ABS-CBN’S “THANK YOU ANG BABAIT NINYO” CHRISTMAS THEME, NAMED ONE OF THE ‘12 SONGS OF CHRISTMAS’

“Thank You Ang Babait Ninyo,” the theme song of ABS-CBN’s 2014 Christmas Station campaign, made it to the “12 Songs of Christmas (from all around the world)” list published by the website Aleteia.org, a worldwide Catholic network.

The song, which featured the finalists of “The Voice Kids Philippines Season 1,” was chosen alongside Christmas hymns from countries Spain, Finland, Ireland, Lebanon, Venezuela, Italy, France, USA, Poland, Nigeria, and England.

Aleteia’s cultural commentator Matthew Becklo, who came up with the list, described the song as “lighthearted and fun” and a “refreshing anthem of humility, hope, and gratitude” in his post on the website last 23 Dec 2016.

“Thank You Ang Babait Ninyo” is written by Robert Labayen, Lloyd Oliver Corpuz, and Love Rose de Leon of the ABS-CBN Creative Communications Management (CCM), with music by Amber and Marcus Davis. It was sung by Lyca Gairanod, Darren Espanto, Juan Karlos Labajo, and Darlene Vibares. The song project was supervised by Johnny de los Santos, also of CCM.

With a positive message of giving gratitude to people who have touched and inspired our lives, the song instantly went viral when it debuted in 2014. As of January 2016, its recording video already has over 17 million views on YouTube, while the ABS-CBN 2014 Christmas Station ID featuring the song has more than 2.5 million views.

This recognition follows the nomination of “Thank You for the Love,” ABS-CBN’s 2015 Christmas Station ID as “Most Popular Video of the Philippines” in the 2016 WebTVAsia Awards.

Meanwhile, “Isang Pamilya Tayo Ngayong Pasko,” last year’s station ID, also continues to inspire even after the Christmas season. Featuring Kapamilya executives, stars, and journalists together with Filipinos that have overcome challenges, the station ID has garnered over 2.6 million views on Youtube, with its recording video already approaching the 5 million views mark.

ABS-CBN shares these victories with Filipino families all over the world that have made the Kapamilya network a part of their homes, and have included ABS-CBN’s Christmas Station IDs and songs in their Christmas traditions.

-30-

 

  “THANK YOU ANG BABAIT NINYO” CHRISTMAS THEME NG ABS-CBN, KASAMA SA ‘12 SONGS OF CHRISTMAS’

 

Tinanghal na isa sa “12 Songs of Christmas (from all around the world)” ang Christmas theme song ng ABS-CBN noong 2014 na “Thank You Ang Babait Ninyo” ng website na Aleteia.org, isang pandaigdigang network para sa mga Katoliko.

Napili ang kantang inawit ng mga finalist ng “The Voice Kids Philippines Season 1” kasama ng iba pang awiting pamPasko mula sa mga bansang Spain, Finland, Ireland, Lebanon, Venezuela, Italy, France, USA, Poland, Nigeria, at England.

Ayon kay Matthew Becklo, ang cultural commentator ng Aleteia na gumawa ng listahan, ang kanta ay masayahin at may mensahe ng pagpapakumbaba, pag-asa, at pagpapasalamat sa kanyang post sa website noong nakaraang 23 Dec 2016.

Isinulat ang “Thank You Ang Babait Ninyo” ni ABS-CBN Creative Communications Management (CCM) head Robert Labayen kasama sina Lloyd Oliver Corpuz at Love Rose de Leon ng CCM, at nilapatan ng musika nina Amber at Marcus Davis. Binigyang buhay ito nina Lyca Gairanod, Darren Espanto, Juan Karlos Labajo, at Darlene Vibares. Ang proyekto ay pinangunahan ni Johnny de los Santos, na bahagi rin ng CCM.

Dahil sa mensahe nitong pagbibigay ng pasasalamat sa mga taong tumulong at nagdala ng inspirasyon sa ating mga buhay, agad naging viral ang kanta noong lumabas ito sa YouTube noong 2014. Sa ngayon, humakot na ito ng higit sa 17 million views sa YouTube ayon sa datos noong January 2016, habang ang ABS-CBN 2014 Christmas Station ID naman, kung saan gamit ang kanta, ay may lagpas 2.5 million views na rin.

Bago ang pagkilala mula sa Aleteia, nanomina naman ang “Thank You for the Love” 2015 Christmas Station ID ng ABS-CBN bilang “Most Popular Video of the Philippines” sa 2016 WebTVAsia Awards.

Samantala, ang 2016 station ID na “Isang Pamilya Tayo Ngayong Pasko,” ay patuloy pa ring pumupukaw ng damdamin kahit tapos na ang Pasko. Tampok ang ilang Kapamilya executives, stars, at journalists, kasama ang mga Pilipinong hinarap ang matitinding hamon sa buhay, lagpas 2.6 million views na ang station ID sa YouTube, habang malapit na sa 5 million views ang nakuha ng recording video nito.

Ibinabahagi ng ABS-CBN ang mga tagumpay na ito sa pamilyang Pilipino sa buong mundo, na ginawang parte na ang Kapamilya network ng kanilang mga buhay, at isinama na ang Christmas Station IDs sa kanilang tradisyon tuwing Pasko.

-30-

Comments are closed.