Alab Pilipinas faces ABL 2016-2017 Finalists Singapore on ABS-CBN S+A

Alab Pilipinas faces ASEAN Basketball League (ABL) powerhouse, the 2016-2017 season’s finalists Singapore Slingers this Wednesday (November 29) at the Sta. Rosa Multi-Purpose Complex in Sta. Rosa, Laguna. Fans can catch the game LIVE at 8 pm on S+A and S+A HD.

Bannered by 2016-2017 ABL MVP Bobby Ray Parks, and world imports Reggie Okosa and Ivan Johnson, Alab looks to feed off from the energy of an always-packed Sta. Rosa gym to put a dent on the Slingers’ record as well as get an early upper hand in their budding rivalry.

Alab stood toe-to-toe with their Singaporean counterparts last season, splitting the four games they played. Another interesting note in this matchup is that this season, former Slinger Josh Urbiztondo is playing for the Philippine side after signing up with Alab this year.

The Philippine team hopes to make a deeper run in the new season after falling short of their objective last year: to win a championship. Last November 19 at the MoA Arena, it paraded its new recruits in veterans like Urbiztondo, former DLSU Green Archer Rico Maierhofer, and Cebuano hotshot Dondon Hontiveros alongside new head coach Jimmy Alapag to start its campaign.

Alab almost beat the defending champion Hong Kong Eastern Long Lions last in that game, 89-92, with Okosa leading the charge for the home team with 28 points and 12 rebounds with fellow import and former Atlanta Hawk Ivan Johnson and Parks with 17 markers each. The three will take the cudgels for Alab once more to break into the win column against the Slingers, who defeated CSL Knights Indonesia 77-66 in their home opener behind world import Xavier Alexander, slotman Ryan Wright, and point guard AJ Mandani.

ABL’s exciting home and away format of the young league has endeared itself to fans in every place it visits, packing gyms to the roof as everyone is excited to see the stars from other parts of the Asian region visit their own hardcourt. Filipinos fans get an additional treat as some of our homegrown players are playing as imports in other teams such as the Slingers’ AJ Mandani, the Long Lions’ Christian Standhardinger, and Formosa Dreamers’ James Forrester to name a few.

Don’t miss the festivities at Alab Pilipinas’ home game against 2016-2017 ABL finalists Singapore Slingers in the continuation of the ABL action this Wednesday (November 29) LIVE from the Sta. Rosa Multi-Purpose Complex in Sta. Rosa, Laguna on on S+A and S+A HD at 8 pm. For more information and stories, visit ABS-CBN’s sports hub sports.abs-cbn.com and follow @ABSCBNSports on Facebook and Twitter.

ALAB PILIPINAS HAHARAPIN ANG SINGAPORE SLINGERS SA ABL SA ABS-CBN S+A

 

Isang matinding hamon ang haharapin ng Alab Pilipinas sa kanilang sunod na pagsabak sa aksyon sa ASEAN Basketball League (ABL) sa kanilang pakikipag-tunggali sa Singapore Slingers ngayong Miyerkules (Nobyembre 29) sa Sta. Rosa Multi-Purpose Complex sa Sta. Rosa, Laguna. Mapapanood ito ng LIVE sa S+A at S+A HD simula 8 pm.

Nagtapos sa ikalawang pwesto ang Slingers sa ABL noong nakaraang season, kung kaya siguradong mapapalaban sina 2016-2017 ABL MVP Bobby Ray Parks, at world imports na sina Reggie Okosa at Ivan Johnson, na nais ding kumuha ng lakas sa manonood na fans sa Sta. Rosa gym.

Parehong nakakuha ng tig-dalawang panalo sa isa’t isa ang Alab at Slingers noong 2016. Ang kaibahan ngayong taon, sa Alab Pilipinas na maglalaro ang dating Slinger na si Josh Urbiztondo.

Maliban kay Urbiztondo, idinagdag din ng Alab sina dating DLSU Green Archer Rico Maierhofer, Cebuano hotshot na si Dondon Hontiveros, at bagong head coach na si Jimmy Alapag sa kanilang kampanya para sa kampeonato ngayong taon.

Muntikan ng patumbahin ng Alab noong Nobyembre 19 sa MoA Arena ang kampeon ng ABL na Hong Kong Eastern Long Lions iskor na 89-92, kung saan nanguna si Okosa sa kanyang 28 na puntos at 12 rebounds para sa Alab. Nagtala rin tig-17 na puntos sina Ivan Johnson at Parks. Aasahan muli ang tatlo ng kanilang koponan para maibuslo ang panalo kontra sa Slingers, na tinalo ang CSL Kinghts Indonesia 77-66 sa kanilang unang laro sa likod ng pinagsama-samang lakas nina world import Xavier Alexander, Ryan Wright, at point guard na si AJ Mandani.

Ikinatutuwa ng basketball fans ang home-and-away na format ng ABL, kaya naman laging dinadagsa ng tao ang bawat gym at arena na kanilang binibisita. Para sa Pinoy fans, pinagmumulan din ito ng karangalan dahil sa mga kapwa Pilipino mismo ang nagsisilbing import ng ibang koponan tulad nina AJ Mandani ng Slingers, Christian Standhardinger ng Long Lions, at James Forrester ng Formosa Dreamers.

Huwag palampasin ang pagpapatuloy ng umaatikabong aksyon sa ika-8 na season ng ABL ngayong Miyerkules (Nobyembre 29) ng LIVE mula sa Sta. Rosa Multi-purpose Complex sa S+A at S+A HD ng 8pm sa tapatang Alab Pilipinas at Singapore Slingers. Para sa karagdagang impormasyon at iba pang mga balita, bumisita lamang sa sports hub ng ABS-CBN na sports.abs-cbn.com at i-follow ang @ABSCBNSports sa Facebook at Twitter.

Comments are closed.