AIAI AND MARIAN’S WORLD-CLASS EPIC COMEDY-ADVENTURE FILM, “KUNG FU DIVAS” TO HIT CINEMAS OCTOBER 2

KFDTwo of the country’s “box-office divas” from rival TV networks—Kapamilya Comedy Queen AiAi delas Alas and Kapuso Primetime Queen Marian Rivera—will join forces in this year’s funniest epic comedy-adventure film titled “Kung Fu Divas,” which will hit cinemas nationwide on October 2 (Wednesday).

In celebration of its 20th anniversary, Star Cinema continues its two-decade tradition of sharing stories of pure laughter and entertainment to the Filipino audience by teaming up with co-producers Reality Entertainment and O & Co. Picture Factory to produce a world-class Onat Diaz masterpiece.

“Masayang-masaya kami ni Marian na part kami ng 20th anniversary celebration ng Star Cinema. Happy din ako dahil nakasama for the first time ang isa sa mga reyna ng GMA,” said AiAi. “Sa totoo lang, isa ito sa pinakamahirap na pelikulang ginawa ko–acting-wise and action-wise. Nag-training din kasi kami dito for martial arts kaya mahirap. Pero sa ganda ng movie, sulit ‘yung hirap. Fulfilled na fulfilled ako.”

Like AiAi, Marian takes pride in being part of “Kung Fu Divas.” In fact, she applauded upon learning about their milestone movie. “Happy ako na nagkakaroon ng ganitong pagkakaisa para sa isang pelikula at kabilang ako doon sa moment na ‘yun,” Marian expressed. “Napaka-memorable po nito sa akin dahil ang daming bago sa akin dito. Bukod sa unang pagsasama po namin ito ni Ate AiAi, first time ko rin pong nakatrabaho si Direk Onat, first time kong magkaroon ng comedy-action na pelikula, at syempre first movie ko po ito from Star Cinema.”

Aside from their newfound friendship, “Kung Fu Divas” was close to the heart of AiAi and Marian because of its top caliber concept and execution.

“Dahil sa movie na ito, mare-realize ng viewers na napaka-talented ng mga Pinoy at kaya nating gumawa ng pang-Hollywood na materyal,” AiAi said. “Marami na akong comedy films na nagawa pero ibang klase ang katatawanan dito, hindi mo mae-explain. Kailangan talaga siyang panoorin.”

“Bumilib talaga ako sa sa special effects ng movie. First time kong makagawa ng isang pelikula na halos lahat ng mga eksena ay nasa chroma,” added Marian. “Pero siyempre hindi lang sila maaaliw sa movie, madami rin silang matututunan lalo na tungkol sa pag-ibig at pamilya.”

“Kung Fu Divas” is a story about two bitter rivals in “Hiyas ng Dalampasigan” beauty pageant namely Charlotte (AiAi) and Samantha (Marian), who will be forced to become allies after an unexpected turn of events that put the lives of many in danger.

Can you set aside rivalry and sacrifice your own life for ‘world peace?’

Joining AiAi and Marian in “Kung Fu Divas” are Roderick Paulate, Edward Mendez, Bianca Manalo, Precious Lara Quigaman, Nova Villa and Gloria Diaz.

Don’t miss the world-class special effects, lessons, and the new flavor of comedy from the fresh dynamic duo of AiAi and Marian in the epic comedy-adventure film “Kung Fu Divas” showing on cinemas all over the country on October 2, 2013.

For latest updates about “Kung Fu Divas” and other 20th anniversary offerings of Star Cinema, visit www.StarCinema.com.ph, http://facebook.com/StarCinema and http://twitter.com/StarCinema.

-30-

Kapamilya at Kapuso, nagkaisa para sa world-class epic comedy-adventure film ng taon…
“KUNG FU DIVAS” NINA AIAI AT MARIAN, PALABAS NA SA OCTOBER 2

Magsasanib-pwersa na ang dalawang ‘diva ng takilya’ mula sa magkaribal na TV networks sa bansa–ang Kapamilya Comedy Queen na si AiAi delas Alas at Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera–para sa pinakamasayang epic comedy-adventure film ng taon na “Kung Fu Divas” na mapapanood na sa mga sinehan sa Oktubre 2 (Miyerkules).

