Agsunta and Migz Haleco to hold “Valentimes 2” concert

Valentimes 2 show with Agsunta and Migz Haleco

Get serenaded by Star Music’s fresh acoustic talents

Rising band Agsunta and “ASAP” Jambayan artist Migz Haleco celebrate love through a night of soulful songs in “Valentimes 2,” a concert happening at the Teatrino Promenade on February 15 (Thursday).

The two new addition to the Star Music family are taking center stage for a joint musical show where they will get to perform their new songs live as well as complement it with their most popular collaborations and covers.

Composed of Jireh Singson, Mikel Arevalo, Josh Planas, and Stephen Arevalo, the Agsunta group is popular especially to millennials for their jam collabs with other artists such as Emmanuelle Vera, Clara Benin, and Moira dela Torre in their Agsunta Jam Sessions; and their senti and quirky cover videos for songs such as Daniel Padilla’s “Simpleng Tulad Mo,” Jericho Rosales’s “Pusong Ligaw,” and even Ex Battalion and OC Dawg’s viral “Hayaan Mo Sila” in their Agsunta Song Request webisodes on Youtube and Facebook.

With a large fanbase at their back, the boys of Agsunta are about to make more noise in the music scene as they recently introduced their self-made songs such as “Patawad Na” and “Liwanag,” through their much-awaited, self-titled debut album with acoustic and soft melodic rock tunes led by its carrier single “Di Ba Halata.”

Also serenading the night is acoustic artist Migz who officially launched the track “’Pag Ika’y Nagmahal” two weeks ago. From only a Soundcloud account to a duo record deal, Migz now enters the next phase of his career as a solo artist.

The charming young lad who was formerly part of the duo Migz and Maya, was the interpreter of “Bes,” one of the song finalists in Himig Handog 2017.

Migz has also previously collaborated with Agsunta for a cover of Inigo Pascual’s Billboard chart topper “Dahil Sa’yo.” Incidentally, Inigo will also participate in the said concert as a musical guest.

Aside from Inigo, “ASAP” BFF5 member Ylona Garcia will also be joining the eventful night.

Tickets for the double-treat concert are priced at P1,599 and P1,199 for VIP and patron respectively (both including CDs of Agsunta and Migz), while balcony tickets are at P500. For reservations, call Teatrino at 722-4532 or TicketWorld at 891-9999, or visit ticketworld.com.ph.

Catch Agsunta and Migz’s “Valentimes 2” concert on February 15 (Thursday). For more details, visit starmusic.ph, like Star Music on facebook.com/starmusicph, and follow it on Twitter and Instagram @ StarMusicPH.

Magpaharana sa 2 bagong acoustic talents ng Star Music!
AGSUNTA AT MIGZ HALECO, MAGPAPATIBOK NG PUSO SA “VALENTIMES 2” CONCERT

Isang selebrasyon ng musika at pagmamahal ang handog ng bandang Agsunta at ng “ASAP” Jambayan singer na si Migz Haleco sa kanilang “Valentimes 2” concert na magaganap sa Teatrino Promenade sa darating na Pebrero 15 (Huwebes).

Bibida ang dalawang bagong miyembro ng Star Music family sa isang joint musical show kung saan kanilang tatanghalin ang mga bago at sariling awitin, pati na rin ang kanilang mga sumikat na collaboration at cover.

Maraming videos na ng Agsunta ang naging viral sa YouTube at Facebook mula sa kanilang mga jam collabs kasama ang mga sikat na musicians tulad nina Emmanuelle Vera, Clara Benin, at Moira dela Torre sa kanilang Agsunta Jam Sessions; at sa senti at makukulit nilang cover videos para sa mga kantang “Simpleng Tulad Mo” ni Daniel Padilla, “Pusong Ligaw” ni Jericho Rosales, at pati na rin ang “Hayaan Mo Sila” ng Ex Battallion at OC Dawg sa kanilang Agsunta Song Request webisodes. Kabilang sa nasabing grupo sina Jireh Singson, Mikel Arevalo, Josh Planas, at Stephen Arevalo.

Kasama ang kanilang malaking following, handa na silang mag-ingay sa industriya ng musika sa kanilang pagpapakilala ng mga kantang sariling gawa tulad ng “Patawad Na” at “Liwanag” na bahagi ng kanilang self-titled debut album, na pinangungunahan ng carrier single nito na “Di Ba Halata.”

Manghaharana rin sa nasabing show ang acoustic artist na si Migz na kamakailan lang ay naglunsad ng kanyang bagong single, ang awiting “Pag Ika’y Nagmahal.”

Una siyang nakilala bilang dating bahagi ng singing duo na Migz at Maya, at bilang interpreter ng awiting “Bes,” isa sa song finalists sa Himig Handog 2017. Handa na siyang makilala ngayon bilang solo artist.

Nakipag-collaborate na rin si Migz sa Agsunta para sa isang cover ng Billboard chart topper ni Inigo Pascual na “Dahil Sa’yo.” Ngayon tampok naman si Inigo bilang special guest ng nalalapit na concert.

Maliban kay Inigo, kasama rin ang “ASAP” BFF5 member na si Ylona Garcia sa mga magtatanghal.

Mabibili na ang tickets sa presyong P1,599 (VIP) at P1,199 (patron) na may kasamang CDs nina Agsunta at Migz, samantalang P500 naman para sa balcony. Tumawag sa 722-4532 para sa Teatrino, 891-9999 para sa TicketWorld, o kaya bumisita ay sa ticketworld.com.ph.

Abangan ang Agsunta at si Migz sa “Valentimes 2” concert na magaganap na sa Pebrero 15 (Huwebes). Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang starmusic.ph, i-like ang Star Music sa facebook.com/starmusicph, at sundan ito sa Twitter at Instagram @ StarMusicPH.

Agsunta

Migz Haleco _ photo credit to Migz Haleco’s Facebook page

Comments are closed.