sa ng GMA-7 (11.8%), GMA News TV (3.1%), at TV5 (2.9%), base sa datos ng Kantar Media. Waging wagi rin ang “Ang Nasasakdal: Chief Justice” ng ABS-CBN noong Lunes (Mayo 28) sa national TV rating na 10.3% kontra TV5 (2.8%) at GMA News TV (1.7%), at noong Biyernes (Mayo 25) sa national TV rating na 11.5% laban sa TV5 (3.1%) at GMA News TV (3.0%). Patunay pang mas tinutukan nga ito ng sambayanan dahil numero unong trending topic ang hashtag na #CJonTrial na siyang opisyal na ginagamit ng ABS-CBN sa coverage ng paglilitis na inere sa ABS-CBN Channel 2 at Studio 23 sa free TV, sa DZMM TeleRadyo at ANC sa cable TV, sa DZMM Radyo Patrol 630 sa radyo, at sa abs-cbnNEWS.com naman para sa livestreaming sa Internet. Nasa ABS-CBN din ang pinaka-pinagkakatiwalaang anchors sa bansa na nag-uulat ng mga pinakamainit at pinakasariwang pangyayari mula sa Senado, sina Korina Sanchez at Ted Failon para sa ABS-CBN, Julius Babao sa DZMM, at Tony Velasquez, Lynda Jumilla, Karen Davila, at Atty. Adel Tamano sa ANC. Tanging ABS-CBN ang nagbibigay ng mas malawak na access sa impormasyon para sa mas maraming Pilipino sa lahat ng media platforms.

 

Comments are closed.