Bahagi ng 20th anniversary ng Star Cinema at sa pagpapatuloy ng tradisyon nito ng pagbabahagi ng mga kuwentong puno ng saya at katatawanan, ang “Kung Fu Divas” ay sa ilalim direksyon ni Onat Diaz at produksyon ng Star Cinema, Reality Entertainment at O & Co. Picture Factory.
“Masayang-masaya kami ni Marian na part kami ng 20th anniversary celebration ng Star Cinema. Happy din ako dahil nakasama for the first time ang isa sa mga reyna ng GMA,” sabi ni AiAi. “Sa totoo lang, isa ito sa pinakamahirap na pelikulang ginawa ko–acting-wise and action-wise. Nag-training din kasi kami dito for martial arts kaya mahirap. Pero sa ganda ng movie, sulit ‘yung hirap. Fulfilled na fulfilled ako.”

Tulad ni AiAi, ipinagmamalaki rin ni Marian na mapabilang sa “Kung Fu Divas.” Sa katunayan, napapalakpak pa ang Kapuso actress sa milestone movie na ito.

“Happy ako na nagkakaroon ng ganitong pagkakaisa para sa isang pelikula at kabilang ako doon sa moment na ‘yun,” ani Marian. “Napaka-memorable po nito sa akin dahil ang daming bago sa akin dito. Bukod sa unang pagsasama po namin ito ni Ate AiAi, first time ko rin pong nakatrabaho si Direk Onat, first time kong magkaroon ng comedy-action na pelikula, at syempre first movie ko po ito from Star Cinema.”

Bukod sa nabuo nilang pagkakaibigan, espesyal para kina AiAi at Marian ang “Kung Fu Divas” dahil sa de-kalibreng pagkakalikha ng pelikula.

“Dahil sa movie na ito, mare-realize ng viewers na napaka-talented ng mga Pinoy at kaya nating gumawa ng pang-Hollywood na materyal,” ani AiAi. “Marami na akong comedy films na nagawa pero ibang klase ang katatawanan dito, hindi mo mae-explain. Kailangan talaga siyang panoorin.”

“Bumilib talaga ako sa sa special effects ng movie. First time kong makagawa ng isang pelikula na halos lahat ng mga eksena ay nasa chroma,” dagdag na kwento ni Marian. “Pero siyempre hindi lang sila maaaliw sa movie, madami rin silang matututunan lalo na tungkol sa pag-ibig at pamilya.”

Tampok sa kauna-unahang pagsasama sa pelikula nina AiAi at Marian ang kwento ng mainit na labanan ng dalawang hindi patatalong kandidata ng “Hiyas ng Dalampasigan” na sina Charlotte (AiAi) at Samantha (Marian). Ngunit sa gitna ng mainit na kompetisyon, isang hindi inaasahang pangyayari ang magtutulak sa kanila na magsanib pwersa upang talunin ang isang ‘major-major’ na kontrabida.

Kaya mo bang makipag-alyansa sa kalaban mo at isakripisyo ang sarili para sa kaligtasan ng mas nakararami?

Kasama nina AiAi at Marian sa “Kung Fu Divas” sina Roderick Paulate, Edward Mendez, Bianca Manalo, Precious Lara Quigaman, Nova Villa at Gloria Diaz.

Huwag palampasin ang bagong komedyang hatid ng kombinasyon nina AiAi at Marian sa naiibang epic comedy-adventure film na “Kung Fu Divas” na hitik sa katatawanan, special effects, at aral na swak para sa buong pamilya. Palabas na ang “Kung Fu Divas” sa mga sinehan sa buong bansa sa Oktubre 2, 2013.

Para sa latest updates tungkol sa “Kung Fu Divas” at iba pang 20th anniversary offerings ng Star Cinema, bisitahin ang www.StarCinema.com.ph, http://facebook.com/StarCinema at http://twitter.com/StarCinema.

-30-

AIAI MARIAN DIREK 1 FOR RELEASE AIAI MARIAN 2 FOR RELEASE AIAI MARIAN 1 FOR RELEASE AIAI 1 FOR RELEASE MARIAN 3 FOR RELEASE MARIAN 1 FOR RELEASE

TAGS: , , , , , , , , , , , , ,

Comments are closed.