Alab Pilipinas records biggest win in overtime thriller against Chong Son Kung Fu

 

Alab Pilipinas extended its winning streak to four games, its longest in the ASEAN Basketball League (ABL) season, when it defeated formidable Chinese team Chong Son Kung Fu last Wednesday (January 31) in an overtime thriller for the ages, 94-91.

The win, sealed by world import Renaldo Balkman’s clutch defensive stop, is the biggest in Alab’s season so far and is a big boost to their campaign. The Philippine team attempts to post its fifth-straight win when it faces bitter rival Singapore Slingers  this Sunday (February 4), which will air on S+A and S+A HD at 8 pm.

Josh Urbiztondo came through in the clutch when Alab needed points the most, sending home three bombs to force overtime. Reigning ABL MVP Bobby Ray Parks, however, carried the scoring cudgels all game long, exploding for season-high 31-point output, including two clutch free throws in overtime to complete their giant-slaying game. World imports Balkman and Brownlee, who both posted double-doubles, also made their presence felt all over the court.

Alab improved to 7-4 and is now just two games behind third-running Mono Vampire from Thailand, which has a 9-4 card. Chong Son, meanwhile, still kept its second place ranking after the league-leading Hong Kong Eastern Long Lions, as it absorbed only its second loss this season.

The Singapore Slingers look to play party spoiler as they try to derail Alab’s winning streak anew, after breaking their three-game winning run last January 10. The Slingers will be leaning on heritage import Fil-Am AJ Mandani and world imports Xavier Alexander and Chris Charles.

Don’t miss the the grudge match between the Philippines’ Alab Pilipinas and the Singapore Slingers this Sunday (February 4) at 8 pm and stay tuned for their battle against another ABL powerhouse Mono Vampire on Wednesday (February 7) in Baliuag Star Arena on S+A and S+A HD. For more information and stories, visit ABS-CBN’s sports hub sports.abs-cbn.com and follow @ABSCBNSports on Facebook and Twitter.

 

Singapore, nais pigilan ang rumaratsadang Alab Pilipinas

ALAB PILIPINAS, PINABAGSAK ANG CHONG SON KUNG FU NG CHINA

Umabot na sa apat na sunud-sunod na panalo ang naitala ng Alab Pilipinas sa nagpapatuloy na ASEAN Basketball League (ABL) season, matapos patumbahin ang mala-higanteng koponan mula Tsina na Chong Son Kung Fu noong Miyerkules (Enero 31) sa iskor na 94-91.

 

Ito na ang pinakamalaking isdang nabingwit ng Alab ngayong season kaya naman mataas ang kumpiyansa ng mga bata ni Coach Jimmy Alapag sa kanilang nalalapit na pagharap sa karibal na Singapore Slingers ngayong Linggo (Pebrero 4), na mapapanood sa S+A at S+A HD ng 8 pm.

Uminit sa tamang oras si Josh Urbiztondo nang pumukol ito ng tatlong sunud-sunod na tres para mapaabot ang laro sa overtime. Binuhos naman ng naghaharing ABL MVP na si Bobby Ray Parks ang pinakamaganda niyang laro ngayong season sa iskor na 31 na puntos. Nag-uwi naman ng kaniya-kaniyang double-double ang dalawang import na sina Renaldo Balkman at Justin Brownlee.

Naitala ng Alab ang ika-pitong panalo nito para sa 7-4 na kartada at lumapit ng konti sa Mono Vampire ng Thailand na may 9-4 na record. Namarkahan naman ang Chong Son sa ikalawang pagkakataon ngunit nasa pangalawang pwesto pa rin sa likod ng Hong Kong Eastern Long Lions.

Samantala, nais naman pigilan ng Singapore Slingers ang Alab sa panibagong “winning streak” nito, pagkatapos nila talunin ang koponan ng Pilipinas noong Enero 10. Sasandalan muli ng Slingers ang kanilang heritage import na si AJ Mandani at mga world import na si Xavier Alexander at Chris Charles.

Huwag palampasin ang matinding banggaan ng Alab Pilipinas at ng Singapore Slingers sa Linggo (Pebrero 4) na mapapanood sa S+A at S+A HD simula 8 pm at abangan din ang laban ng Alab Pilipinas sa isa pang higante sa ABL na Mono Vampire sa Miyerkules (Pebrero 7) sa Baliuag Star Arena. Para sa karagdagang impormasyon at iba pang mga balita, bumisita lamang sa sports hub ng ABS-CBN na sports.abs-cbn.com at sundan ang @ABSCBNSports sa Facebook at Twitter.

 

Comments are closed.