AFTERNOON TV’S MOST DESIRABLE SERIES “MOON OF DESIRE” PREEMS ON ABS-CBN

ellen jc and meg

Afternoon television’s most desirable series “Moon of Desire” is set to captivate viewers with its compelling story about love, lies, and finding true beauty beginning Monday (Mar 31) in ABS-CBN’s Kapamilya Gold.

Two of Philippine television’s most desirable actors JC De Vera and Meg Imperial team up for the first time alongside Ellen Adarna, Dominic Roque, and Miko Raval.

Watch Ayla’s (Imperial) journey to finding her true self despite being constantly discriminated and mistreated because of her medical condition hypertrichosis, or having excessive growth of hair all over her body. The popular radio DJ of the program Moon of Desire, Ayla hides her insecurities behind the radio booth and finds acceptance from her listeners who seek her advice on love.

She may seem confident on the outside, but deep inside, Ayla is still hurting over a broken promise made by the one and only person who has shown her kindness and love — her childhood friend Jeff (De Vera).

Many years after, Ayla once again crosses paths with Jeff, now a successful dermatologist. Jepoy will instantly be smitten by the now seductive Ayla without knowing that she is the same girl he has loved his whole life. Unbeknownst to Ayla, Jeff has devoted his time studying medicine to find a cure for her condition.

Will Ayla give him a second chance? Or will she seek revenge for the hurt he caused her? Can Jepoy finally heal Ayla? Will he also heal her broken heart?

Ayla and Jepoy are not the only ones who desire each other as people around them want them just as bad. There’s Vince (Roque), a photographer who falls in love with Ayla despite her looks; Tamara (Adarna), the rich heiress of the company Jepoy is working for and  who is head-over-heels for him; and Eron (Raval), the radio station’s sound engineer who is passionately and secretly in love with DJ Ayla.

Also included in the cast are Precious Lara Quigaman, Carmi Martin, Perla Bautista, Beauty Gonzales, Dawn Jimenez and Franco Daza. The series is directed by FM Reyes and Raymund Ocampo.

The original theme song “Monn of Desire” was composed by Trina Bellamide and interpreted by “The Voice of the Philippines” finalist Morissette Amon.

Don’t miss the premiere of “Moon of Desire” this Monday (Mar 31), after “It’s Showtime” in ABS-CBN’s Kapamilya Gold.

-30-

JC De Vera at Meg Imperial, magpapainit na ng hapon
“MOON OF DESIRE,” MANG-AAKIT NA NG MGA PUSO SIMULA LUNES

Magsisimula na ang kwentong aakit sa inyong mga puso ngayong Lunes (Mar 31) sa pinakabagong serye na “Moon of Desire” sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.

Sa unang pagkakataon ay magtatambal at magbibida sa kanilang sariling Kapamilya serye sina JC De Vera at Meg Imperial kasama rin sina Ellen Adarna, Dominic Roque at Miko Raval.

Sundan ang paglalakbay ni Ayla (Imperial) tungo sa ganap na pagtuklas ng sarili sa kabila ng panghuhusga ng lipunan dulot ng kanyang karamdaman. Isang sikat na radio DJ ng programang Moon of Desire, ikinukubli ni Ayla sa likod ng nakahahalinang boses sa radyo ang mabalahibo niyang lihim na pagkakaroon ng hypertrichosis o hindi normal na pagtubo ng maraming buhok sa kanyang katawan.

Bagama’t isa siyang masayahing dilag, hindi maikakaila sa kanyang mga mata ang sakit na dala ng pangakong iniwan ng kababatang si Jeff (De Vera), ang nag-iisang lalaking nagpakita ng malasakit at pagmamahal sa kanya.

Pagkalipas ng maraming taon, muling magku-krus ang landas ni Ayla at ni Jeff na ngayon ay isa nang mahusay na doktor sa balat. Lingid sa kaalaman ni Ayla na ibinuhos ni Jeff ang buhay sa pagpapakadalubahasa sa medisina nang sa gayon ay mahanapan nito ng lunas ang kanyang kondisyon.

Muling paglalapitin ang kanilang mga puso ng tadhana nang hindi nalalaman na sila ang dating mga pusong pinagtagpo na noon. Sa likod ng kanilang mga anyo at pagkataong ibang iba sa nakaraan, handa na ba silang ipagpatuloy ang naudlot na pagmamahalan? Kaya kayang ibiging muli ni Ayla ang lalaking nagdulot ng hindi humihilom na sugat sa kanyang puso? Makita kaya ni Jepoy sa ngayo’y kaakit-akit na si Ayla ang babaeng hanggang ngayon ay nilalaman pa rin ng puso niya?

Hindi magiging madali ang lahat sa dalawa dahil hahadlangan sila ng mga tao sa kanilang paligid na may matindi ring pagnanasa na makuha sila. Nariyan si Vince (Roque), isang photographer na mamahalin si Ayla sa kanyang tunay at mabuhok na anyo; si Tamara (Adarna), isang mayamang heredera ng kumpanyang pinagtatrabahuhan ni Jepoy na baliw na baliw sa binata; at si Eron (Raval), isang sound engineer na palihim na umiibig sa katrabahong DJ na si Ayla. Kaninong mga puso ang maakit sa isa’t isa? Kaninong puso ang bibigay sa pagnanasa? Kaninong puso ang patuloy na lang na aasa?

Kasama rin sa cast ng serye sina Precious Lara Quigaman, Carmi Martin, Perla Bautista, Beauty Gonzales, Dawn Jimenez, at Franco Daza. Ito ay sa ilalim ng direksyon nina FM Reyes at Raymund Ocampo.

Ang orihinal na theme song na “Moon of Desire” ay nilikha ni Trina Bellamide at inawit ng “The Voice of the Philippines” finalist Morissette Amon.

Huwag palalampasin ang pagsisimula ng isang kaakit-akit na hapon hatid ng “Moon of Desire” ngayong Lunes (Mar 31) na pagkatapos ng “It’s Showtime” sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.

-30-

Comments are closed.